Present Time
Her Pov
"Good morning!" bungad ko pagpasok ng dining room. Nilapitan ko sila at pinaghahalikan sa pisngi tsaka naupo.
"Maganda yata ang gising ng prinsesa namin, huh." nakangiting puna ng akin pinakagwapong daddy sa buong mundo..
Kumuha ako ng pagkain at inilagay sa plato ko. "Of course, Dad. Alam ko kasing nandito na kayo eh."
"Woohh! Sipsip." ismid ni Kuya Zeron tsaka bumaling kay Dad. "Huwag kang maniwala. Nang-uuto yan kasi may kailangan."
"Oy! Wala huh." dependsa ko. "Na-miss ko naman talaga sila."
Nginisian nya ako. "Kaya pala kahapon, enjoy kang kausap ang sarili mo at narinig kong magpapakabait ka para ibigay ang gusto mo. I heard it right, little sister."
Nanlaki ang mata ko at dinuro sya gamit ang tinidor. "Hala! Wala akong sinabi at lalong hindi ko kinakausap ang sarili ko!"
"Oh! I heard that too." singit ni Ate Zea at nginisian din ako.
Sinimangutan ko sila. Nakakainis talaga ang kambal na ito. Lagi akong pinagkakaisahan kapag nandito ang parents namin.
"Kayo talagang magkapatid." sabi ni Mommy. "Lagi nyo nalang pinagkakaisahan itong prinsesa natin."
Napangiti ako. Waaahhh! Ang bait talaga ng mommy ko.
Nakangiti syang bumaling sa'kin. "Baby, anong gusto mo?"
Napasimangot ako. Akala ko, pinagtatanggol nya ako pero isa din pala syang mang-aasar sa akin. "Mommy naman eh."
Tinawanan nila ako na lalong nagpasimangot sa'kin. Huhuhu! Lagi akong pinagkakaisahan kapag magkakasama kami.
"Huwag nyo na’ng i-bully ang prinsesa natin." awat ni Daddy na ikinangiti ko. Ito, siguradong hindi ako aasarin. Sya ang kakampi ko. Kaya nga lumaki akong Daddy’s girl. "Anyway, Princess, nabanggit sa'kin ni Jeric na may nagugustuhan na si Xeric."
"Ha?" gulat kong sabi.
"Oh! You’re still into him huh." nakangising sabi ni Kuya.
Inirapan ko sya at tumingin kay Daddy. "May nagugustuhan na sya? Kelan pa? Tsaka sino yung babae? Bakit hindi ko alam?"
"Hanggang ngayon, gusto pa nya ang lalaking iyon?" gulat na sabi nila Mommy at Ate Zea na tinanguan nila Daddy at Kuya.
"Imposible. I know his daily routine and siniguro ni Dhairen na walang nagugustuhan si Xeric. Ni hindi din sya lumalapit sa kahit sinong babae. Nang magsimula ang summer, minsan lang lumabas ng bahay at laging mga lalaki din ang kasama nya."
Napansin kong natigilan sila at kunot noong tumingin sa akin.
"Paano mo nalaman iyon?" tanong ni Ate Zea.
"Maliban sa kakutsaba ko ang kaibigan nya na pinagtatangungan ko, lagi ko din syang sinusundan kapag lumalabas sya ng bahay at—" Natigilan ako at napahawak sa bibig. Waahhh! Bakit ko sinabi iyon? Hala naman! Inilaglag ko pa ang sarili ko.
"Sinusundan mo sya?" Pinanliitan ako ng mata ni Mommy.
Umiling-iling ako pero halatang hindi sila naniniwala dahil nga sinabi ko na. Huhuhu. Ang daldal ko naman kasi eh.
"Ikaw yung stalker ni Xeric." ani Ate Zea.
Bumuntong hininga ako. Wala na, nailaglag ko na ang sarili ko kaya wala nang sense kung magsisinungaling pa ako. "Kapag nasa school sya, ang mga kaibigan nya ang nagsasabi sa'kin ng ginagawa nya. Kapag umuuwi sya dyan sa bahay nila, lagi akong nakabantay at sinusundan ko sya kapag lumalabas."
"Stalker." sabay na sabi ng kambal na ikinasama ng tingin ko.
"Hindi ako stalker." inis kong sabi. "Admirer ni Xeric! Admirer!"
"It’s still the same." ani Ate. Aish! Ang kulit din nitong ate ko.
"No!" diin ko. "Stalker ang tawag sa panget, mukhang goon o iyong hindi katiwa-tiwala at creepy pero para sa tulad kong maganda, mabait at mala-anghel ang mukha, admirer ang tawag. Iyon ang malaking kaibahan noon kaya admirer ako ni Xeric."
Napailing ang dalawa at hindi na nakipagtalo. Aba, dapat lang. Alam nilang hindi sila mananalo sa reasonings dahil talagang ipaglalaban ko ang point ko.
"Dalaga na ang prinsesa. May pa-my labs pa." naiiling na sabi ni Mommy. "Pero paano yan, Princess? Hindi sasabihin ni Jeric iyon kung hindi totoo. Wala ka nang pag-asa kay Xeric."
Umiling ako. "I don’t believe that, Mom. Dhairen will surely tell me pero kung sakaling meron, sisiguraduhin kong malalaman ko kung sino. Aba, kung hindi ako ang magugustuhan nya, dapat masiguro kong mas lamang sa'kin iyon." Syempre, para matanggap ko agad at maka-move on sa feelings ko.
Napailing sila at inilihis na ang topic. Well, pag-ibig ang pinag-uusapan dito kaya hindi talaga ako magpapatalo.
I'm Zaire Emerald Xermin, 19 years old at kaka-graduate lang ng senior high last school year. Yung kambal kong kapatid ay sina Zeron Jade at Sapphire Xermin, 22 years old at 4th year college sa darating na pasukan.
Anak kami ng mag-asawang pinakamayaman at maimpluwensya sa buong mundo na sina Zenon Emile at Ruby Lei Xermin.
Every Sunday kung umuwi sila dito sa main residence namin sa Trost City. Gusto nila na kahit marami silang trabaho ay hindi nila kami napapabayaan. Ayaw nilang mawala ang closeness kaya nagbibigay sila ng oras at panahon para magkasama kami.
Mabait ako kahit na pinalaking prinsesa. Ibinibigay nila ang lahat ng gusto ko pero may limitasyon din. Hindi ako brat at marunong akong makisama sa kahit na sino. Masunurin din ako lalo na sa parents ko at hindi ako marunong makipag-ayaw kaya masyado silang protective sa'kin. Prinsesa kasi nila ako.
Pero sa kabila ng pagiging Xermin, pinapanatili ko ang pagiging low profile kaya gumagamit ako ng ibang surname. Maliban sa may pagkadelikado ang mapabilang sa pamilyang ito ay iyon na din ang gusto kong gawin. Ayoko kasing nae-expose sa maraming tao. You know, baka madiscover ako at mawalan ng trabaho ang ibang model o artista. Ayan, ang hangin ko na. Tsk.
At isa din kasi iyong batas para sa pamilya namin. Na kailangan munang tumungtong sa edad na 21 ang bawat isa sa amin bago kami ipakilala sa buong mundo bilang bahagi ng Xermin.
Well, I don’t really mind kungipakilala ba ako bilang Xermin o hindi. Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng peaceful life.
_________
Para makaiwas sa hassle dahil sa kawalan ng plano ay napag-kasunduan naming dito nalang sa pool magpalipas ng oras bilang bonding. Ayos na din ito para masiguro ang safety nilang lahat.
Nagbabad sa initan si Mommy at Ate Zea habang ako, nakaupo sa lilim na malapit sa kanila. Hindi ako magapaitim at hindi ko kayang tumagal sa initan. Baka himatayin ako. Sina Daddy at Kuya Zeron ay nasa pool at nare-race.
"Z, may choice ka na bang school na papasukan mo sa college? Start na ng enrolment sa mga school huh." ani Mommy. "Kung gusto mo, doon ka sa university kung saan nag-aaral ang ate mo?"
Umiling ako. "Mas priority ang science doon na alam nyong ayoko. Baka maaga akong mabaliw kapag dun ako pumasok."
"Grabe ka! Hindi nakakabaliw ang science." sabat ni Ate.
"Para sa inyong mahilig dyan." My sister love science at pangarap nyang maging sikat na chemist at ang nakakainis, idinadamay nya ako doon. Sa lahat nga ng subject, PE lang ang pinakamadalas kong pagtuunan ng pansin.
"Kung ayaw mo, eh di saan?" tanong ni Mommy.
"May napili na ako kaso baka kapag nalaman nyo ay hindi kayo pumayag." They are protective lalo sa'kin dahil ako nga ang prinsesa nila. At syempre, kapag ganitong pilian ng school ang pinag-uusapan, kailangan pa ng approval nilang lahat. Kumunot ang noo nila. "Gusto ko sa school na may dormitory."
"Why?" tanong ni Mommy at naupo ng maayos. "I mean, kung magdo-dorm ka, mapipilitan kang maging mag-isa at gawin ang lahat para sa sarili mo."
"That’s the reason." sabi ko. "Gusto kong maging independent ng sa gayon ay matutunan ko ang lahat sa sarili kong paraan. Gusto kong maging malakas ang loob ko so kung may dumating mang problema in the near future, malalampasan ko iyon. Kapag kasi nandito ako, naiiisp ko at makakampante akong nandyan kayo sa tabi ko. Na hindi nyo ako pababayaan at hindi ko na kakailanganing mag-effort on my own. So, that idea came up."
Hindi sila sumagot at ina-absorb ang paliwanag ko. Hindi nakakapagtakang nabigla sila dahil hindi ko ito nabanggit kahit kanino. Lumaki akong prinsesa at ang prinsesang ito ay laging may kasama na gumagawa ng lahat para sakin.
Pinakatitigan nila ako lalo na si Ate Zea na parang tinatansa pa kung ano ang sasabihin. Pero hindi nagtagal ay sabay silang bumuntong hiniga.
"I know that your dad and Zeron will allow you about this idea." sabi ni Mom. "So, we're the one who you need to convince."
"So, I need to come up with the best idea to convince you?"
"May naisip ka na bang gawin?"
Umiling ako. "Wala pa." It is not easy to convince them. They are over protective unlike Dad and my brother.
Natawa sya. "Hindi na kailangang mag-isip since payag na ako."
"Eh?" Bumaling ako kay Mommy na nakangiting tumatango.
"Yup. Payag na kami."
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanila. "Really? Seryoso?" paniniguro ko. Baka i-joke lang nila ako eh.
Pero sabay silang tumango.
"We trust you at walang dahilan para tumutol kami sa gusto mong gawin gayong para naman iyon sa ikabubuti mo."
"Waaahhh! Thank you." Niyakap ko sila at pinupog ng halik sa pisngi. "Ang bait ng mommy at ate ko. The best kayong dalawa."
"Anong kaguluhan yan?"
Kumalas ako ng yakap kina Mommy at bumaling kina Daddy at Kuya na kakaahon lang ng pool. Tumakbo ako palapit kay Kuya at nilundagan ng yakap kaya pareho kaming bumagsak sa pool. Mabilis naming iniangat ang katawan sa tubig pero hindi ako bumibitiw ng yakap kay Kuya.
"Baliw ka, Princess." singal ni Kuya na hndi ko na pinansin.
"I am so happy, Kuya." sabi ko. "Kyaa! Pinayagan na nila akong magdorm sa papasukan kong school." Kumalas ako ng yakap at kumapit sa balikat nya kaya nakita kong nagulat sya sa sinabi ko.
"Seriously? They just agree?" Nung sya ang nagpaalam dahil sa boarding school din nya gustong pumasok ay pinahirapan pa sya ng dalawa bago payagan. Kung anu-anong pinagawa sa kanya.
Tumango ako nang hindi nawawala ang ngiti. "No sweat." Nagtatalon ako sa sobrang saya. "Waaahhh! Excited na ako."
He patted my head tsaka ngumiti. "Well, may tiwala naman kami sayo. Just make sure na hindi ka lulunok ng pakwan huh."
Tumigil ako sa pagtalon at sinamaan sya ng tingin. "Baliw."
Tinawanan nalang nya ako tsaka tinulungang makaahon. At sabay na kaming bumalik sa pwesto nila mommy.
Agad kong kinuha ang towel ko at ibinalot sa katawan.
"Ngayong pinayagan ka na, kailan mo balak mag-enroll?" tanong ni Daddy. "Nakuha ko na ang venue at simula na iyon bukas."
"Bukas din para wala na akong aayusin." Kinuha ko ang juice at ininom. "Sasabay na din ako sa pag-alis nyo bukas."
"Yon. Sabay na ako para makapag-enroll na din." ani Kuya.
"Teka, saang school ka pa papasok?" tanong ni Ate.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Sa Hellion Academy.”
*********
Someone’s Pov
Kasalukuyan akong nasa isang underground bar na tinatawag na Fiendish na madalas puntahan ng mga may kinalaman sa mga tinatawag na gang o mafia.
Parte din ito ng Shiganshina City na pinamumugaran ng gangster at mafia kaya hindi na nakakapagtaka kung anong syudad na ito ang tinatawag na pinakadelikadong lugar sa buong mundo.
Bukas ito sa lahat pero hindi ito isang ordinaryong bar.
Sa gitna nito, nakapwesto ang malaking arena na napalilibutan ng bakal na kulunan kung saan ginaganap ang brutalang labanan sa pagitan ng gangs o sinuman ang maghamon. Ang nanonood sa paligid nito ay nagpupustahan sa kung sino ang mananalo.
Natural na ang ganito dito. Isang marahas na paligid para sa mga taong may kanya-kanyang kademonyohan sa katawan.
Dito ako nakapwesto sa dulong parte ng bar para hindi pansinin. Mainit ang sitwasyon ko sa lugar na ito matapos ang huling kalokohang ginawa ko. May isang case ako ng beer na mag-isa kong iniinom habang nagmamasid at nakikiramdam sa paligid.
"Yow."
Tiningnan ko ang lalaking palapit. Hindi ko inaasahang makikita sya dito pero tinanguan ko na din. "It’s rare for you to come here." Inabutan ko sya ng isang bote ng beer.
Kinuha nya iyon at naupo sa katapat na upuan. "Yeah. Alam ko kasing dito ka naglalagi nitong mga nakaraang araw."
Kumunot ang noo ko. "So, ako talaga ang sadya mo?"
Tinanguan nya ako tsaka tinungga ang alak at bumaling sa'kin. "Nalaman kong pumunta ka doon. Anong ginawa mo?"
"Nothing." sabi ko at muling nagmasid. "Bumisita lang."
"Don’t tell me, you’re still into that guy?"
Hindi ako sumagot at siguradong alam na nya ang sagot dun. Para saan pa’t naging kaibigan ko sya kung hindi nya ako kilala.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya at binigtan sya ng matalim na tingin. "Okey. Chill lang." Itinaas nya ang dalawang kamay sa ere. "Natutuwa lang ako sayo kapag napag-uusapan ang lalaking yun. Masyado mong mahal kahit hindi ka kilala."
"Hindi nya ako kailangang makilala ngayon o kahit kailan pa." seryoso kong sabi. "Magiging kumplikado lang ang sitwasyon at baka makagulo pa sa mga plano kapag umiral ang emosyon ko."
"Ows? Hindi kaya reason mo lang yan because the truth is, you're scared na baka hindi ka nya mahalin pabalik."
Natigilan ako sa narinig.
"See, natahimik ka." Umiling sya. "You’re afraid. Dahil takot ka, pinili mong manatili sa dilim hanggang makita mo syang nasa maayos na kalagayan."
Ibinato ko ang hawak na bote na nagawa nyang masalo. "Tigilan mo ako, Lexus! Baka hindi ako makapagpigil at butasan ko yang katawan mo!"
"Yeah. Titigil na nga." sabi nya pero hindi nawawala ang ngisi sa labi. Anak ng— masasapak ko talaga ang lalaking ito eh.
Inirapan ko sya at sumandal. I am not afraid. It’s just that—
Aaarrrggg! Damn this f*****g life!
**********
2nd Someone’s Pov
"Hmm. Ang daming bago." Tumayo ang kasama ko at tinanaw ang bawat papasok sa malaking gate ng kasalukuyang enrollment venue tsaka ngumiti. "Hihihi. Magiging exicting ang taong ito."
"Yeah. Marami tayong mapaglalaruan lalo sa pagsapit ng laro."
"Waahhh! I can’t wait. Sana pasukan na agad." excited nyang sabi habang nagtatalon-talon pa. "Kating-kati na ang kamay ko."
Tumingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Hindi ba, kahit sa labas ay tuloy ang pagsasaya mo? Bakit masyado kang excited?"
Tumango sya. "Pero pampalipas oras lang iyon. Wala kasing malakas sa labas kaya boring ang paglalaro ko. Hindi nakaka-satisfied. Eh kung sa school, mate-train ang mga posible kong kalaro na syang magbibigay ng challenge at excitement sa akin. You know what I mean, right?"
Napailing ako. Kahit nasa iisang grupo kami, iba-iba pa din ang hilig namin kapag dumarating na ang laro sa bawat school year.
Plano kong umalis doon nang magawi ang tingin ko sa kumpulan na hindi kalayuan sa pwesto namin.
"Woah! May eksena agad." Hinila nya ako palapit at nakisiksik hanggang sa makapwesto kami sa unahan.
Isang kalmadong babae, na siguradong baguhan, ang nakatayo sa gitna ng limang babae na kabilang sa underlings ko na mukhang walang magawa kaya naisipang mam-bully ng baguhan.
"Hindi na nakapaghintay sina Michelle." naiiling na sabi nitong katabi ko. "Pero ang astig nung babae. Kahit napapalibutan na sya, hindi pa din na nawawala ang pagiging kalmado nya."
Yeah, nananatiling kalmado ang babae kahit malinaw na posible syang masaktan sa kamay ng limang nakapalibot sa kanya.
Hindi sapat ang distansya namin para madinig ang usapan nila pero bakas ang galit sa lima habang nakatingin sa baguhan
Sinugod ni Michelle ang babae na nanatiling nakatingin sa kanya ngunit bago tumama sa mukha nito, itinaas nito ang index finger at idinikit sa kamao nya.
Sa simpleng tingin, iisiping si Michelle mismo ang pumigil sa sariling kamao bago pa tumama sa babae pero hindi yon ang nangyari. Kita ang pag-contract ng mga muscle sa braso ni Michelle na nangangahulugang napigilan ang pwersa ng suntok gamit ang isang daliri ng babaeng iyon.
Ngumiti ako. Hindi sya ordinaryong babae at siguradong isa sya sa dahilan para maging exciting ang school year.
Tumalikod ako sa kanila at umalis sa kumpulan habang hila ang kasama kong tulala sa nangyari. Alam kong nakita nya iyon.
"She’s strong." Bumaling sya sa akin. "And dangerous."
Nginisian ko sya. "Dangerous than us?"
"Oo." sagot nya. "Don't you feel her aura while she's staring at Michelle? That's the sign that she's not a newbie. Iyon ang patunay na may kakayahan syang higitan tayo. At sapat ang aura nyang iyon upang iparating kung gaano sya kadelikadong tao na dapat iwasan ng mga taong takot pang mapahamak."
Natawa ako sa sinabi nya. "Yeah. That girl is strong but not enough para higitan ang grupo natin. Hindi sya naiiba sa pumapasok sa school natin kaya walang dahilan para kabahan." Tinapik ko sya. "Hindi porket nagawa nya iyon ay matatakot ka sa kanya. Mahihina lang ang natatakot." Hindi ko na sya hinintay pang makapagsalita at nauna na akong maglakad palayo.
Dangerous that us. We'll see how strong she is. I'll make sure na mararanasan nya ang impyerno sa lugar na pinili nyang pasukin.