It’s already 12 midnight at karamihan sa mga resident ng malaking syudad na tinatawag na Shiganshina ay mahimbing nang natutulog sa kani-kanilang mga tahanan. Ang ilan ay kasalukuyan nang o di kaya’y nagsisimula pa lang sa kanilang pang-gabing trabaho habang ang ilan ay nagkakasiyahan sa kani-kanilang napiling lugar.
Tulad ng mga estudyante sa eskwelahang nasa dulo at hilagang bahagi ng syudad. Kakaibang kasiyahan ang piniling gawin.
Isinasagawa nila ito sa isang rooftop ng building ng paaralan. Lahat ng narito ay nakasuot ng black mask na syang nakadagdag ng kanilang excitement.
Sa gitna ng mga ito, may apat pang nakasuot ng puting maskara na naiiba sa narito. Iniilagan ang mga ito dahil sa mga nakaukit sa kani-kanilang mga maskara. Mga piyesa ng larong Chess.
Sa harap ay may limang babae at tatlong lalaki na nakahandusay sa sahig. Nakatali ang paa at kamay habang may busal ang bibig. Tanging undergarments ang suot kung kaya’t kitang-kita ng lahat ang pasa at sugat na tinamo nito. Halos naliligo na din ito sa sariling dugo dahil sa lalim ng sugat. Buhay pa ito pero bakas na ang matinding panghihina dahil sa gutom, uhaw at pagod sa patuloy na pagpapahirap sa kanila. Idagdag pa ang matinding lamig dahil sa malakas na hanging bumabalot sa paligid.
"Hanggang kailan natin sila pagpapahingahin?" tanong ng isa sa nakasuot ng puting maskara na may nakaukit na isang itim na tore (rook) sa kanang parte. Nilalaro nito sa daliri ang tatlong matatalim na dagger habang hinahaplos ang mukha ng isa sa lalaking nakahandusay. "Naaawa na ako kay Lance ko."
"Masyado kang mainipin." Inakbayan ito ng nag-iisang lalaki sa apat. May itim na obispo (bishop) sa kaliwang parte ng maskara nito. "Paliligayahin muna kita." At hinalikan ang leeg nito.
"Gusto ko sana pero nahihiya ako kay Baby Lance." Bahagyang lumayo si Ms. Rook kay Mr. Bishop. "You know that I hate cheating in front of him. Maybe later after I kill him."
"Ano bang plano mong gawin sa kanya?" tanong ni Mr. Bishop matapos nyang bumalik sa kinauupuan.
"You all know that I love my daggers being buried at someone’s body kaya iyon ang mismong gagawin ko sa kanya. Ibabaon ko ang lahat ng ito—" Ipinakita nya ang isang set ng daggers na nakasabit sa isang leather holder na nasa bewang nya. "—sa iba’t-ibang parte ng katawan nya para naman hanggang sa hukay, ako pa din ang maaalala nya."
Nabakasan ng matinding takot si Lance nang marinig ang sinabi ng kasintahan. Pero nangingibabaw ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag-aakalang mahal talaga sya nito at hindi sya nito hahayaang mapahamak sa mismong kamay ng kasama sa grupo.
"It’s not cool, sis." maarteng sambit ng isa pang babae na may itim na kabayo (knight) sa kanang part ng maskara. "Mas masaya yung brutal at madugo."
"Iyon bang habang nakabaon ang mga dagger nya sa katawan ni Lance, unti-unti mong hihiwain ang katawan nya hanggang sa tuluyan iyong bumukas. Then, hahalukayin mo ang lamang loob at ikakalat sa paligid." paglalarawan ng lalaki. "Maganda nga pero makalat. Mahiya ka naman sa maglilinis."
"And that’s what I want." ani Ms. Knight. "Mas makalat, mas masarap sa pakiramdam. Mas nakaka-satisfy."
"Pwede ding balatan nalang ng buhay." nakangising sambit ni Ms. Knight. "Or putulin ang bawat parte ng katawan at ipakain sa mga buwaya ni Hunter."
Hindi na napigilan ng mga nakakarinig ang mandiri sa mga plano nitong gawin. Alam nilang kayang-kaya ng mga ito na gawin ang mga sinasabi nila dahil isa sila sa mga itinuturing na demonyo sa buong syudad. Hindi lang din sila nagre-react dahil wala silang lakas ng loob na harapin ang mga taong ito na kabilang sa grupong syang pinakamalakas sa buong paaralan. Ang Chess Pieces Officers o CPO.
Ang walong sugatan ay mas nakaramdam ng takot dahil sa mga narinig. Mangiyak-ngiyak sila dahil sa sinapit at nagdarasal na matapos ang kanilang paghihirap. Ayaw nilang mamatay pero sa sitwasyong kinahaharap nila, imposible na buhayin pa sila nito.
"Let them go." utos ng isa pang babae sa apat. Ang puting maskara ay may nakaukit na isa sa malakas na piyesa ng Chess. Ang itim na reyna. (Queen)
Nagsimula nang makaramdam ng matinding excitement ang lahat nang magsalita ito. Alam nilang may magandang plano ang kanilang reyna para mas maging masaya ang huling gabi nila para sa school year na ito.
Kinalagan ng mga underling ng Dark Queen ang tali ng walo at inalalayang makabangon at sapilitang pinaluhod sa harap ng apat na miyembro ng CPO.
"Malaki naman ang naging pakinabang nyo sa akin sa taong ito, so I’m giving you a chance to win your own life." sambit ng Dark Queen. "Tumakbo kayo hanggang kaya nyo. Magtago kayo at siguraduhin nyong hindi kayo makikita ng kahit sino sa amin sa loob ng isang oras."
"Hmm. Hide and seek, huh." nakangising sambit ni Ms. Knight.
"You can say that." sambit ng reyna. "Maliban sa pagtatago, pwede kayong pumunta sa zafe zone. No one will touch them if ever they reach that point and you'll automatically save from this game. At para sa hindi makakapunta doon pero magagawang makapagtago sa loob ng isang oras, congratulation, makakasama kayo sa graduation ceremony bukas."
"I like that. Mas exciting." sang-ayon ni Mr. Bishop.
"Then, it’s decided." Tumayo ang reyna. "I'll give you 5 minutes to run and hide wherever you want. Make sure na makakalayo kayo dahil nasisiguro kong oras na mahanap at maabutan namin kayo, isang mala-impyernong kamatayan ang sasapitin nyo sa kamay naming lahat. At sisikatan ng araw ang malalamig nyong bangkay na naliligo sa sarili nyong dugo."
"Lance, galingan mong magtago." Nilapitan at niyakap ni Ms. Rook si Lance. "Kapag naka-survive ka dito, I promise that I will do everything you want." Kumalas ito ng yakap. "Good luck."
"Your 5 minutes start—" Tumingin ang reyna sa relo. "Now!"
Nang marinig iyon ay pinilit makakilos ng walo para makatayo at maglakad pababa sa rooftop na kanilang kinalalagyan. Pare-pareho nilang gustong
makaligtas at manalo sa larong iyon para sa kanilang sariling buhay. Pero sa kalagayan ng kanilang mga katawan, alam nilang imposibleng makarating pa sila sa safe zone sa ganun kaikling oras kaya’t mas pinagtuunan nila ng pansin ang paghahanap ng mapagtataguan sa loob ng isang oras.
Si Emelia, isa sa walong kasali sa laro ng Dark Queen. Isa sya sa underlings ng reyna ngunit dahil sa kapabayaan, muntik silang matalo sa nakaraang laro na pinagbabasehan ng grade nila. Bilang parusa, ito ang kinahantungan nya.
Bugbog ang kanyang mukha. Nakapikit na ang kanang mata, putok ang kaliwang kilay at may malaking marka ng ekis sa pisngi. May malalalim syang sugat sa kaliwang binti at kalmot sa likod at bandang tiyan, idagdag pa ang pagkabali ng kanyang buto sa kaliwang braso. Mayroon syang paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan at maliliit na hiwa ng matalim na bagay.
Kahit na ganito na ang kanyang kalagayan, pinipilit pa din nyang kumilos para makalayo sa lugar na iyon. Pilit nyang iniinda ang sakit dahil gusto pa nyang mabuhay at maka-graduate nang sa gayon ay makaalis na sya sa mala-impyernong lugar na kanyang kinalalagyan. Gusto pa nyang makapiling ang pamilyang halos isang taon nyang pinagtiisang hindi makita para lang masiguro ang kanyang graduation.
Base sa pagkakakilala nya sa mga taong nasa itaas, ang unang hahanapin ng mga ito ay ang bakas ng dugo na tumutulo sa sahig na nanggagaling sa sugat nila na syang magtuturo sa posible nilang kinalalagyan kaya naman mabilis syang nagtungo sa isang utility room na nasa ground floor lang ng building.
Hinalughog nya ang mga gamit hanggang sa makakita sya ng malaking puting tela. Ginupit-gupit nya ito at mahigpit na itinali sa sugat nya. Binalutan din ang kanyang paa para maiwasang makapag-iwan ng kahit anong bakas. Nakakuha din sya ng isang pares ng tsinelas na agad nyang isinuot pagkuwa’y ibinalot sa sariling katawan ang natira sa puting telang iyon tsaka sya tuluyang tumakbo palayo sa building na iyon.
Tinahak nya ang daan papunta sa gubat na tinatawag na Fortress Woods na nasa silangang bahagi ng paaralan. Ito ang unang pumasok sa kanyang isip para pagtaguan dahil iniiwasan ito ng lahat ng estudyante. Delikado din naman ang lugar na ito pero hindi kasing delikado ng mga magsisimulang humabol sa kanya.
Agad syang naalarma nang makarinig ng malalakas na sigaw na nagmula sa pinanggalingan nya kaya mas binilisan na nya ang kilos. Tapos na ang limang minuto at maaaring nagsisimula na silang hanapin ng demonyo.
Hindi na nya inisip ang lagay ng sariling katawan. Pilit nyang binibilisan ang lakad hanggang sa tuluyan syang makapasok ng Fortress Woods. Inilibot nya ang kanyang tingin sa bawat punong madadaaan hanggang sa makakita sya ng isang puno na maaari at madaling akyatin.
Hindi naging madali ang pag-akyat sa punong iyon dahil sa pinsalang tinamo ng katawan nya at patuloy pa iyong nadagdagan dahil sa ilang beses nyang pagkahulog dito. Pero pilit pa din nyang iniinda ang lahat ng sakit at hirap na nararamdaman para masiguro lang ang kaligtasan.
Nagawa nyang makaakyat sa wakas at pinili nyang pumwesto sa sanggang makakayanan ang kanyang bigat at matatabunan ng malalagong dahon ng puno. Itinali nya ang sarili sa sangga gamit ang telang para masigurong hindi sya basta mahuhulog tsaka sumandal sa makapal na trunk ng puno.
Dito sya maghihintay hanggang magliwanag para masiguro ang kaligtasan. Malaki din kasi ang posibilidad na hindi tumupad sa mga binitiwang salita ang mga iyon. Para sa kanya, walang isang salita ang mga demonyo kaya hindi dapat basta naniniwala sa kahit na anong lumalabas sa bibig ng mga ito.
Agad syang naalarma nang makarinig ng kaluskos mula sa ibaba kaya dahan-dahan nya itong sinilip at doon, nakita nya ang isa sa kasamang pinahirapan ng Dark Pieces. Si Calver, kaibigan nya.
Akma nya itong tatawagin pero agad natigilan nang maaninag na may kasunod ito at napahawak sya sa bibig para hindi makagawa ng ingay nang makilala kung sino iyon. Ang Dark Queen.
Bumagsak ito sa lupa at humiyaw sa sakit matapos bumaon ang kutsilyong nanggaling sa direksyon ng humahabol. Nagtangka pa itong tumayo ngunit maagap na nakalapit ang Dark Queen at muling sinaksak ang kanang binti.
Napaiyak na lamang si Emelia sa nasaksihan at pilit pinipigilan ang sariling makagawa ng kahit anong ingay. Mas nadagdagan ang takot nya habang pinagmamasdan ang kaibigang nahihirapan sa kamay ng Dark Queen. Gusto
nya itong tulungan pero alam nyang posible lang syang mamatay kung susubukan pa nyang kalabanin ang demonyong ito.
Sinipa ng Dark Queen ang katawan ni Calver para mapatihaya at tinapakan sa dibdib. Tumungo ito at may sinabi tsaka itinarak ang kutsilyo sa dibdib.
Napapikit si Emelia habang patuloy sa pagluha. Kung kanina ay takot ang kanyang nararamdaman, ngayon ay nadagdagan ito at pinangingibabawan ng galit. Pero wala syang magagawa laban sa mga ito kaya pinili nalang nyang manatili sa kinalalagyan. Umiiyak at nagdadasal para sa sariling kaligtasan.
Makalipas ang ilang sandali, wala na syang marinig na kahit na anong ingay mula sa ibaba kaya naglakas-loob syang imulat ang mga mata at tumingin sa paligid. Wala na ang Dark Queen pero halos masuka sya ng magawi ang tingin sa nakahigang si Calver.
Dilat ang mata nito at nakabuka ang bibig na may nakabaong kutsilyo. Nakabuka ang katawan nito mula leeg hanggang puson. Nakalabas ang lahat ng lamang loob, putol-putol ang mga buto at patuloy ang pag-agos ng dugo palabas dito. At lalo syang nanghina ng mapansing nawawala ang puso nito.
"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?"
Naibaling nya ang atensyon sa kabilang puno at tuluyan na syang tinakasan ng lakas ng makita kung sino ito. Mas lalo syang binalot ng takot dahil kilalang-kilala nya ang taong ito.
Isang babaeng nakasuot ng itim na maskara kung saan nakaukit ang piyesa ng Chess na syang kinatatakutan ng lahat sa paaralan.
"Nagkamali ka ng lugar na pinagtaguan. Hindi ka magiging ligtas dito. Hindi mo magagawang takasan ang kamatayan mo."
Hindi nya napansingunti-unti na’ng nasisira ang telang nakatali sa kanya hanggang sa tuluyan itong napunit kaya sya nawalan ng balanse at mahulog mula sa puno. Pero bago tuluyang bumagsak sa lupa ay nagawa nyang banggitin kung sino ang taong kaharap.
"White Queen." At tuluyan na syang nilamon ng kadiliman.
**********
12 years ago
Nasaan ako?
Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ang tingin. Madilim ang paligid pero sigurado akong wala ako sa bahay namin. Kaninong kwarto ito at sino ang nagdala sa akin dito?
Tumingin ako sa pintuang nakabukasng kaunti nang makarinig ng malakas na kalabog. Anong nangyayari sa labas?
Maingat akong tumayo at walang ingay na naglakad palapit dito. Naupo ako sa sahig at sumilip sa nakaawang na pinto. Nanlaki ang mata ko sa nasilayan at agad na tinakpan ang bibig upang maiwasang makagawa ng ingay.
Binalot ako ng takot at pagkalito sa mga nagaganap sa labas kaya’t hindi ko na napigilang umiyak habang nakatingin sa mga babaeng nakaupo at nakatali sa bakal na silya.
Anong ginagawa ko dito? Sino ang mga babaeng iyon at bakit sila pinapahirapan? Sino ang may gawa nun sa kanila?
"Hanggang ngayon ba, hindi pa din kayo magsasalita?' Mas dumoble ang takot na nararamdaman ko ng marinig ang boses na yyun. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya iyon.
"K-kahit anong gawin mo, h-hindi mo makukuha ang anumang espada na gawa ng mga C-Cohen." nanghihinan sambit ng isa sa mga babaeng iyon. Bakas ang pagpapahirap dito base din sa itsura. May umaagos na dugo na nagmumula sa ulo. Putok ang labi, may hiwa sa kilay at nakapikit na ang kaliwang mata dahil sa matinding pasa. Maraming sira ang damit nitong puno na ng dugo dahil sa mga huwal sa atawan. Madami ding pasa sa braso at binti at ang mas nakakakilabot dito ay putol ang dalawang kamay na binalutan nalang ng telang basang-basa na ng dugo.
"K-kahit patayin mo kami, hindi mo mahahawakan ang kahit isa sa mga ito." sabi ng isa pang babaeng nakatali. Pero hindi tulad ng nauna, hindi ganun ka-grabe ang sugat at pasa na natamo nito. Mabababaw iyon at masasabi kong may sapat na lakas pa.
"Being a Cohen is really made me sick." Tumayo sya sa gitna ng dalawang babaeng nakatali kaya tuluyan ko nang nakita ang kabuuan nya at hindi nga ako nagkamali. Sya talaga ang taong iyon. "Masyado na akong naiinis sa Cohen kaya pagbibigyan ko ang gusto nyo." Itinutok nya ang baril sa sentido ng ikalawang babae. "Ikaw ba ang dapat mauna, Alexis?"
"Shut up and kill me." Matapang na sabi ng tinawag na Alexis.
Ngumisi sya. "Pinabilib mo ako at dahil dyan, hahayaan kitang mabuhay. Malaki ang pakinabang ko sayo kaya uunahin ko ang babaeng ito." Inilipat nya ang baril sa isa pang babae. "Kahit hindi ka magsalita, makakakuha ako ng impormasong sa anak mo." At bago pa man ito makapagsalita at ipinutok na nya ang baril sa mismong ulo nito na syang nagpaigtad sa akin.
Nanlamig ang katawan ko sa nasaksihan at hindi ko magawang igalaw ang kahit anong parte ng katawan lalo na ang mata kong nananatiling nakatutok sa walang buhay na katawan ng babae.
Halos wala akong marinig sa paligid pero nakikita ko kung paano magwala si Alexis habang nakatingin sa katabing babae. Kung paano nya sinubukang makawala sa humihila sa kanya palayo hanggang tuluyan silang mawala.
Ang nakikita ko lang ay babaeng walang buhay na nakaupo sa silyang bakal habang inaagusan ng dugo ang sugat nito sa ulo.
Patay na sya, iyon ang sigurado. At sya muli ang may gawa.
Bakit? Paano nya nagagawang pumatay na para bang natutuwa pa sya. Napakadali sa kanyang kalabitin ang gatilyo ng baril ng walang pagdadalawang isip. Ganun na ba ang mga tao ngayon?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa kawalan. Natauhan ako ng muling makarinig ng kalabog at nakita ko ang mga lalaking nakasuot ng itim na jacket. Ibang grupo ito pero sino sila at anong kailangan nila.
Mga armado sila kaya alam kong hindi ligtas kung magpapakita ako. Nanatili akong tahimik habang iniinspekyon nila ang lugar.
"May nauna na sa atin." sambit ng isa sa kanila. Inalis nito ang pagkakatali ng babae at hinayaan itong bumagsak sa sahig.
"Demonyo ang gumawa nito. Talagang brutal ang pagkakapatay oh." nailing nalang ang isa pang lalaki.
"Hayaan nyo na. Hanapin nyo na ang bata nang matapos na ang trabaho." sabi ng isa na nagpaatras sa'kin sa kinauupuan ko.
Bata? Ako ba ang hinahanap nila?
"Mama!"
Natigilan ang mga lalaking iyon at pare-parehong bumaling kung saan nanggaling ang malakas na boses na iyon.
" Ito na ang kailangan natin." Nagtawanan ang mga lalaking ito.
"Anong ginawa nyo sa mama ko? Sino kayo?"
Isang batang lalaki ang lumapit sa bangkay ng babae at mahigpit itong niyakap habang umiiyak. Pero sa mata nya ay bakas ang matinding galit na hindi ko alam kung bakit parang bumibiyak sa puso ko.
"Bakit nyo pinatay ang mama ko?" Matalim nyang tiningnan ang mga lalaking nakangisi habang nakatingin sa kanila.
"Napag-utusan lang, boy." sagot ng leader ng mga lalaki. "At hindi mo kailangang umiyak dahil susunod ka din sa mama mo."
Nanlaki ang mga mata ko ng tutukan sya ng baril pero hindi man lang sya nabakasan ng kahit na anong takot.
Papatayin sya nito at hindi ko na kakayanin pang makasaksi muli. Masyado nang mahaba ang gabing ito at puro pasakit ang naranasan ko. Ayoko na!
"Hinihintay ka na ng nanay mo."
Hindi! Akma na akong tatayo ng matigilan dahil sa isang sigaw.
"Huwag!"
Natigilan din ang lahat at bumaling sa pinanggalingan ng boses.
"Hayaan nyo na sya. Hindi nyo na sya kailangang patayin."
"Pero inutusan kami ng lola mo, bata." sabat ng lider.
"Ayan na ang bayad nyo. Lumayas na kayo at wag ng magpapakita pa."
Agad na sumunod ang mga lalaking iyon at agad na umalis. Naiwan ang batang lalaking patuloy na umiiyak habang yakap ang nanay nya.
At kahit ako, hindi na napigilang umiyak. Hindi dahil sa takot. Patuloy akong umiiyak dahil nasasaktan ako at nalulungkot para sa batang lalaking ito.