Habibi 20 - Agreement

1139 Words
"How could you do this to me, Geraldine! Itinuring kitang parang anak ko na rin pero bakit ganito ang ginanti mo sa akin!" Napabiling ang aking mukha ng sinampal ako ni Madam. Sumakit ang pisngi ko sa pagkakasampal ni Madam pero mas masakit ang katotohanang mapagbintangan ng kasalanang hindi ko naman ginawa. "M-madam... m-ma-maniwala k-ka... h-hin-di ko alam k-kong paano napunta sa loob ng aking maleta ang mga alahas mo. Hindi ko po kayo kayang pagnakawan..." humahagulgol na wika ko kay Madam. "Tingnan ninyo, Madam. Kung sino pa ang tinuring ninyong parang anak ay siya din palang manloloko sa inyo---" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Manang Tessie. Sa galit na nararamdaman ko ay kaagad ko itong sinabunutan. "Ikaw na matanda ka, malamang ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to dahil ikaw lang naman ang bago dito!" "Aray! Madam, tulungan niyo ako! Sinasaktan na niya ako dahil nalaman nating siya ang magnanakaw!" "Hindi ako magnanakaw! Wala akong ninakaw!" Sa narinig ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagsabunot ko kay Manang Tessie. Bigla ay hindi na ako nakapag-isip ng maayos at ang nasa isip ko na lamang ng mga oras na 'yon ay makaganti kay Manang Tessie sa mga pinagsasabi nito. "Tumigil ka na, Geraldine! Tumawag na ako ng pulis at on the way na sila dito!" Bigla akong napalayo kay Manang Tessie ng marinig ang sinabi ni Madam. Lumapit ako kay Madam at lumuhod sa harap nito. "Madam... nakikiusap ako.. w-wala talaga akong alam.." humahagulgol na naman ako sa tindi ng sama ng loob na aking nararamdaman. "M-madam.. wala po akong kasalanan. Wala... wala.. talaga..." Panay na lamang ang sinok ko at hindi na rin ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko alam kung bakit ganito ang sinapit ko dito. Wala naman akong ginawang masama pero bakit ganito ang nangyari sa akin? "M-madam, lalabas lang po ako dahil nauuhaw ako.." narinig kong paalam ni Manang Tessie kay Madam. "Mag-antay ka sa labas at paparating na ang tinawag kong pulis. Tawagin mo kami dito kapag nariyan na sila," utos ni Madam kay Manang Tessie at tumango lamang ito. Ako naman ay panay lamang ang iyak. Naramdaman kong sinara ni Madam ang pintuan atsaka umupo ito sa aking kama. "Humarap ka sa akin, Geraldine," utos ni Madam. "A-alam ko Madam na... na bago lang ako dito. H-hindi niyo ako.. l-lubusang kilala. Naguguluhan at natatakot ako... ang tanging masasabi ko lamang.." bigla na naman akong suminok kaya tumigil ako saglit, "kahit mamatay pa ako ngayon dito, hindi ako ang kumuha ng alahas ninyo." Pinahid ko na ang aking mga luha. Pilit kong pinatatag ang aking sarili at tumayo mula sa pagkakaluhod sa sahig. "Humarap ka sa akin, Geraldine!" Matigas na ang boses ni Madam pero hindi ko pa rin ito tinitingnan. Masama ang loob kaya hindi ko ito tinitingnan. Baka kapag tumingin ulit ako dito ay mapaiyak ulit ako. Maaawa lamang ako sa aking sarili. "Gusto mo bang maniwala ako na wala ka talagang kasalanan?" mahinang wika ni Madam na siyang nagpalingon sa akin. Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng matiim. "May paraan pa naman para maniwala ako sa'yo na hindi ikaw ang kumuha sa mga alahas ko." "A-anong paraan, M-madam?" Umiko't ikot muna si Madam sa akin bago ito tumigil sa aking harapan at mahinang bumulong, "Marry my son. Kapag pumayag ka sa gusto ko ay hindi ka na makukulong at babayaran pa kita katulad ng sinabi ko noong una---" Natigil ang pagsasalita ni Madam ng kumatok si Manang Tessie at sumilip sa loob, "Nasa labas na ang mga pulis, Madam. Ano pong sasabihin ko?" "I'm coming now.." naglakad na si Madam palabas--- "Pumapayag na ako, Madam!" Napatigil sa paglalakad si Madam at lumingon sa akin. Tiningnan lamang ako nito at lumabas na ng aming kwarto. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi sumagot si Madam bago ito lumabas. Baka nagbago na ang isip nito at talagang ipapakulong na niya ako. Ilang minuto lamang ay may kumatok at pumasok si Madam kasama ang ilang pulis. Tumabi sa akin si Madam habang ang mga pulis ay abala sa pagsiyasat ng mga alahas. Kinunan nila iyon ng picture at isa-isang tinanggal sa loob ng aking maleta. May mga suot na gloves ang mga ito at pagkatapos ay nagpaalam na din kay Madam. Sa buong oras na naroon sila sa loob ng aming kwarto ay halos hindi ako makahinga dahil akala ko ay isasama din nila ako pag-alis nila ng villa pero hanggang sa mawala na sila sa aking paningin ay ni hindi man lang nila ako kinausap. "They're gone! I guess we can talk in the library. Sumunod ka sa akin." Sumunod na lamang ako kay Madam kagaya ng sinabi nito. "Lock the door and sit here," ni-lock ko ang pinto at umupo kaharap ni Madam. "What did you said before?" bungad na tanong ni Madam. "Pumapayag na akong pakasal kay Sir K-karim.." mahinang sagot ko. "Good! Don't worry about the jewelleries, pinaimbestigahan ko na sa mga pulis kung paano napunta sa maleta mo ang mga alahas ko. Definitely, you would be in jail right now kung ang pagbabasehan lang ay ang nakitang alahas na natagpuan sa gamit mo. But, since you agreed to marry Karim... we have now an agreement." May kinuhang papel si Madam sa kanyang table. Tumayo ito at inabot sa akin. "Read it carefully before signing. If you have some questions.. or baka my gusto kang ipabago, just say so." Kinuha ko ang papel at binasa. Gustong umikot ng mata ko sa nakasulat sa agreement pero pinigilan ko na lamang. Baka magbago pa ang isip ni Madam, ipadampot pa ako sa pulis. Tiwala naman ako sa aking sarili na kaya kong gawin lahat nang gustong mangyari ni Madam kaya pumirma na ako. "Mabuti at pumayag ka. Your my first choice dahil alam kong susundin mo ang mga gusto ko. But, just in case na hindi ka pumayag katulad ng ginawa mo no'ng una, I've talked to someone who will agree with my terms and conditions and she's willing to sign it tomorrow... sana. Now that you've agreed, I will cancel my appointment with her tomorrow." Nakangiting wika ni Madam at itinago na ang papeles. "Ah.. M-madam, m-maraming salamat at binigyan niyo pa po ako ng chance." "Geraldine, habibti, kaya kita binigyan ng chance dahil mas importante sa akin ang makapaghiganti. This is only between you and me. Walang ibang may nakakaalam ng mga plano ko kundi tayong dalawa lamang. I trust you kaya huwag mo sana akong bibiguin." "Yes po, Madam!" "Be ready tomorrow dahil magsisimula na ang ating plano. Dalawang araw na lang ang natitira bago ang engagement mo kay Karim. I'm so excited, habibti. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaction nina Hala kapag ikaw ang kikilalaning fiancée at magiging asawa ni Karim. Hahaha!" Kasabay noon ay malakas na tumawa si Madam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD