Masayang selebrasyon

1009 Words
Pagdating sa mansion, tumulong na si Mia sa paglilinis at sa iba pang preparasyon. Marami ang magiging bisita sa mansion dahil na rin sa selebrasyon ng pagkapanalo ni Hunter at sa naiuwing karangalan nito sa pamilya at sa bansa. Naririnig ni Mia na maraming kasama si Hunter pag-uwi sa mansion, kasamahan din ng binata sa motocross at mga barkada din nito. Tiyak magiging masaya ang pagtitipon na iyon, naeexcite na sambit ng dalaga. Malapit na gumabi at natapos na din ang paglilinis at pag-aayos nila. Nagpapahinga na lang at kumain na din si Mia ng maalala nya na tutulungan pa pala nya si Matilda sa homework nito. Nagmamadali siyang puntahan ang dalaginding sa kwarto nito. Matilda, andito na ako sambit ng dalaga habang kinakatok ang pintuan nito. Ate, pasok ka.. Naghahanda lang ako sa pagdating ng kuya ko.. Ngiting salubong sa kanya ni Matilda.. Nakasuot na ito ng magandang bestida. Ang ganda naman ng damit mo, papuri nito sa dalaga.. Dalagang-dalaga ka na.. Baka mamaya may bf ka na ha.. Pagbibiro nito habang tinitingnan ang homework ni Matilda. Wala ate, bata pa po ako.. Ikaw po muna ang dapat na magkaroon ng nobyo at hindi ako. Wala nga akong manliligaw eh kaya wala din akong boyfriend. Sagot na lang ni Mia. May crush ka ba ate? Sana wala kasi may gusto akong ipakilala sa'yo.. Nangingiting saad nito kay Mia. Ah, madami ka ng tanong Matilda, simulan na natin ang homework mo para matapos na din. May gagawin pa ako sa baba, pag-iiwas ng dalaga sa panggigisa ni Matilda sa kanya. Pag dumating si Kuya Hunter papakilala kita para magustuhan ka nya, panunukso ni Matilda dito na kinapula naman ng mukha nya.. Ako pa talaga magugustuhan ng kuya mo ha, ang sikat ng kuya mo, gwapo niya kaya tiyak madaming nagkakagusto sa kanya at sigurado ako kabi-kabila ang girlfriend nya. Wala pa namang pinapakilala si kuya sa amin eh kaya wala pa siyang girlfriend. Huwag na muna natin siyang pag-usapan Matilda, itong homework mo muna ang intindihin natin. Kapag hindi mo ito nasagutan baka bumaba grades mo, panunukso pa nito sa dalaga na tumutulis na ang nguso na kunyari nagtatampo sa kanya. Natapos din siya sa pagtulong sa homework ni Matilda at bumalik muna siya sa quarters nila para makaligo at magbihis na din para sa okasyon. Nay ok lang ba itong damit ko? Sabay ikot sa harap ng nanay nya. Anak mukhang nagpapaganda ka talaga sa pagdating ni Senyorito Hunter ah. Panunukso ng ina nito. Naku Nay, dapat lang na maging presentable diba. Nakakahiya naman po na pumunta dun na hindi nakagayak samantalang naka-postura Simple lang naman po itong damit ko Nay. Maganda ka na anak. Pwede ka ng ilaban sa mga model na nakikita ko sa magazine. Anak yata kita. Pagmamalaking sabi nito. Simple lang ang ganda ni Mia, mahabang tuwid na buhok, mahabang pilik-mata, malasutlang kutis na namana nya sa ina, bilugang pwetan at higit sa lahat ang malaking sukat ng dibdib na pansinin pag nakasuot siya ng hakab sa katawan na damit. Lalo kang gumanda sa suot mo anak, simple lang at hindi naman bastusin. Umalis ka na anak at susunod na lang ako doon. Maliligo na din ako para hindi naman din nakakahiya. Oo nga Nay maligo ka na din mukhang nangangamoy ka na din, balik biro nito sa Nanay nya na kinahalakhak nito. Bata ka talaga madami ka ding sinasabi dyan. Maliligo naman talaga ako, napapatagal lang kasi kinakausap mo ako, palusot ng nanay nya na kinahagikgik din ng dalaga. Naku Nay palusot ka pa.. If I know pag-alis ko magwiwisik ka lang ng mukha para kunyari fresh ka. Pero ok lang din naman Nay kasi ang ganda mo naman, saan pa ba ako magmamana dibah. Bolera ka din anak ah, umalis ka na kasi kanina ka pa talaga dito. Mabuti na yung matulungan mo pa sila dun sa mga hindi pa nagagawa para maaga na din matapos at lahat kayo eh kampante na pagdating nila senyorito hindi na magkukumahog kung ano pa ang hindi naayos at kulang doon. Sige po Nay. Baka po maya-maya dumating na din sila senyorito at hindi ko masilayan ang kagwapuhan nya, nagniningning ang mata na tugon ng dalaga. May paganun, girlfriend ka ba anak at kung makaasta ka eh sasalubungin mo siya? Magdala ka na kaya ng bulaklak na isasaboy sa dadaanan pati maglatag ka na din ng carpet para kumpleto na anak, panunukso ng nanay nya. Tyak kukulitin lang siya nito. Hindi naman Nay, syempre hindi ko pa yun nakikita sa personal so gusto ko naman na pagdating nya eh makita ko naman siya. Paliwanag naman ng dalaga para makalusot sa panunukso ng ina Pagdating ng dalaga sa mansion, deretso na siya sa bakuran para makatulong pa sa paglalagay ng mga putahe at sa pag-aayos na din ng ibang dekorasyon. Ang sexy mo naman Mia, hirit ni Nilo dito ang hardinero sa mansion. Ayan ka na naman Nilo, binibiro mo na naman ako ha. Hindi ah, totoo namang sexy ka. Hindi mo lang talaga napapansin. Kung mag-aayos ka nga lang daig mo pa ang mga artista. Kapag nagkataon papa-autograph ako sayo, pakindat na sabi nito kay Mia. Puro ka talaga kalohohan sagot naman ng dalaga at hinampas si Nilo na kinatawa naman nito. Kung yung pambobola mo dyan tinulong mo na lang dito, natuwa pa ako sayo at madali pa tayo matatapos. Malapit na dumating sila senyorito Hunter, sambit ng kanilang mayordoma. Ang mga kasama nyang bisita ay dito din sa mansion tutuloy, dagdag pa ng mayordoma nila. Naeexcite na si Mia para makita ang binata na ngayon pa lang makikita sa personal. Halos sa magazine at sa litrato nya lang nakikita ang binata. Malalaman na nya kung talagang gwapo nag ba ang binata. Makikita na nya ang hinagangaang binata. Inayos na din nya ang damit para magmukha naman siyang kaaya-aya. Ang naiisip nya ay ang makadaupang palad man lang ang binata. May bumusina na sa gate kaya alam ni Mia na dumating na sila Hunter. Madaming sasakyan ang pumasok sa malawak na bakuran ng mga Delaverde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD