Unang sulyap

1065 Words
Lumabas na din ang amo nila na sina Donya Maricar at Don Segundo na nakapustura pa. Kasama din ang mga anak na sina Gavin, Chase at Matilda na pawang nakangiti. Bumukas ang unang sasakyan at lumabas ang isang gwapong lalaki na sinundan din ng isang magandang dalaga na inaalalayan pa nito. Nagsilabasan na din ang iba pang bisita at huling lumabas ang nagpatigil sa mundo ni Mia. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib nya sa lalaking bumaba ng isang magarang sasakyan. Kuya patakbong pinuntahan ni Matilda ang lalaki kaya napagtanto na ito pala si Hunter. Matilda, sabi naman ni Hunter at niyakap ang kapatid.. Nagsisunuran na din ang magulang at ibang kapatid nya. Kung pwde nga lang yumakap din si Mia gagawin nya, ngiting sambit nito habang nakaawang pa ang bibig nya sa kgwapuhang taglay ng binata. We are so happy because you have time to visit us iho, maluha-luhang sambit ng Mama Maricar nito.. Ma tama na muna ang drama, I'm here to celebrate not to mourn. Biro ng binata sa ina nito. Ma I'm with my team and some friends, isa-isang pinakilala ng binata ang mga kasama. May inakbayan pa itong napakagandang babae na mukhang barbie doll. Ma this is Cindy, a special friend.. She will be staying here also.. She will be at least a week here before going back to the States dagdag pa ng binata. Yung bibig mo Mia nakaawang pa, nakakita ka lang ng gwapo, natulala ka na dyan. Biro ni Nilo na nakapagpabalik sa kasalukuyang isip ng dalaga. Ikaw talaga Nilo ako na naman nakita mo. Nagulat lang ako at iba talaga ang kagwapuhan ni Hunter sa personal, sagot ng dalaga na mukhang naiihi sa kilig. Talagang Hunter lang, first name basis, wala man lang senyorito? Pagbibiro pa ulit ni Nilo kay Mia. Ah, eh senyorito Hunter pala.. Pagpapalusot na lang ng dalaga. Napakagwapo talaga nya. Hindi ko lubos maisip na mahigitan pa nya ang expectation ko. Magandang built ng katawan na halatang alaga ng gym, mapupungay na mata, matangos na ilong, kissable lips. Paglalarawan ni Mia kay Hunter habang hindi pa din ito tinatantanan ng tingin.. Ma salamat sa paghahanda nyo sa pagdating ko. Hindi na sana kayo nag-abala. Bakasyon lang ang punta ko dito para makapagpahinga muna para sa competition ko uli sa susunod na buwan. Anak minsan ka lang umuwi kaya deserve mo naman ang celebration na ito. Salamat ma.. So simulan na natin ang selebrasyon.. Kain na tayo at madami akong namimiss na Filipino dish. Nakangiting saad ng binata. Ma yung room ko ba ready na? Sa guestroom na lang yung ibang kasama.. Bukas sana gusto ko mag out of town.. Would you like to come with us? Tanong ng binata sa ina nito. Anak madami akong commitments tomorrow so I couldn't come with you. Yung daddy mo naman may lakad din so ang possible na ang makakasama mo will be your brothers and sister Matilda. Pasasamahin ko na lang si Matilda sa kasama natin sa bahay.. Siya na lang ang magsasabi kung sino ang gusto nya makasama sa bonding nyo magkakapatid. Ang mabuti pa iho sa beach house na lang natin sa Zambales. Since it's weekend pwede na mag two nights ang bunso mong kapatid doon. Mahabang litanya ng ina nito. As you say ma.. As much as gusto ko kayong makasama nila papa eh madami pa namang araw na makakasama ko kayo so ok lang po. Niyakap na lang din niya ang mama nya. So tara na ma, let the party begins.. Ate ang gwapo ng kuya ko noh, kalabit sa kanya ni Matilda.. Tumango na lang si Mia sa pagsang-ayon sa dalaga. Alam mo ate gusto ko na maging girlfriend ka ni kuya kaya ikaw ang isasama ko sa pagpunta bukas sa beach resort namin sa Zambales para makilala mo ang kuya ng mabuti. Playing cupid ka talaga Matilda at ginulo ang buhok ng dalaga.. Ate pwde ba na bunso itawag mo sa akin? I want you to be my ate kaya bunso na itawag sa akin please, pagpapacute nito sa kanya. Sige na nga bunso. Kung yan ang gusto mo. Wala din naman akong kapatid kaya ikaw na lang kapatid ko. Masayang kwentuhan at kamustahan ang maririnig sa bakuran ng mga Delaverde. Bumaha din ang inumin at pagkain. Hindi magkamayaw ang mga kasambahay nila Hunter sa pag-estima ng mga bisitang galing sa ibang bansa at mga kamag-anak din nila. Iha dalhan mo pa ng makakain sina Hunter, utos ng mama ng binata kay Mia ng maabutan ito sa kusina ang dalaga. Ok po, sagot na lang ng dalaga na kinakabahan kasi makikita nya ang binata ng harap-harapan. Ngayon pa lang nya ito makikita ng malapitan. Pinanlalamigan na sya ng kamay habang papunta sa grupo nila. Hi, sabi ng baritonong boses na nakasalubong ng dalaga.. Are you related to the Delaverde's? Tanong pa uli nito. Uhmmmm, I am one of the helpers.. Nauutal na sagot ni Mia kasi na-star struck siya sa kaharap.. Oh I see, kasama ka pala sa bahay. This will be exciting.. By the way I'm Luke, Hunter's best buddy.. Magiging exciting ang pagsama ko dito.. Sagot pa nito na kinataas ng kilay ni Mia.. Marunong ka pala magtagalog, akala ko papahirapan mo pa akong mag-English eh.. Ngiti na lang ng dalaga na nagpalabas ng mapuputing ngipin nito. Oo naman, I am half Filipino, hindi pwdeng hindi ako marunong magtagalog kasi papaluin ako ng nanay ko.. Natatawang sabi nito sa kanya. Luke what took you so long? Sabi ng isa pang baritonong boses na papalapit na kina Mia.. Hey buddy, I just known a pretty lady here, she's one of your helpers. She's Mia sabay akbay sa dalaga na namutla sa pagkabigla sa ginawi ni Luke.. O Hi Mia, I am Hunter.. I haven't see you here when I'm for a vacation few years ago.. Tanong ng binata habang tinitingnan siya ng mabuti. Ah, eh, nag-aaral po kasi ako kaya hindi po ako masyadong nakikita dito.. Nanginginig na tugon ng dalaga na hindi maiwasang tumitig na din sa hinahangaan nyang lalaki.. Drop the po Mia, I think I am not that old. I'm only 25 for pete sake.. Biro ng binata na nakangiti.. Pagalang lang kasi amo ko po kayo senyorito.. Sagot na lang ng dalaga na nanlalamig na talaga dahil hindi na nya maiwasang lalong humanga sa binata dahil na rin sa hindi naman pala ito suplado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD