Episode 4: Surveillance

1154 Words
SAMANTALA magkasama ang tatlo na nagpunta sa bayan ng Digos. Para kumuha pa ng dagdag impormasyon tulad ng oras kung kailan nila unang nakita ang mga suspek. Hindi nga sila nagkamali dahil muli nilang nakita ang Revo at ang lalaking nakita ni Divlen noong unang araw. "Pakner, sundan ninyo ang sasakyan na 'yan. Ako naman ay sundan ko ang lalaki," utos ni Divlen, sabay labas niya sa kanilang sasakyan. "Pakner, mag-ingat ka," bilin ni Jester. "Okay, pakner. Ako na ang bahala," turan ni Divlen. "Divz, tumawag ka agad kung may problema at mag-ingat ka," pahabol naman ni Herrera. "Samalat!" Nagtuloy sa paglalakad si Divlen habang sinusundan ang lalaki. Kumuha lang siya ng tiyempo para malapitan niya ito na walang makakita sa kanila upang hindi masisira ang kanilang misyon. Nakakuha nga ng pagkakataon si Divlen, pagkadating nila sa liblib na lugar ay agad sinunggaban niya ang lalaki. Gulat ang reaksyon nito sa biglang pagsulpot niya. Agad siyang inakbayan sabay tuktok ng kanyang baril sa tagiliran. "NBI 'to, huwag kang kikilos kung ayaw mong iputok ko ito sa tagiliran mo." "Wala akong kasalanan, anong kailangan mo sa 'kin?!" tarantang tanong ng lalaki na halata sa boses ang takot. "Tarantado ka! Anong wala kang kasalanan? Ano 'to, ha?" Sabay dukot ni Divlen sa droga na nasa bulsa ng suspek. "Ito! Hindi ba 'to kasalanan?" dagdag pa niya. Hindi naman naka-imik ang lalaki at nanginginig ito sa takot na baka patayin siya. Sinubukan niyang makatakbo, ngunit agad tinadyakan ni Divlen ang paa nito. Kaya napaluhod ang lalaki at agad pinupusasan ni Divlen, upang hindi basta-basta na makatakas ang suspek. "Huwag mo ng tangkain na takasan ako, dahil alam ko kung saan ka nakatira." "Maawa po kayo 'wag mo akong ipapakulong, may asawa at anak ako." Halos iiyak na ito sobrang takot. "Alam mo pala na may asawa at anak ka pero gumagawa ka pa rin ng labag sa batas! Makinig kang mabuti hindi kita huhulihin at bibigyan ka namin ng proteksyon at ang iyong pamilya. Basta susunod ka sa ipapagawa namin sa 'yo." "Ano po ang ipapagawa ninyo sa akin?" "Simple lang, sasabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo at sino ang drug lord sa lugar ninyo." "H-hindi ko po alam ang drug lord, pero may alam ako sa mga nagtutulak dito. Alam ko rin kung saan sila matatagpuan." "Good! Ngayon sabihin mo ang mga address nila at sino ang mga ito!" tran ni Divlen sabay abot ng papel at ballpen. "Pakakawalan kita ngayon, pero sa kondisyon na kailangan mong mag-report sa akin. In short, gawin kitang asset." "S-sige papayag ako, basta hindi lang ako makukulong at tutuparin mo na protektahan ang aking pamilya." "May isang salita ako, ito ang calling card. Nagkakaintindihan na tayo." Sabay abot ni Divlen sa isang maliit na papel.. "Opo!" tugon ng lalaki at tinanggalan naman ni Divlen ng pusas. "Sige na, umalis ka na." Nagmamadaling umalis ang lalaki na panay ang lingon sa paligid. "Sandali!" tawag ni Divlen at pinabalik ang lalaki. "Ito, pangtulak sa nerbiyos mo," aniya, sabay abot sa isang pakete ng droga. Samakatuwid, ay regalo ni Divlen para sa mga impormasyon na nakuha niya. "Salamat po!" Naglalakad si Divlen papuntang plaza na parang walang nangyari at hinihintay ang kanyang mga kasama. Samantala nasundan rin ni Jester at Herrera ang bawat lugar ng kanilang pinag-aabutan ng mga epektos. At higit sa lahat ay natunton nila ang nagmamay-ari ng sasakyan. Masyadong malaki ang bahay at halatang yumaman ito sa pamamagitan ng ilegal na negosyo. "Inspector, ayos ang lakad natin ngayon dahil marami tayong nakuhang lead," pahayag ni Herrera. "Oo, at hindi na tayo mahihirapan," tugon nito. "Si Divz, kumusta kaya ang lakad niya?" pag-aalala na tanong ni Herrera. Huwag kang mag-alala sa kanya kilala ko ang partner ko. Matalino 'yon. Para hindi ka mag-alala ay tatawagan ko siya." Ginawa ni Jester iyon ay dahil nahalata niya si Herrera na may pagtingin ito sa kanyang partner. Agad niyang tinawagan si Divlen at sumagot naman ito. Katunayan, nagpasundo ito sa plaza. Pagkatapos mag-usap ng mag-partner ay tinanong agad ni Jester si Herrera. "Herrera, tapatin mo nga ako. May lihim ka bang pagtingin sa pinsan ko?" diretsahang tanong niya. Medyo namula naman si Herrera sa tanong nito. "Hmmm... Oo, matagal na Inspector. Noong una ko pa lang siyang nakita. Pero alam kong hindi puwede noon dahil alam kong si Collin ang mahal niya. Noon at hanggang ngayon ay si Collin pa rin ang laman ng puso niya," tugon ni Herrera na may lungkot sa mga mata. "Bakit hindi mo subukan na ligawan ang partner ko? Baka ikaw pa ang makagamot sa sugatan niyang puso. At ikaw pa ang dahilan upang makalimot na siya sa kanyang kahapon. Sobra na akong naawa sa aking pinsan at gusto kong bumalik ang kanyang sigla tulad nang dati." "Okay lang ba sa iyo kung liligawan ko ang partner mo?" "Bakit naman hindi? Alam ko namang binata ka at mabuti kang tao." "Salamat, Inspector. Okay lang ba kung aakyat ako ng ligaw sa bahay ninyo?" "Okay na okay, Herrera. Walang problema. Para sa partner ko ay gagawin ko ang lahat sumaya lang siyang muli." Hanggang sa nakarating na sila sa kinaroroonan ni Divlen, agad siyang sumakay sa service nila. Sinabi ni Divlen ang lahat ng impormasyon na kanyang nakuha at ang pagpayag ng lalaki na magiging assist nila. Lalong napahanga si Herrera sa istilo at katalinuhan ni Divlen. "Bilib na bilib na talaga ako sa inyong dalawa, ang husay at galing ninyo pagdating sa mga ganitong trabaho. Ang bilis kapag kayo ang kumilos." Hanggang sa nagpasya na silang umuwi at bukas na ipagpatuloy ang trabaho nila. Napansin ni Divlen ang isang bar at naisipan niyang uminom ng kunti. "Partner, daan muna tayo saglit, medyo nauuhaw ako," wika ni Divlen na ang ibig sabihin ay mag-shot muna sila. "Gusto mo ng tubig, Divz? Ibibili kita," inosente na tanong ni Herrera na hindi ma-gets ang ibig sabihin. Kaya nagtatawanan ang mag-partner. "Herrera, iba ang gusto ng partner ko," tugon ni Jester. "Herrera, umiinom ka ba?" tanong ni Divlen. "Oo, pero hindi masyado." "Shot muna tayo pampatulog, tig-isang bote lang," yaya ni Divlen. Nagkasundo ang tatlo at pumasok sila sa isang Disco Bar. Dahil buntis si Jester ay hindi ito pinainom ni Divlen tanging orange juice lang ang sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay biglang naalala ni Divlen ang unang takpo nila ni Collin. Buntis rin noon ang kanyang partner kay Clyde, nag-inuman rin sila at nagkainan. Kaya hindi maiwasan ni Divlen na malungkot. Pumapatak ang kanyang mga luha at tama naman ang pagtugtog sa request ni Herrera na kanta ang 'Waiting For Your Love.' Sa pangalawang pagkakataon ay niyaya ni Herrera si Divlen para sumayaw. "Divz, can we dance?" pabulong niyang tanong. "Hindi agad siya nakasagot at dali-daling yumuko para punasan ang kanyang mga luha. "Go na partner, sayang ang kanta," turan ni Jester, at sabay tulak niya sa kanyang pakner at nakangiti ito. "Okay," simpleng tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD