Episode 5: Collin Caught Jamela With Another Man

1107 Words
"Go na partner, sayang ang kanta," wika ni Jester at sabay tulak niya sa kanyang pinsan. Pumayag na rin si Divlen, dahil ayaw niyang tanggihan ang pinsan. At ayaw rin niyang mapahiya si Jhapdel. Habang sumasayaw ang dalawa patuloy naman ang kantang 'Waiting For Your Love'. Sa mga sandaling iyon ay nakahawak si Herrera sa baywang ni Divlen. At si Divlen nama ay nakahawak sa leeg niya. Dahil sa kanta ay mas lalong naalala ni Divlen ang kahapon nila ni Collin, muling dumugo ang sugat ng kanyang puso. Kusang umagos ang kanyang mga luha at dahil ayaw niyang makita ni Herrera ang kanyang pag-iyak ay yumuko siya. "Divz, ilabas mo lang yan, pakawalan mo at huwag mong hayaan na makulong ka sa isang mapait na kahapon. Kung kailangan mo ng balikat na masasandalan, nandito lang ako para sa iyo," madamdaming pahayag ni Herrera. Sa sandaling iyon ay ninaplos-haplos na niya ang likod ng dalaga upan maibasan ang sakitna nararamdaman nito. Sabay yakap niya sa dalaga, at yumakap naman si Divlen sa leeg ni Herrera at patuloy ang pag-agos ang kanyang mga luha. Ilang minuto rin sila sa ganoong posisyon. At pansamantalang nakalimutan ni Divlen ang problema dahil may isang tao na umaagapay sa kaniya. Na santo niya ay handa siyang ibangon mula sa pagkadapa niya. Sa mga oras na iyon ay gustong sumigaw ni Divlen, para makalabas ang poot sa kaniyang puso. Dahil hindi ito nakatiis ay tumakbo siya palabas ng bar. Nagulat naman si Jester sa nakita niya at agad nitong nilapitan si Herrera. "Anong nangyari?!" gulat na tanong niya kay Herrera. "Hindi ko alam, Inspector. Bigla na lang siyang umiyak pero alam kong si Collin ang dahilan." "Hali ka na sundan natin," wika ni Jester. At sa paglabas nila ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalong nag-alala ang dalawa para kay Divlen. "Inspector, kunin ko lang ang sasakyan at dito ka na lang maghintay. Mag-ingat ka medyo madulas ang semento," Pahayag ni Herrera at nagmamadali itong pumunta sa nakaparada nilang sasakyan. At maya-maya pa ay nakabalik si Jhapdel at dali-dali itong bumaba upang alalayan ang buntis. "Dahan-dahan, inspector, " aniya rito. Salamat!" Samantala si Divlen naman ay patuloy ito sa paglalakad sa kalagitnaan ng ulan habang patuloy pa rin siya sa pag-iiyak. Hindi na niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa niya. Basta isa lang ang tanging laman ng isip nito. Ang mailabas ang nasa saloobin niya. "Collz, bakit ba ang hirap mong kalimutan? Bakit mo ba ako pinapahirapan nang ganito? Sana hinayaan mo na lang akong namatay. Ito nga ako buhay pero para mo na rin akong pinapatay…" sabi niya sa kanyang sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hanggang sa tulay siya dinala ng kanyang mga paa. Huminto si Divlen at dumungaw sa ibaba ng tulay para sanang sumigaw. Sa ganoong sitwasyon naman siya nakita ni Herrera at ni Jester, kaya mabilis tumakbo si Herrera palapit sa kinaroroonan nito upang pigilan sa binabalak nito. "D-Divz… huwag..." sigaw ni Herrera, habang patakbo niyang tinungo ang kinatayuan ni Devlin. Halos liparin na niya ito at agad nitong niyakap ang dalaga. Dahil sa pagkabigla ni Divlen ay na out balance siya at pareho ang dalawa na gumugulong sa kalsada at nakapatong si Herrera kay Divlen. "Divz… ano bang ginagawa mo?! Dahil lang sa isang lalaki magpapakamatay ka na?! Isipin mo ang mga nagmamahal sa iyo! Divz, nandito ako nagmamahal ng tapat sa iyo! Hayaan mong tulungan kita at magamot ang sugat diyan sa puso mo," pahayag ni Herrera, at sabay turo niya sa puso ni Divlen. "Mahal na mahal kita, Divz. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mapatunayan ko na malinis ang hangarin ko sa iyo." dagdag pa ni Herrera. At nakita ni Divlen ang pagpatak ng mga luha ni Herrera, At dahil do'n ay nakaramdam naman siya ng awa para sa lalaki. Tumayo si Herrera at inalalayan niya si Divlen para makatayo rin. Bigla namang dumating ang buntis at sumabak na rin ito sa malakas na ulan. "Partner, ano ba ang ginagawa mo?!" pasinghal na tanong ni Jester, at sabay yakap nito nang mahigpit sa kanyang partner habang umiiyak ito. "Bakit ano ba ang ginagawa ko?" pagtataka na tanong ni Divlen, dahil naguluhan siya sa dalawa at palipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. "Anong----Ano?! Ano ang ginagawa mo? Sinapian ka ba ng hangin na itim para hindi mo alam na tatalon ka sa tulay?" galit na bulyaw ni Jester. At namilog pa ang mga mata niya. "Sinong nagsabi na tatalon ako? Dumungaw lang ako para sisigaw at nang sa ganoon ay makalabas ang poot dito sa puso ko!" paliwanag ni Divlen. Nagkatinginan naman si Jester at Herrera na parehong hindi nakapagsalit sa tugon ni Divlen. "Halina nga kayong dalawa! Baka magkasakit pa kayo! Lalo ka na, partner!" At hinila ni Divlen sa kaniyang partner at sabay lakad patungo sa nakaparadang sasakyan. Parehong napailing ang dalawa. Pero si Herrera ay. nakaramdam ng hiya dahil sa kanyang pagtatapat kay Divlen. Parehong walang imik ang tatlo sa loob ng sasakyan, nagpapakiramdaman lang ang mga ito. LUMIPAS ang isang buwan,nagiging malapit si Herrera at Divlen sa isa't isa.Nagiging masugid na manliligaw ni Divlen ang lalaki,at patuloy din ang kanilang imbestigasyon sa kaso. Hanggang sa na buo na ang kanilang mga ebidensya at nakahanda na ang kanilang pag salakay sa naturang lugar.Isa nalang ang kanilang hinintay ang pag riles ng Warrant of Arrest, HANGGANG dumating ang isang araw na sinagot ni Divlen si Herrera,at walang mapag sidlan sa kaligayahan ng binata.Isa lang ang kanyang pangako kay Divlen,gagawin niya ang lahat para magiging masaya lang ang dalaga.. COLLIN'S POV Abala siya sa pag-aasikaso sa negosyo, habang ang asawa niya ay abala sa lalaki niya. "—Positive! No.No. Hindi puwede, dapat gagawa ako ng paraan!" Kinakabahan na wika ni Jamela at hindi ito mapakalai Agad niyang tinawagan ang lalaki para magkita sila dahil natatakot siya kung ano ang gawin ni Collin sa kanya. Nagkita na nga sila sa Mall, at sa may coffee shop. At nagkataon naman na nandoon si Collin ay nakita niya si Jamela at ang lalaki. Humalik pa ito sa labi ng lalaki. Hanggang sa lumabas ang dalawa at sinundan naman iyon ni Collin. Hanggang nasaksihan nito ang pagpasok nila sa isang bahay. Pagkalipas ng isang oras ay sumunod si Collin. Sinubukan niyang buksan ang pintuan at hindi ito naka-lock, dahil nakalimutan pala nilang itong i-lock . Hinahanap ni Collin ang dalawa at maingat na pinagbubuksan ni Collin ang mga kwarto. Hanggang tumambad sa kanyang harapan ang dalawang nilalang na parehong walang saplot at nakapatong ang lalaki sa ibabaw ng katawan niya Nagulat ang dalawa sa kanilang nakita. "Co-Collin!" bulalas ni Jamela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD