WALANG kamalay-malay ang tatlong lalaki sa loob ng bus na nasa loob rin ng bus si Detective Jacutin. Rinig na rinig niya ang mga iyak ng mga batang nasa loob ng bus. Pero isa lang ang sinisiguro ni Divlen na ililigtas niya ang mga ito. "Bosing, ano ang plano mo nitong mga hostages?" tanong ng isang lalaking kasamahan nito at kasalukuyang nakatutok ang baril niya sa ulo ng drayber ng bus. "Sundin natin ang gusto ng mga pulis pero kailangan may kasama tayong isang bata para siguradong hindi tayo basta-basta magalaw ng mga parak," tugon ng lider nila. "Sir, huwag naman kawawa ang bata at tinupad naman ng mga pulis ang hinihingi ninyo," reklamo ng pulis. "Huwag kang makialam at huwag kang sumabat sa usapan!" galit na bulyaw ng lider. "Mag-drive ka na lang!" dagdag pa nito. Walang nag