NATAPOS ang libing at nagpaalam si Divlen sa pamilya ni Jhapdel na hindi na sasama sa bahay. Dahil kailangan niyang magpahinga sapagkat ilang araw din siyang nagpupuyat sa lamay. Hindi siya pinigilan ng mga ito dahil naintindihan nila ang kalagayan niya na buntis ito. "Div, ingatan mo ang bata, dahil alam kong masaya ang aking anak," Pahayag ng ina ni Jhapdel. "Opo, tita. At huwag po kayong mag-alala dahil palagi kong dadalawin si Jhap," tugon naman niya rito. "Paalam, Jhap. Dadalawin na lang kita dito palagi," bulong ni Divlen. Hanggang sa tuluyan nilang nilisan ang libingan ni Jhapdel. At magkasama ang mag-partner sa isang sasakyan kasama ang mga asawa nila. Nang makarating sila sa mansion ay dumiretso na ang mag-asawa sa kuwarto nila para makapag pahinga si Divlen. Dahil sa pa