Lasing

2213 Words

[Athena’s] Habang palapit nang palapit ang pagtatapos ng dalawang linggo na bakasyon namin dito sa Cagayan de Oro ay mas lalo akong nahihirapan sa pagpipigil sa nararamdaman ko para kay Kit. Sa bawat araw na inilalagi namin dito ay mas lalo ko siyang nakikilala kaya mas lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. Kahapon ay may sakit si Justin at mataas ang lagnat matapos ang sunod-sunod na island-hopping na ginawa namin. Kahit si Kit ay mukhang iba ang boses nang umuwi kami pero hindi niya iniinda at pumapasok pa rin sa trabaho kapag walang naka-schedule na lakad. “Do you wanna visit this place?” tanong ni Kit nang nasa opisina na niya kami. Dahil alam kong hindi halos lalabas si Yumi sa kwarto maghapon dahil may sakit si Justin ay pumayag ako sa pagyaya ni Kit na sumama sa opisina niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD