Angela’s POV Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako. “A-anak, ang tagal kitang hinanap. Nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya. “Anak?” Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko. “Patawarin mo ako. Malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng Ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para maka