Angela’s POV Nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugul niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya. Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin. Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya