Angela’s POV Habang papalabas kami ng venue ay lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. “Rafael ano ba? Nasasaktan na ako!” Inis na singhal ko sa kanya. Nasa labas na kami at gilid ng venue nang tumigil siya sa malaking hakbang niya. Kumirot na din ang paa ko dahil sa sapatos na suot ko. Bukod sa paltos sa sakong ko pati daliri ko sa paa ay namumula na din. Matalim niya akong tinignan na parang ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya. “Ano bang problema mo? Bakit nagagalit ka na naman!” Singhal ko sa kanya. Pinilit kong hilahin ang kamay ko. At hinarap ko ang matalim na titig niya. “Tinatanong mo pa? Umalis lang ako sandali nakikipaglandian ka na? At sa mga kaibigan ko pa?” Galit na singhal niya sa akin. “Nakipaglandian? Nagsayaw lang kami sa gitna, landian agad ang tawag dun?