It was around 1:00 PM when we arrived back home. Hinatid namin si kuya sa bahay at si Mom lang ang naabutan namin doon. Wala si Dad. Hindi ako nagtanong kay Mom, pero iyon ang ginawa ni kuya. Nakapagtataka lang kasi hindi raw niya alam. Pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Elliot na aalis. I saw on Mom’s expression how badly she wants to ask if where we are going, but she didn’t say anything. Pakiramdam ko rin ay gusto niyang magtanong kung bakit kaming dalawa lang ang aalis. “Sa tingin mo nasaan si Dad?” tanong ko habang nasa biyahe kami. “Maybe he’s in the office,” sagot niya kaya napanguso ako. “Ano naman ang gagawin niya ro’n na mag-isa?” tanong ko pa pero nagkibit lang siya ng balikat. “Do you want me to call him? I mean, I can always make an excuse about the business,” suhestiyon