I winced as I felt the bourbon drew a thin line down to my neck. Kung normal na araw lang siguro ito ay hindi ko gugustuhin ang uminom. Pero masyado na akong maraming iniisip at gusto ko sana na kahit ngayong gabi lang ay makalimot ako. Earlier this day, I nearly got caught in a car accident because of my foolishness. Ang problema kasi sa akin ay masyado akong emosyonal. Masyado akong nagpapadala sa bugso ng damdamin ko kaya napapahamak at nasasaktan ako. When will I ever learn to control my emotions? I don’t know. I’m not even sure if it’s possible. Ang mga kaibigan ko ay mukhang masaya sa pagkukuwentuhan. Hinayaan ko na nga rin si Zoe na ikuwento din sa kanila ang lahat ng nangyari tatlong buwan ang nakalilipas. They heard the story, they also asked some questions but that’s just it.