Nagsisisi ako na pumasok pa ako sa trabaho. I couldn’t focus because of Love and Hans’ presence. Paminsan minsan ay naririnig ko pa ang malambing na pagtawa ni Love na nakakairita sa pandinig ko. Mukha naman siyang mabuting tao, pero naiinis na ako sa kanya kahit na hindi ko naman talaga siya kilala personally. Wala naman silang ginagawa dito, hindi naman sila nagtatrabaho. Bakit kaya hindi na lang sila umalis at lumabas? Or better yet, get a hotel room where they can flirt with each other all they want! Sa sobrang inis at pikon na nararamdaman ko ay agad kong pinindot ang intercom para maka-usap si Kim. “Kim, is one of the meeting rooms available right now? I want to work there since I can’t focus here,” mababa ang boses at walang emosyon na saad ko. Natahimik naman ang dalawa at ramd