The next day, the sound of my alarm woke me up at around six in the morning. Hindi naman ako nagdalawang isip na maligo at magbihis na agad kasi excited akong makita si Elliot. Iyon nga lang, habang gumagayak ay naisip ko na baka maabutan ko ulit sina Dad na kumakain ng agahan. Baka kasi bigla akong ayain ni Mom na sumabay sa kanila, eh ngayon ay totoong may lakad na ako at ayaw ko namang malaman nila na si Elliot ang kasama ko. Hindi ako agad lumabas ng kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpasyang mag-text kay Kuya. Ako: Kuya, inaaya akong mag-breakfast ni Elliot ngayong umaga. Tulungan mo akong magdahilan kina Dad kapag inaya nila akong sumabay mag-breakfast sa inyo, please. Nakaupo ako sa kama habang hinihintay ang reply niya. Hindi naman ako nabigo kasi nakatanggap ako agad n