Saglit akong natahimik sa sinabi ni kuya. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam kung ano ang magagawa o maitutulong ko sa kanila. Kahit pa gusto ko ay natatakot pa rin ako sa puwedeng sabihin ni dad kapag nakealam ako. “Kaya ba wala si dad kasi hindi siya umuwi?” tanong ko, napabuntong hininga ulit siya at marahang tumango. “Mom was also awake the whole night. Hinihintay kasi niyang umuwi si dad,” sagot niya. That explains why she looks so stress. Saan kaya si dad? Ano ba ang mga ginagawa niya nitong mga nakaraang araw? “Kailan pa siya wala?” tanong ko. “Kagabi siya umalis, Rome. Tapos hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik,” sagot ulit ni kuya. “I honestly think that he’s having an affair,” dagdag pa niya. Iyon din ang sinabi ni kuya noong isang araw. Noong nasa Pangasina