Nang makabalik kami sa resort ay hindi pa rin ako iniwan ni Leroy. I’m actually both glad and thankful by his presence. Kung nagkataon na hindi parehong social gathering ang pinuntahan namin at nangyari ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Si Hans ang kasama mo na nagpunta rito, hindi ba? Sa kanya ka rin ba sasabay na umuwi?” mababa ang boses na tanong ni Ashley. “Hindi ko kasi alam kung nasaan siya,” sagot ko naman kaya marahan siyang tumango. “I’m sorry, Rome. Wala kasi akong spare clothes na dala at ipapahiram sa ’yo. Hindi naman kasi kami nag-iiwan ng gamit dito sa resort,” saad pa niya kaya marahan akong tumango. “No, it’s okay, Ashley. Sa totoo nga lang niyan ay nahihiya ako sa ’yo kasi nasira pa ang party,” sagot ko naman. “I told you, it’s not your fault so stop being