7

2072 Words
Maingat na hinugasan ni Alip ang kamay ko, habang si Calipa ay naghahanda sa mga gagamitin n'ya sa paggamot sa kamay ko. Nang matapos ay pinunasan iyon at inilapit na kay Calipa. "Ang sama talaga ni Signora. Sumosobra na siya." Naiiyak na ani ni Alip. Guilty na guilty ito. Naniniwala itong dapat daw ay siya ang sumalo sa mga palo at hindi ako. Pero nagawa lang naman n'yang labagin ang utos ni Cleope, dahil na lang din sa akin. Sa awa nitong nararamdaman sa akin. Pagkatapos linisin ang sugat ko'y agad nang binalot ng bandage. "Kapag nakaharap mo si signor ay maging maingat ka sa pagsasalita. Sa tingin ko'y nagmana si Cleope sa amo namin. Malupit ang signor. Kaya naman maging maingat ka, Franceska." Bilin ni Renese. Tumango naman ako rito. Tumayo na ako, bahagyang iniayos nila ang nagusot kong damit. Winisikan pa ng pabango. Kailangan ko lang makumbinsi ang lalaki, kung kailangan bayaran ang 20 million na iyon, baka mapakiusapan ko rin ang aking ama na resolbahin iyon. Ang gusto ko lang naman kaso talaga ay mahanap ang aking kapatid. Iginiya na ako ni Renese patungo sa silid kung nasaan ang lalaki. Kumatok ng dalawang ulit, bago pinihit ang pinto at bahagya akong itinulak papasok. Napayakap ako sa sarili nang domoble ang lamig. Kung sa labas ay malamig, higit na double ang lamig sa silid na ito. Gumala ang aking tingin. Hanggang sa tuluyang tumutok ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa napakalaking bintana. Nakapamulsa ito, habang sa labas naka-focus. Suot pa rin nito ang kanyang maskara na una kong nakita no'ng dumalo ito sa tournament. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang tahimik kasi, tapos hindi man lang ito sumulyap sa gawin ko. "I-pinatawag n'yo raw po ako?" lakas-loob na lang na tanong ko. Hindi ito sumagot. Nanatiling nakatalikod. "B-aka pwede na tayong mag-usap? Kailangan ko na kasing makaalis dito. May kailangan pa akong gawin sa labas. Hindi makakatulong sa akin kung nakakulong ako rito." Alam ko namang buhay at milyones nito ang itinaya n'ya para manalo. Alam ko ring hawak n'ya ang buhay ko. Ngunit importante sa aking mahanap ko ang kapatid ko. "Mag-usap?" parang naglalaro ang salitang iyon sa kanyang dila. Nang lumingon siya sa akin ay nagtama ang aming tingin. Nakakapaso ito kung tumitig. Kaya naman napayuko ako, iyon din naman ang gustong ipagawa sa akin ni Cleope. "H-indi ako mababang uri ng babae. Dinukot lang ako at sapilitan---" "I don't care. Ginusto mo man or ayaw mo. I really don't care." Humakbang ito. Palapit sa akin. Sinulyapan ko pa ang pinto kung nakabukas ba iyon or nakasara, para alam ko kung kaya ko bang makatakas kapag may binalak or gawin itong masama. Ngunit sarado iyon. Nanginginig na ang katawan ko sa takot. Nakayuko na lang din ako. Habang nakayuko ay nakita ko pa ang itim nitong sapatos na tumapat sa akin. Tanda rin na nasa harap ko na ito. "Signor, nagmamakaawa po ako sa inyo. Kailangan kong makaalis dito." Naluluhang ani ko rito. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin. Nagbabakasakaling maawa ito kapag nakita n'ya akong naluluha. Pero halatang hindi ito natuwa sa kanyang nakita. "Sa tingin mo ba sasayangin ko ang 20 million ko at ang pinaghirapan ko?" mabilis akong umiling. "Babayaran ko---" tumawa ito, kaya naputol ang sinasabi ko. Kaya ni papa iyon. Pero hindi ko lang tiyak kung papayag ba siya, lalo't nangyari sa akin ito dahil suwail akong anak. Iyong tawa nito'y parang nanghahamak. Then biglang huminto at sumeryoso ang titig n'ya sa akin. "No. Dito ka lang, it's either tumagal ka rito sa mansion ko o rito ka mamatay." Agad akong lumuhod. Napahawak pa ako sa kanyang tuhod. "Parang awa mo na. May kailangan pa akong gawin sa labas. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Gagawin ko kung ano mang gusto mo. Pero payagan mo lang akong lumabas." "Then what?" bahagya itong yumuko. Inabot ang baba ko at mariing piniga iyon. Napaangat tuloy ang tingin ko rito. Hindi ko man makita ang buong mukha nito, pero natatakot ako. Titig pa lang nito ay nagsasabing hindi ito magandang magalit. Nasasaktan ako sa hawak ni Lion. Kaya napakapit ako sa braso nito. Sinubukan tanggalin ang pagkakahawak nito sa akin. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Mas dumiin lang iyon at ako lang din naman ang nasaktan. "Let me go!" sunod-sunod na pumatak ang aking luha. Bumagsak ang tingin ni Lion sa mga kamay kong nakahawak dito. Pakiramdam ko'y may mainit na bagay na tumama sa aking mga kamay sa titig pa lang nito. Kaya naman bumitiw ako sa pagkakahawak ko rito. Saka lang din ako nito binitiwan. "Dito ka lang." No! Buong buhay ko'y kontrolado ako ng ama ko, hindi pwedeng may isang tao na naman na kokontrol sa akin, lalo na sa komplikadong sitwasyon na ito. "Aalis ako rito. Hindi n'yo ako pwedeng pigilan, dahil labag iyan sa batas." Tumalikod ako at agad na binuksan ang pinto. Walang tao kaya naman tumakbo ako patungo sa pinto. Nakalabas nga ako pero tinutukan naman ako ng mga baril ng mga guard na nakasalubong ko. Sa sobrang gulat ko'y nawalan pa ako nang balanse at napaupo. Medyo masakit, dahil bumagsak ako at naitukod ko ang mga palad ko. "Everyone, oras na magtangkang muli ang babaeng ito na tumakas. Shoot her. Kill her. Ipakain n'yo rin siya sa mga alaga kong tigre." Napahagulgol ako nang iyak dahil sa winika ng lalaking nakasunod pala sa akin. Saka ko ito tinignan, galit na galit ang titig ko rito. "How dare you? Bakit mo kinokontrol ang buhay ko? Sino ka ba?" frustrated na sigaw ko. Napasinghap pa nga ang mga kasambahay na narinig ang paninigaw ko sa amo nila. Si Cleope na kararating at nakasilip na rin ay naiiling. Hindi ito disappointed, parang expected na nga nito na 'magkakalat' ang basurang bagong salta rito. "Kailangan kong umalis dito. Hindi rito ang bahay ko. Hindi ako rito nakatira. Don't control me." Umiiyak na hiyaw ko. Pero ang tanong. . . may nakinig ba sa sinabi ko? "Again. . . oras na tinangka ng babaeng iyan na lumabas o tumakas. Kill her." Sa inis ko ay hinubad ko ang suot kong sandals. Ang isa ay kinuha ko at ibinato ko sa paanan ng lalaki. Parang biglang tumahimik ang paligid. Ako lang itong ngawngaw nang ngawngaw. Pero hindi tiyak kung may mapapala ba. "Hindi mo ako alipin para sumunod sa mga sinasabi mo, Lion. Hindi rin kita amo na luluhuran ko para lang pakinggan ang utos mo." "Gusto mo nang mamatay?" ilang salita, pero parang magic na natahimik ako. Pati ang pagluha ay parang biglang umurong. Napatitig ako sa lalaki. "Simple lang iyong tanong ko." Sabay lahad nito ng kanyang palad. Humakbang naman palapit si Cleope. Ibinigay kay Lion ang isang baril. Baril? Hindi man nanghingi ang lalaki, naglahad lang ito ng kamay. Pero bakit baril ang ibinigay nito? Gano'n ba kasanay si Cleope sa amo n'ya para mahulaan ang gusto at kailangan nito? "L-ion. . ." takot na ani ko rito. "Again, gusto mo bang mamatay na?" agad akong umiling. Muling mabuhay ang frustration na nadarama. "Hindiii! Ang gusto ko ay makaalis dito. Hindi ko pa gustong mamatay." Patiling ani ko dahil sa sobrang inis ko sa sitwasyon. "Pareho lang din iyon." Sagot nito. "Anong pareho lang?" magkaiba yata kami ng diksiyonaryo ng lalaking ito. "Kapag umalis ka. Kamatayan ang parusa mo." Paikot-ikot lang kami. Kaya naman pinilit kong tumayo. Saka ako humakbang palapit dito. Hinawakan ko ang baril na kanina pa nakatutok sa akin at isinentro ko iyon sa aking noo. "Then kill me now." Kahit umaagos ang luha ko, hindi ako kumurap. Nakipagtitigan pa ako sa lalaking nakamaskara. "Not yet, mia signora. Not yet." Mahinang bulong nito nang yumuko ito at inilapit ang labi sa aking tenga. Iyon ang binulong n'ya, na libo-libong takot ang dala. "Bakit hindi pa ngayon? Ano bang balak mo sa akin?" "Wala pa. . . sa ngayon." Saka ito tumalikod at ibinalik kay Cleope ang baril. "Cleope, nasaan ang latigo?" tanong nito sa babae. Latigo? Para sa akin ba iyon? "Kukunin ko po." Lumapit si Calipa at Renese sa akin. Iginiya nila ako papasok. Sasaktan ba ako ni Lion dahil sa ginawa ko? Dahil sa pagsagot-sagot ko sa kanya. Nakarating kami sa sala, inihahanda ko na ang sarili ko dahil tiyak kong ako ang maparurusahan. Nanginginig na pati tuhod ko, pero mabuti na lang at todo alalay ang dalawa. Nang makabalik si Cleope ay may hawak na itong latigo. May bahagya ring ngisi sa labi nito na nakaukit at sinadyang ipakita sa akin. Galak na galak ito na maparurusahan ako ngayon. "Luhod." Utos nito. Sa akin ito nakatitig, kaya naman iginiya ako ng dalawang kasambahay paluhod. Inilahad ko ang aking kamay. Sanay na sanay na ako sa ganitong parusa. Ano pa bang bago? "Kamay, Cleope." Parang lahat kami ay napasinghap. Si Cleope na siyang malapit sa pwesto ni Lion ay gulat na gulat din. "Kamay." This time ay tinignan na nito ang babae. Agad namang kumilos si Cleope. Lumuhod ito at naglahad ng dalawang palad n'ya. Agad akong napapikit sa unang hataw pa lang ng latigo. Alam kong masakit iyon, dahil danas na danas ko iyon. Apat na beses na humataw iyon sa palad ni Cleope. Kahit na sinaktan ako ng babae dahil lang sa pagkain ko, hindi ko pa rin hinangad na danasin nito ang ipinaranas nito sa akin. Nang idilat ko ang aking mata, nakita kong binitiwan na ni Lion ang latigo. Nasa sahig na iyon, habang si Cleope ay nakalahad pa rin ang palad. May dugo na roon. Pero wala man lang kumilos para lapitan ito. "Fix yourself. I want to talk to you." Parang hindi man lang ininda ni Cleope ang dumudugo n'yang kamay. Tumayo siya, at parang normal lang ang gano'n tagpo para rito. Dinampot pa nga nito ang maliit na panyo na nasa center table at inilapat sa kanyang kamay na dumudugo. Nang tumalikod si Lion patungo sa pinanggalingan naming silid kanina ay iginiya na ako ng dalawang kasambahay patungo sa silid ko. "Mia signora, nagmamakaawa kami sa 'yo. Huwag mo nang ulitin iyong ginawa mo. Mukhang hindi mo pa nauunawaan ang sitwasyon mo. Wala kang lusot sa lugar na ito, kung normal na mansion o palasyo sa 'yo ang lugar na ito. Pwes, baguhin mo iyang nasa isip mo. Lubhang mapanganib ang amo naming iyon. Malupit si Signor Lion. Hindi lang simpleng panunutok ng baril ang kaya n'ya, hindi lang din simpleng pagbabanta. Dahil lahat ng actions n'ya ay kaya n'yang panindigan. Mia signora, parang awa mo na. Makinig ka sa amin. Huwag mo na iyong uulitin." Pero umiling ako. "Nawawala ang kapatid ko. Kailangan kong hanapin ang kapatid ko, Renese. Baka kung napaano na siya. Dalawang linggo na simula no'ng hindi siya nagparamdam sa akin. Kailangan ko siyang hanapin." "Hindi mo pa rin ba nauunawaan ang sitwasyon mo, mia signora? Higit na mas mapanganib ang sitwasyon mo, kaysa sa kapatid mong nais mong hanapin." "Then help me. . . tulungan n'yo akong makatakas sa lugar na ito." Pare-pareho silang bumuntonghininga. "Isang beses lang sa isang taon kami pwedeng lumabas. Isang linggo na mananatili sa pamilya namin, saka babalik dito. Ang paglabas sa itim na gate ay kailangan may approval ni Signora Cleope. Siya ang namumuno sa lahat ng mga kasambahay. Higit na mas mataas ang posisyon niya kaysa sa amin at sa mga guards. Napakaimposible ng gusto mo. Malaking bagay sa amin ang trabahong ito. Malaki. . . higit na mas malaki ang sahod dito at benipisyo. Kapag sinuway namin si Signor Lion at Signora Cleope, tiyak na matatanggal kami sa pwesto. Worst is, ipapatay nila kami." "Masasama silang tao." "Sadyang may batas lang silang sarili na ipinatutupad dito. Isa ang palasyong ito na pwede nating sabihing impyerno sa lupa. Pero hindi ka naman mapapahamak kung hindi mo sila susuwayin." "No. Kung hindi n'yo ako kayang tulungan. Pwes, ako Ang gagawa nang paraan." "Sa katigasan ng ulo mo, hindi lang sarili mo ang pwede mong ilagay sa panganib, pwedeng kami rin. Mas lalo ang pamilya mo." "Anong kinalaman ng pamilya ko?" takang ani ko rito. "Kapag napuno ang signor sa 'yo. Pwedeng ibuhos n'ya ang galit n'ya sa pamilya mo. Nakalabas ka nga ng lugar na ito, pero wala ka nang mababalikan pang pamilya." Oh God! Please, save me. Ito na ba ang consequences sa ginawa kong pagsuway kay papa? Pero gusto ko lang namang makita si Alatheia at mahanap siya. Bakit naman napunta ako sa ganitong kasalimuot na sitwasyon? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD