6

2004 Words
Agad akong gumapang palapit sa pinto. Dalawang araw na akong nakakulong, tubig lang ang naiinom ko. Galing pa iyon sa gripo rito sa banyo. Walang nagtangkang magpakain sa akin, hindi rin nagpakita ang amo nila sa akin sa loob ng dalawang araw. Umiikot na ang paningin ko, hindi ko nga alam kung antok pa ba, or hilo na itong nararamdaman ko. Ang saplot na suot ko'y ito pa rin simula no'ng binihisan nila ako. Gumapang ako palapit sa pinto dahil nakarinig ako nang pag-uusap. "Signora, pangalawang araw na pong hindi nakakatikim ng pagkain si mia signora. Nababahala na kami na baka hindi n'ya kayanin ang gutom at baka kung mapaano siya." "Renese, sino ang nagbigay sa 'yo nang pahintulot na labagin ang utos ko?" may diing tanong ng babae. Tiyak kong si Cleope ang tinawag na signora ni Renese. Saka pamilyar ang tinig nito, kaya naman na conclude ko agad na si Cleope ang pumipigil kay Renese na bigyan ako ng pagkain. "Signora, patawad. Sadyang nababahala lang ako na baka may mangyaring masama sa dalagang nasa loob ng silid." "Kalapastanganan na labagin ang utos at bilin ko sa inyo." Nakarinig ako nang pagkabasag. Umagos sa ilalim ng pinto ang likido na sa sobrang desperasyon ko ay inilapit ko ang ibibig at inamoy iyon. Nang maamoy kong fresh juice iyon ay walang pag-aalinlangan na dinilaan ko. Kasabay nang pagpatak ng aking luha. Dinilaan ko hanggat nalalasahan ko pa ang juice sa floor tiles. Habag na habag ako sa sarili ko. Pero wala akong magawa, dahil nakakulong ako sa silid na ito. "Mi dispiace, signora." Dinig kong paghingi nang tawad ni Renese. Nakakaunawa ako kahit paano ng Italian. Dahil si mama ay half Italian at madalas silang mag-usap noon ng aking ama sa wikang iyon. Pero hindi ako matatas sa gano'n salita. "Ingrato." Sunod no'n ay narinig kong ipinag-utos ni Cleope na ayusin ang ginawang kalat ni Renese. Saka lagutok ng sapatos ang sunod kong narinig. "Mia signora? Naririnig mo ba ako?" tanong ng babae mula sa labas. Nasa labas pa si Renese. Kaya naman agad akong sumagot. "O-oo, Renese. Parang awa mo na. Tulungan mo ako." Nakikiusap ang tinig na ani ko. Nararamdaman ko na nga rin ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa gutom. "Babalik po ako. Ako po ang nakatokang maglinis sa inyong silid. Magpupuslit po ako ng pagkain para sa inyo." "T-alaga? P-ero ayaw ni Cleope." Baka naman ito ang mapahamak sa balak nitong gawin. Ayaw ko namang mandamay ng ibang tao. "Basta po babalik ako, Mia signora." Saka ito umalis. Walang lakas na napasandal ako sa pinto. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at doon hinayaang maihiga ang nanghihina kong katawan. Ilang minuto pa ang lumipas, bumukas ang pinto. Bumungad ang istriktong mukha ni Cleope. May nakasunod ditong babae, basa sa name tag n'ya ay siya si Calipa. Isa ito sa nagpaligo sa akin no'ng nakaraang araw. Sumunod din si Renese, Alip at Esperanza. Wala akong kakilos-kilos sa higaan. Wala na talaga akong lakas. Dahil dalawang araw na akong walang kain. "Patetica." Parang disgusted na ani ng babae. Bakit ba galit na galit ito sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan para ganituhin ako ng babaeng ito? Saka nasaan ba ang kanilang amo? Kailangan kong makausap ang lalaking iyon. "Paliguan n'yo ang babaeng iyan, bago kayo maglinis." Nandidiring ani nito. Lumapit si Calipa at Renese. Inalalayan nila akong makabangon. Dahil wala nang lakas, sila na ang sumuporta sa bigat ng katawan ko. Gaya no'ng una, hinubaran nila ako. Walang saplot na iniwan. Wala na akong maitatago sa kanila, dahil pangalawang beses na nilang nakita ang aking katawan. Naramdaman ko na naman ang paghaplos ni Cleope sa aking likuran. "Linisin n'yo siya. Darating ang amo natin mamaya." Ipinasok na ako sa banyo. Bago pinaupo sa bathtub ay may kung ano silang ipinahid sa likod ko. Para siguro maalis iyong pinantakip sa aking likuran. Bago ako iginiya sa bathtub. Sinimulan nila akong paliguan. "Ilabas mo na." Dinig kong utos ni Calipa. May kinapa naman sa bulsa si Renese. Sandwich iyon na agad tinanggal sa pagkakabalot at agad na ipinasubo sa akin. Agad akong kumagat doon. Parang patay gutom na kahit may bula pa ang kamay ay basta ko na lang inagaw at mabilis kong kinain. Parang tatlong kagat lang ay nasa bibig ko na lahat. Palinga-linga naman si Alip sa pinto, pare-pareho rin silang kabado. Sunod na inilabas ni Alip sa kanyang bulsa ang naka-plastic na gatas na agad iniabot sa akin. Pagkakuha ko'y agad kong binutas at sinipsip. Naluha na naman ako sa sitwasyon ito. Nang makarinig kami nang yabag, agad kong inilubog sa bathtub na puno ng bula ang gatas na nasa plastic. Kaunti na lang naman iyon, mas marami ang nainom ko. Bumungad si Cleope na angat na angat ang kilay. Hindi ko alam ang magiging reaction ko, iniwas ko na lang ang tingin ko. "Kuskusin n'yong mabuti. Baka amoy basura pa rin ang babaeng iyan. Baka kapag naamoy ng ating amo ay ibalik sa basurahan ang isang iyan." "Sì, signora." Tugon ng tatlo. Kinuskot talaga nila, kahit na sabihin kong ako na lang. Nang banlawan ako'y nakita ko sa human-sized mirror ang tattoo sa aking likod. Nang matapos akong paliguan ay agad din nilang tinuyo ang aking katawan. Malabo akong masasanay sa ganitong klase nang pag-aasikaso. Ultimo pagpahid ng lotion at pagwisik ng pabango ay Sila pa ang gumawa. Nang bihisan ako'y kulay puting dress na naman na abot hanggang sa sakong ko. Muling tinuyo ang buhok ko at bahagyang kinulot. May alahas din silang inilagay silang inilapag sa harap ko. Pinapili ako ni Calipa, ngunit lumapit si Cleope at siya na na ang namili. "Huwag n'yong tinatanong ang babaeng iyan sa kung ano ang gusto n'ya. Dahil wala siyang karapatang mamili." Saka n'ya sinipat ang likod ko. Mariing bilin nito kanina na tiyaking tama ang pagkakalagay ng cream sa aking likod upang matakpan ang tattoo ko roon. Nang ma-satisfy ito, ay binitiwan n'ya na iyon. Saka n'ya ako tinitigan sa salamin. "Maganda ka. Pero halata pa rin ang pagiging mababang uri mo. Kapag humarap ka sa ating amo, palagi ka lang yumuko. Magbigay galang ka sa kanya. Siya ang magsasabi kung ano ang magiging kapalaran mo sa lugar na ito." "Tumayo ka na. Sumunod ka sa amin dahil parating na siya." Inalalayan ako ni Calipa at Renese para makatayo at makasunod kay Cleope. Nakarating kami sa living room, kung saan kita ang mga kasambahay na nagsisimula nang humanay. Hinila ako ni Alip patungo sa tabi n'ya. Hindi ako nagtangkang tumanggi. Agad kong sinunod ang babae at yumuko. Nang bumukas ang pinto. Sabay-sabay na nagsalita ang mga kasambahay. Sa pangunguna ni Cleope. "Buongiorno, Signor Lion." Gusto kong mag-angat nang tingin, ngunit wala akong lakas ng loob na gawin iyon sa mga oras na ito. Ang kamay ko ngang magkadaop sa aking likod ay bahagya pang nanginginig. "Cleope. . ." matigas na bigkas ng lalaki. "Signor Lion?" sa peripheral vision ko'y nakita kong yumukod si Cleope sa lalaki. Pero hindi ko pa rin makita si Lion, dahil nakayuko ako. Takot din talaga akong gawin iyon. "Seguimi, Cleope." Pinasusunod nito si Cleope. Literal na nilagpasan lang ako ng lalaki. Nang lumagpas siya, saka lang ako nagkalakas ng loob na mag-angat nang tingin. Tumambad sa akin ang maskuladong likod ng lalaking naka-blue na tuxedo. Ang isang kamay ay nasa isang bulsa. Ang isa naman ay nakahawak sa phone nito kaya roon din nakatutok ang tingin nito. Nang makalayo sila at pumasok sa isang silid ay agad kong hinarap si Alip. "Sa t-ingin n'yo. . . pwede ko kayang kausapin ang amo ninyo?" "Ano naman pong sasabihin n'yo sa kanya?" "Na palayain na n'ya ako. Na hindi ako mababang uri ng babae kagaya nang iniisip nila. Na biktima lang ako nang kidnapping." "Pwede n'yo pong subukan. Pero malabo n'yo pong makuha ang sagot na inaasam ninyo." Tugon nito sa akin. "Halika po, samantalahin natin ang pagkakataon na busy si Signora Cleope." Hinila ako nito papasok sa isang mataas na pintuan. Lahat ng mga makikita sa palasyong ito ay italian inspired. Pati mga paintings at mga muwebles ay gano'n din. Kahit ang mga simpleng detalye sa mga pader ay may touch ng Italian architecture. Nilampasan namin ang dining room kung saan parang may piesta sa dami ng mga pagkain na naroon. Sinong kakain? Si Lion? Isinasabay ba nito ang mga tauhan para maghanda ng gano'n karami? Pumasok kami sa kusina, abala ang lahat. May naglilinis, may nagpupunas ng mga plato, may nagluluto. May kanya-kanya silang ginagawa kaya hindi nila kami pinansin. Nilagpasan namin ang sosyal na kusina. Nakarating kami sa isa pang silid, tingin ko'y iyon ang dirty kitchen. "Upo ka d'yan." Utos ni Alip sa akin. Agad ko namang hinila ang upuan at naupo roon. Kinakabahan ako. Baka lumabas si Cleope sa silid na iyon at hanapin ako. Baka mapahamak si Alip sa ginagawa n'yang pagtulong sa akin. "Kainin mo iyan. Bilisan mo lang." May kanin, pritong manok, at saging. Agad kong sinimulang kainin iyon. Nagkamay na lang din ako. Para mas mabilis kong maubos ang mga iyon. Kahit punong-puno ang bibig ko'y salpak lang ako nang salpak nang pagkain doon. Naglapag din si Alip ng isang baso ng tubig. Habang sige ang nguya ay dinampot ko na rin ang baso saka uminom. Hindi ganito ang turo ni Nana Gara sa akin, para akong patay gutom ngayon sa paraan nang pagkain ko. Pero wala sa isip ko ang manner at table etiquette. Kailangan makakain ako, baka kasi ito na naman ang huling kain ko. "Sinong may sabi sa 'yo na pwede kang kumain?" halos masamid ako ako sa labis na gulat. Tumambad sa akin ang mukha ni Cleope na may hawak na manipis na stick. Deretso ang tingin n'ya sa akin. Dahan-dahan akong napatingin kay Alip, at waring nanghihingi nang tulong ang titig ko. Pero mas maputla ang itsura ng babaeng tumulong sa akin. Parang tinakasan na ng kulay ang itsura nito. "Patetica." Agad tumayo si Alip sa kanyang kinauupuan. Sabay luhod sa sahig. "Mi dispiace, signora. È colpa mia." Paghingi ni Alip nang sorry sa babae, at pag-ako na rin ng kasalanan. No, nagmagandang loob lang ito para mapakain ako. Kasalanan ko. Ako ang may kasalanan. Tumayo rin agad ako, katulad ni Alip ay gano'n din ang ginawa ko. Lumuhod sa harap ni Cleope at humingi nang tawad dito. "I'm sorry, kasalanan ko. Walang kinalaman si Alip dito." "Ingrato." Sigaw ni Cleope. "Get out!" galit na galit ito. Agad hinawakan ni Alip ang kamay ko at hinila ako patayo, saka hinila pa ulit patungo sa exit door. Lumabas kami, pero nakasunod pa rin si Cleope na galit na galit. Kapag nasa mansion si papa at galit na galit, kailangan ko agad maglahad ng kamay. Dahil doon n'ya sa mga palad ko inilalabas ang frustration n'ya. Baka gano'n din si Cleope, baka kailangan ko ring ilahad ang kamay ko para makapaglabas na siya ng galit n'ya. Napatingin si Alip at Cleope sa aking kamay nang ilahad ko iyon. "Ako po ang may kasalanan. Gutom na gutom po ako, tinakot ko si Alip. Kaya wala siyang nagawa kung 'di ipaghain ako ng pagkain." Tumalim ang tingin ni Cleope sa akin. Si Alip naman ay nanahimik sa tabi ko, sa labis na takot na lang din siguro. "Wala ka nga talagang kwenta. Ikinakalat mo sa palasyong ito ang pagiging basura mo." Inihanda nito ang medyo malambot na stick na gawa sa plastic material. Sa unang hataw nito sa palad ko, mariin akong napapikit. Pahilom pa lang ang kamay ko, pero agad dumugo iyon dahil sa pagpalo ni Cleope sa aking kamay. Isa, dalawa. . . tatlo. Saka lang siya huminto. May ngising gumuhit sa kanyang labi. "Alip, ayusin mo ang babaeng ito. Nais siyang makita ni signor." Gusto pala akong makita ng amo nila, pero nakuha n'ya pang pagmalupitan muna ako. Nakalimutan ko ang sakit ng kamay ko, mas na focus ang atensyon ko sa dibdib kong malakas ang kabog. Anong klaseng pagmamakaawa kaya ang dapat kong gawin para mapapayag ang lalaki na palayain ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD