LIZAH AGUILAR SA sobrang lalim ng iniisip ko, kaninang umaga ko lang talaga naisipan ang planong ‘to at hindi nga pumalpak. Damang-dama ko ang pangangatog ng aking mga tuhod nang mapadpad na ako sa ikawalong palapag. Binalingan ko agad ang unang pinto, doon sa kaliwa. Naka-bukas iyon. Lunok-laway na inihakbang ang mga paa para makalabas na sa elevator. Parang gustong tumakas ang puso ko sa kaba. Ang lamig ng pakiramdam ko pero pinagpapawisan ako. Tinahak ko ang kahabaan ng hallway. Wala kong nililikhang kahit anong ingay. Naka-flat shoes ako ngayon at dinadahan-dahan ko lang ang pag-hakbang ko na parang naglalakad lang talaga ako sa mababasaging kristal. Halos hindi ko na mailunok ang laway ko nang papalapit na ako sa naka-open na pinto. Tumigil ako sa kaliwang hamba at dahan-dahang