Biling-baligtad si Rhea sa higaan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Bella. Kanina nga kasi tinawagan niya ito sa cellphone para sa bahay sila makapag-usap tungkol sa gusto niyang mangyari. At iyon nga, nagulat siya sa huling sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" Makalipas ang ilang segundo ay nakapagsalita rin si Rhea. "Mapupunta sa mahal mo ang bagay na gusto mong aalisin sa pagkatao mo. Anong mahirap intindihin sa sinabi ko?" Hindi na naman nakaimik si Rhea, tinitimbang niya ang mga sinabi ni Bella. "Pakinggan mo ito Rhea, hindi sa tinatakot kita pero kapag nakahiling na sa tulad kong... sa akin... hindi na mababawi pa. Kaya kailangan pag-isipan mong maigi." Tumayo na si Shanaya para umalis. Tumayo siya at nagpabalik-balik nang lakad sa loob ng kaniyang kuwarto. Pagkatapos ay