Napapailing si Shanaya habang nakatingin sa dalawang pares na nasa kabilang lamesa. Halos hindi na mapaghiwalay sina Francia at Mike, Rhea at Kristopher. "Be-bel-lla... pu-pu-we-we-de ba-bang tu-tu-ma-bi-bi?" (Bella, puwede bang tumabi?) Tumango siya kay Luke ng hindi lumilingon dito. Nanatili kasi siyang nakatingin sa mga nagdo-double date sa canteen. "Na-na-ii-ing-gi-git ka-ka ba?" (Naiinggit ka ba?) Biglang napalingon si Shanaya kay Luke. Ha? "Sa-sa-ba-ba-gay, ma-ma-sa-sa-rap ma-mag-ma-ma-hal a-at ma-ma-ha-ha-li-lin." (Sabagay, masarap magmahal at mahalin) Tipid na ngiti ang nakita niya sa mga labi nito habang nakatingin din sa mga nasa kabilang lamesa. "Bakit, naranasan mo na ba 'yan? E, kalokohan lang naman ang magmahal," nakaismid na tugon niya kay Luke. Naalala na naman kasi