LESTER POV "Aba? Talaga namang abusado ka na ha? Hindi ako papayag na mangyari ang sinasabi mo!" dinuro niya pa ako, "At kapag nalaman ng ibang mga tao ang tungkol rito, natitiyak ko sayo na malilintikan ka sa aking lalaki ka!" "Talaga? Mas gusto nga kitang nakikitang nagagalit kasi doon mas lumalabas ang hitsura mo eh. Pero seryoso ako, mamaya ka na umalis kapag wala na ang parents ko. Sana naman maintindihan mo ako, wala naman tayong pasok ngayong araw. Sobrang badtrip ngayon sa akin si Dad. Kung maririnig mo lang ang mga sinabi niya sa akin kanina, panghihinaan ka ng loob," badtrip na sabi ko sa kanya. "Oo alam ko! Narinig ko ang lahat ng pag uusap ninyong mag ama bukas kaya naman kailangan mo talagang gawing motivation ang lahat ng mga sinabi niya sayo. Para naman sa bandang huli a