JENNY POV Grabe, hindi rin pala perpekto ang buhay nitong si Lester. Buo man ang pamilya niya at magkakasama silang lahat pero sobrang tindi naman ng pagsasalita ng kanyang tatay. Masakit din namang mag sermon ang tatay ko pero hindi naman ganito kasasakit na salita ang lumalabas sa kanyang bibig kahit na gaano pa siya kagalit. Mahina man ang utak nitong si Lester pero naniniwala naman ako na never siyang naging "bobo," kase wala naman talagang tao na ganito. Mas matatanggap ko pa sana kung sabihan niya ng tamad si Lester at puro tropa nito ang inaatupag niya. Kaya lang talagang yun pa ang term na ginamit niya sa kanyang anak. Siguro malungkot si Lester at ayaw niya na marinig ko ang mga masasakit na salitang binitawan ng kanyang tatay. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa papalap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books