JENNY POV Halos lahat ng mga kaklase naming babae ay nagpa picture sa kanya. Ako lamang ang hindi dahil feeling ko ay nakakahiya lang. Pagkatapos niyang pagbigyan lahat ng nagpapa picture sa kanya, naupo ito sa pinaka last row. Nagmistulan siyang center of attention ng mga students. In fairness naman kasi ang bango lang din ng perfume na gamit niya. Nakaka turn on. "Ang gwapo mo talaga Lester!" "Oo nga, sayang naman, bumagsak ka last sem." Dinig ko ang usapan nila kahit nakatalikod lamang ako dahil sa talas ng tenga ko. So Lester pala ang pangalan ng lalaking ito ha? Pero nagulat na lang din ako sapagkat bumagsak pala siya sa Communication arts. Ibig sabihin ba nito ay obob siya? Yung literal na pogi lang pero walang brain? "Ano bang magagawa ko eh sobrang busy kami sa dance competi