JENNY POV Nang matapos ang klase namin, 11:30 na nang umaga. Nagbigay lang ng maraming mga assignments. Sa cafeteria naman, habang mag isa akong kumakain, bigla na namang nagtilian ang mga students. Nang lumingon ako, si Lester ang dumating sa loob ng canteen na puro students ang lamang. Ngunit this time, wala siyang ibang tinitingnan kung di ako! Pero this time, hindi siya nag iisa, mayroon siyang tatlong kasamang mga lalaki. Nalunok ko tuloy yung kanin sa sama ng tingin niya sa akin. At nang lumapit siya, pinalakapakan niya pa ako habang seryoso ang mukha nito. "Tingnan mo nga naman oh? Mukhang may bago na naman akong pagtitripan dito sa school. Isang probinsya na bagong dating dito sa school at nagawa mo pang banggain ang pinaka sikat na student? Sa lahat pa naman ng ayaw ko, yun