Chapter 2

1550 Words
Carolline's POV NAGISING ako nang may tumapik sa balikat ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Nang pagkamulat ko ay nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. Nasa langit na ba ako? "Ma'am, gising na po. Nandito na po tayo." Narinig kong sabi ni Kuya Driver.  Akala ko nasa langit na kami.  Nang makasanayan ko na ang liwanag ay umayos ako ng upo. Tinali ko pa ang buhok ko na nagulo at saka lumabas ng kotse. Napanganga ako nang bumungad sa akin ang nagtataasang building. Napaliit ang mata ko nang basahin ko ang nakasulat sa labas. "Mckinley Hotel," basa ko rito. Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang hotel na tutuluyan ko ngayon. Ang swerte naman pala talaga ni Allen at nagkaroon siya ng condo unit dito. Humarap ako kay Kuya at sasabihin ko na sana na kukunin ko na ang gamit ko sa compartment, pero nasa labas na pala. Lumapit ako sa gamit ko at kinuha ito. "Thank you, Kuya. Ako na pong bahala sa gamit ko," nakangiti kong tugon. "Kaya niyo na po ba 'yan, Ma'am?" Tumango naman ako sa tanong ni Kuya. "Opo, diyan lang naman po 'yong condo unit ni Allen. Ako na pong bahala sa sarili ko, salamat po talaga. Puwede na po kayong umuwi, gabi na po, oh!" Sabay turo ko sa langit. Napatingin naman si Kuya at napakamot sa ulo. "Sige po, Ma'am. Salamat din po, mag-iingat po kayo." "Sige po, Kuya. Pakisabi na lang din po kay Allen na nakarating ako ng maayos. Drive safe po." Tumango naman si Kuya at pumasok na sa loob ng kotse. Hinintay ko pa siyang makaalis bago pumasok sa loob ng hotel. Pagkapasok ko ay may mga taong nagsitinginan sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Alam kong maayos naman ang itsura ko. Inayos ko pa ng konti ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko ang buhok na lumilipad sa may mukha ko.  Bakit pa kaya sila nakatingin sa akin? Nagagandahan ba sila sa akin?  Napangisi na lang ako sa naisip ko. Siguro ay ayon nga ang dahilan. Napahinto ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko at napanganga talaga ng todo sa mga nakikita ko. "Hindi ko alam na may mas gaganda pa pala sa labas." Napatingin ako sa malinis na pagkakaayos nito. May nakita pa akong grand piano sa gilid. May magandang chandelier rin sa gitna. "Wow!" namamanghang bati ko. Kahit siguro mahirapan ako rito sa Maynila, makakita lang ako ng ganitong tanawin araw-araw. Mawawala siguro lahat ng pagod ko. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may bumangga sa akin. "The heck?! Ang laki namang harang!" sigaw niya sa harapan ko at pinulot ang gamit niya na nahulog. Wow, ah! Siya na nga ang nakabangga, ako pa ang nilait niya. Tinignan ko naman ang sarili ko at 'saka ko siya tinignan. "Mas sexy pa nga ako sa'yo," bulong ko sa sarili. Inirapan niya muna ako bago naglakad palayo. "Psh! Akala mo naman ang ganda. Para namang clown sa sobrang kapal ng make up. Matapilok ka sana!" singhal ko. Napangisi naman ako nang matapilok nga siya nang tuluyan and worst nasira pa yata ang soot niyang sandals.  Iyan ang mahirap sa mga pandak, heels na lang talaga ang kakapitan para maging matangkad. Inalis ko na lang sa isipan 'yong babae at muli kong binalik ang atensyon sa paligid ko. Nang mangawit na ako kakatingin ay 'saka ko na hinanap 'yong elevator. Nang makita ko ay pumasok na ako agad sa loob nang bumukas ito, isasarado ko na sana nang may humarang na kamay. Napabukas ulit ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang lalaking bumaba sa langit para sa akin. Charot! Napatulala ako nang makita ang itsura niya. He's handsome, has attractive eyes, pinkish and kissable lips, and a pointed chin. Idagdag mo pa 'yong manipis na beard niya. Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Okay, aaminin ko na ang hot niya. Napalunok pa ako nang dumako ang paningin ko sa biceps niya. Yummy! Urgh! Erase. Ano ba itong iniisip ko? Kakarating ko lang dito sa Maynila ganito na kaagad ang nangyayari sa akin. Oh, tukso! Layuan mo ako. "What floor?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya. Kahit sa pagsasalita niya ang hot niya pakinggan. Napaka-husky ng boses niya. "What floor, Miss?" tanong niya ulit. Ano bang floor 'yong sinabi sa akin ni Allen? Bakit ngayon ko pa nakalimutan? Naman, e! Nilingon niya ako kaya napaatras ako ng isang hakbang. "Are you trying to ignore me?" "No. I---I forgot," mabilis kong sagot. Alalahanin mong mabuti, Carolline. Mapapahiya ka nito e.  "Floor eighteen," mabilis kong sabi nang maalala ko. "Tsk!" singhal niya at pinindot ang eighteen na button sa elevator. Napanguso naman ako. Ayon pala 'yong last floor dito. Ang taas naman pala ng floor na binili nilang unit para kay Allen. Tinignan ko na lang ang nasa paligid ko para mawala 'yong ibang atmosphere sa loob ng elevator. Tinignan ko ang reflection ko sa elevator. Hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako. Ayon ang sabi ng mga magulang ko. Nilagay ko pa ang konting buhok na nakatakip sa mukha sa may likod ng tenga ko. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag yata sa kaniya. "What?!" sagot niya sa tawag niya na siyang kinagulat ko. "Arianne, just what I've said earlier, I don't f*****g love you!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi siguro siya na-inform na may iba pa siyang kasama rito. "No, why would I? Seriously? Are you trying to insult me?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya at pinaglaruan na lang ang handle ng maleta na bitbit ko. "Psh! I'm not stupid, Arianne. I f*****g use a condom when I'm going to f****d you." Napatulala ako sa narinig. Bakit sa lahat ng maririnig ko, ito pa talaga ang nataon? "Don't you dare call me, again!" Napahugot ako ng hininga nang ibaba niya ang cellphone. "Crazy woman," bulong niya pa. Pinaypayan ko pa ang sarili ko nang maramdaman kong uminit ang paligid ko.  Bakit ba ganito? Urgh! Ang bagal-bagal naman kasi makarating sa eighteenth floor. Hinigpitan ko na lang ang kapit sa bag ko at hinihiling na sana makarating na ako sa floor na pupuntahan ko. Nang tumunog ang elevator ay doon lang ako nakahinga nang maayos. Buti na lang talaga at nakalabas na siya. Magsasarado na sana 'yong pinto nang makita ko na ito na pala 'yong last floor kaya mabilis kong kinuha 'yong maleta ko at lumabas na rin. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang red carpet. Oh, taray! Napatitig pa ako sa mga paintings na nakasabit sa dingding at sa mga designs nito. Puwede nang magtayo ng Art Museum dito. Paano na ulit? Saan na naman ako pupunta nito? "Aha!" Nang maalala ko 'yong condo unit na pupuntahan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay room thirty 'yon. Naglakad pa ako at sinilip 'yong kanan ko. Dito mag-uumpisa ang room one. Nagsimula akong maglakad, ang kailangan ko lang gawin ay tumingin pakaliwa at pakanan. Pagdating sa dulo nakita ko na hanggang room fifteen lang ito. Kaya inisip ko na baka nasa kabilang way pa ang room ko. Hinawakan ko na lang mabuti ang gamit ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa nilakaran ko. Nakarating ako sa elevator at dire-diretso lang ang lakad ko. Napatigil lang ako nang may nag-aaway na babae at lalaki sa hallway. Now, anong gagawin ko? Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko, 'yong may nag-aaway sa harapan ko. "Please, baby, come back to me, again. Okay?" Narinig kong sabi ng babae. Teka parang namumukaan ko siya. Siya 'yong babae na nakabunggo sa akin kanina sa baba. Kita mo nga naman. Sinu-suwerte ka naman talaga. "We're done!" matigas na sabi ng lalaking kausap niya. Lumapit pa ako ng kaunti at nakita ko ang mukha ng lalaki. Siya pala 'yong lalaki na nakasabayan ko kanina sa elevator. Napailing na lang ako. Napakagandang timing naman talaga ang dating ko rito. "Please, Francis, I will do everything. Just come back to me, baby," pagmamaka-awa ng babae at lumuhod pa talaga siya sa harapan ng lalaki. Tinignan ko naman ang lalaki at parang wala siyang paki-alam sa nakikita niya. Hindi ko na pinansin 'yong pag-uusap nila. Kaya ayoko munang mag-boyfriend dahil alam kong sa huli na magbe-break lang din naman. Wala kayang forever, duh! "Gwapo nga, fuckboy naman," bulong ko sa sarili. Napairap na lang ako sa hangin at kinuha ulit ang gamit ko para maglakad patungo sa kanila. Tsk. Doon kasi papunta ang room na tutuluyan ko. Narinig ko pa ang pag-iyak ng babae at pagmamakaawa nito sa lalaki. Pero ang tingin ko ay diretso lang. Ayoko talaga na may mga babaeng umiiyak dahil lang sa lalaki. Huwag kang titingin sa kanila, Carolline. Napasinghap ako nang may humila sa braso ko at huli na dahil yakap-yakap ako ng lalaki na kanina lang ay kasama ko sa elevator. "Where are you going, babe? Here is our room," bulong niya sa akin at 'saka hinalikan ako sa labi. Oo sa labi niya talaga ako hinalikan. And for the second time. Wala na ang first at second kiss ko this day. This f*****g day only. Tilang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang humiwalay siya sa akin at hinarap 'yong babae. "Arianne, meet my new girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD