Chapter 1

1059 Words
Carolline's POV                         SIMULA nang mamatay ang magulang ko ay napagdesisyunan ko na ring manirahan sa Maynila at doon na magtrabaho. Dahil nalugi ang trabaho nina Mommy at Daddy ay nawalan na ako ng pag-asa para dito pa manirahan sa Floresidad. Tatlong buwan pa lang nang mawala sila pero parang biglang bumagsak kaagad ang mga negosyo namin dito. Para mabuhay ay kailangan kong magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ko at para na rin mabayaran ang mga utang ng magulang ko. Simula kasi nang mamatay sila ay unti-unting nawala sa akin ang lahat. Hindi ko kasi in-expect na mangyayari na lang 'yon bigla. And for your information, sobrang bait ng mga parents ko kaya nalungkot talaga ako nang malaman na wala na sila. "Carolline, ready ka na ba? Aalis na tayo!" sigaw ng kaibigan ko na si Allen mula sa labas ng bahay. "Oo, sandali na lang!" sigaw ko naman pabalik. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang bahay namin. Pati ang bahay namin ay kailangan kong ibenta para naman mabawasan ang utang ng parents ko at madagdagan ang pera na gagamitin ko. Naglakad ako palabas ng bahay namin dala ang isang malaking maleta at bag sa likod ko. Hawak ko rin ang isang picture frame na kuha noong grumaduate ako sa college, kung saan kasama ko sa picture ang parents ko. Ito 'yong mga panahong kinuhanan kaming tatlo ni Allen. Nakalulungkot lang dahil ako na lamang ang natira at iniwan nila ako. Nakangiti nang sinalubong ako ni Allen pagdating sa kotse. Si Allen na kababata ko na siyang tumulong sa akin para maayos ang paninirahan ko sa Maynila. Pansamantala niya muna akong pinatuloy sa condo unit na iniregalo ng kaniyang parents sa Maynila. Doon siya madalas kapag lumuluwas para sa kaniyang trabaho. "Sure ka na bang sa Maynila na lang manirahan? Hindi mo alam kung gaano kahirap doon," pagsisigurado niya. Huminga naman ako nang malalim at tinignan siya ng diretso sa mata. Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Ano ka ba? Para namang hindi mo ako kilala. Alam mo namang gustong-gusto ko ang adventure sa buhay. Isa pa may pag-asang makahanap kaagad ako ng trabaho roon." "Kung gusto mo tutulungan na lang kita makapasok doon sa company ng pinsan ko sa Maynila." Ngumiti ako at tinapik muli ang balikat niya. Umiling ako sa sinabi niya. Gusto kong tumayo mula sa sarili kong mga paa. Noong buhay pa ang parents ko, nakadepende ang buhay ko sa kanila kaya ngayong wala na sila, sisikapin ko na lang mag-isa. "Ayos lang talaga ako. Gusto ko ring maghanap ng trabaho mag-isa nang hindi umaasa sa iba." "Lagi ka namang ganiyan, Carol. Alam mo namang nag-aalala lang ako sa'yo, 'di ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Kaya ko naman ang sarili ko, hindi ako magpapabaya. Don't be worry." Umiling na lang siya sa sinabi ko at niyakap ako nang sobrang higpit. Bigla namang pumatak ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan bago pa makita ni Allen.  "Mag-iingat ka roon," paalam niya sa akin.  "Mag-ingat ka rin. Tama na ang paglalaro sa mga babae," pagbibiro ko pa sa kaniya. "Kung sinagot mo na ako, edi matagal ko nang tinigilan 'yon," pagbibiro niya rin. "Tigilan mo ako, Allen," natatawang sabi ko na lang.  "Ewan ko ba sa'yo kung bakit hindi ka naniniwala. Palagi ko namang sinasabi sa'yo na seryoso ako na mahal talaga kita." Napa-irap na lang ako sa sinabi niya, kaya ayaw kong manatili rito dahil alam kong pipilitin niya ako pagdating dito. Lalo na at wala na sina Mommy at Daddy, may pagkakataon pa siyang manatili sa buhay ko. Pero hindi ko siya kayang papasukin sa puso ko. Lalo na at parang kapatid na rin ang turing ko sa kaniya.  "Aalis na ako at baka maabutan pa ako ng gabi," pag-iiba ko ng usapan. Napabuntong hininga na lang siya. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siyang aalis na talaga ako. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse at pinasok niya ang gamit ko sa loob ng compartment.  "Aalis na kami," paalam ko sa kaniya. Nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya pero wala na siyang nagawa pa para pigilan ako. Masyado nang buo ang desisyon ko sa bagay na ito. Tumango naman siya at nagpaalam na sa akin.  "Kuya, alis na po tayo," sabi ko sa driver nina Allen. Hindi na sumama si Allen dahil may trabaho pa siya rito na kailangang tapusin. Nag-drive naman na si Kuya kaya malakas akong napabuntong hininga.  Pero naramdaman kong huminto 'yong kotse nang kumatok si Allen sa bintana malapit sa inuupuan ko kaya napatingin ako roon at binuksan ko ang bintana.  Ano bang ginagawa ni Allen?  "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Hinihingal pa siya nang makalapit kaya napailing ako. Inilabas ko ang ulo sa bintana para makausap siya nang maayos.  "Mag-iingat ka, ah," paalala niya. Ilang beses niya na akong sinabihan ng ganiyan. Ginulo ko ang buhok niya na parang bata kaya napasimangot siya. Ayaw niya kasing ginagawa ko 'yon sa kaniya.  "Ang kulit-kulit mo ta---" Napatigil ako sa sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi.  My God! First kiss ko 'yon.  Napakurap ako ng ilang beses nang humiwalay siya sa akin. "Hehe, ang lambot ng labi mo, Carol," parang bata na sabi niya.  Okay, Carol, stay calm and act normal. Ngumiti naman ako sa kaniya. Napatigil lang ako nang ngumiti rin siya nang malawak.  Aba! May gana pang ngumiti pagkatapos niya akong halikan, ah.  "Palalagpasin ko 'to, Allen. Sabihin na lang natin na goodbye and thank you kiss 'yong nangyari," nakangiti kong sabi. Pinilit ko na huwag magalit sa kaniya dahil unang-una siya ang tumulong sa akin para makapunta sa Maynila.  Lalapit pa sana siya sa akin nang ipasok ko na ang ulo sa loob ng kotse at sinarado ang bintana kaya nakita ko ang pagsimangot niya.  "Baliw talaga," pailing-iling na sabi ko. Kumaway naman ako kay Allen and I mouthed bye to him.  "Mukhang gusto po talaga kayo ng amo ko, Ma'am." Bigla naman akong namula sa sinabi ni Kuya. Mukhang nakita niya pa ang ginawa sa akin ni Allen kanina.  "Naku po! Ganoon lang po talaga 'yon. Sige na po Kuya, alis na po tayo," nahihiyang tugon ko. Nagsimulang mag-drive si Kuya palayo sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar na minahal ko. Sa mga taong napalapit na rin sa akin kahit papaano.  Paalam, Baryo Floresidad. Hanggang sa muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD