EVELYN “Ako ang may problema, beshy. Natatakot kasi ako na baka iwan niya ako dahil bumalik na ang babaeng hinihintay niya.” sagot ko sa kanya. “Hindi mo ba kilala ang babaeng tinutukoy niya, beshy?” tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Hindi, sino ba ang hinihintay niya?” kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Besty, kasi ang hinihintay niya ay—” “Kilala mo ba siya? Kilala mo ba kung sino ang hinihintay niya?” tanong ko kay Reighn. “Ang hinihintay niya? Hindi ko rin alam,” sagot niya sa akin at umiwas siya ng tingin. Ang buong akala ko ay alam niya pero hindi rin pala. “Beshy, alam ko na hindi kayo okay ni tito pogi pero sumabay ka pa rin sa kanya papunta sa bahay ha? Para hindi ka na mahirapan mag-commute.” sabi niya sa akin. “Okay lang ba kung ituro mo na lang sa akin kun