EVELYN “Sh*t! Ikaw nga itong pinagseselos ko pero ako naman itong papatayin mo sa selos.” sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. “A–Anong sabi mo?” nauutal na tanong ko sa kanya. “Ang sabi ko—” “Sh*t! Pinapahirapan mo talaga ako,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat. “Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya dahil nabigla ako. “Mag-uusap tayo,” sagot niya sa akin. “Anon–” “Please,” mahinang sabi niya at patuloy lang siya sa paglalakad. “Anong nangyari kay Eve? Bakit karga mo siya?” tanong ni Allexha kay uncle. “Masakit ang paa niya. Ako na ang maghahatid sa kanya. Lance, ikaw na muna ang bahala kay Allexha.” sabi ni uncle. “Okay, prof.” nakangisi na sabi ni Lance. Kumindat pa siya sa akin kaya alam ko na may alam siya tungkol sa amin. Sig