EVELYN “Bastos!” sigaw ko at tinulak ko siya. Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. Hinalikan ba naman ako. Tapos ngayon ay ang ganda ng ngisi niya sa akin. Mabilis akong bumangon at lumapit sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko dahil mabilis kong sinuntok ang panga niya. Inis na inis na ako sa kanya. “Ouch! Nanakit ka na,” sabi niya sa akin. “At bakit hindi?! Bastos!” sigaw ko at hinahampas ko siya ulit. “Hinahayaan na nga kita sa mga trip mo pero ang saktan ako hindi ko na kayang palampasin.” sabi niya sa akin at naglalakad siya papalapit sa akin. “Ako pa ngayon ang nang titrip sa ‘yo. Ikaw nga itong nanghahalik. Bwisit ka talaga! Lumayo ka nga sa akin!” sigaw ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. Wala na akong choice kundi.. “Ouch! Nakadalawa