EVELYN “I miss you, love.” bulong niya sa akin. “Lagot ka sa akin mamaya.” pabulong rin na sabi ko sa kanya. “Love, gusto ko I miss you too ang sabihin mo.” “Tumigil ka nga d’yan.” saway ko sa kanya dahil baka mapansin kami ni papa. “Okay, behave lang ako. Pero mamaya hindi na,” sabi niya na alam ko na may ibang ibig sabihin. “Tsk!” asik ko sa kanya at lumayo ako ng kaunti. Mabuti na lang at hindi na siya dumikit sa akin. Napapagod na ako sa kakatayo kaya naman umupo na lang ako. Hinayaan ko na lang si William na makipag-kwentuhan doon kasama ng papa ko. Wala akong choice dahil makakatabi ko na naman si bruhang Sanna. Minsan talaga nagiging bastos na lang ako dahil ang sama rin talaga ng ugali niya. Gusto ko na ngang itanong kung talaga bang pinsan ito ng papa ko. Hindi talaga ka