EVELYN “Mga anak, mga apo may ipapakilala ako sa inyo. Si Eve ang—” “Sino po siya, mamita?” cute na tanong ng isang bata. “Hi, tita.” nakangiti na lumapit sa akin si Cathriona. “Tita? Bakit po tita ang tawag mo sa kanya, ate?” tanong pa ng isang bata tapos may ibinulong naman si Cathriona sa bata. “Really?” nakangiti na sabi ng bata at lumapit siya sa akin. Nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Hindi naman siya talaga bata. Sa tingin ko ay 10 years old na siguro siya. Gwapo siyang bata, actually may isa pang bata na gwapo rin kamukha niya. Kaya sa tingin ko ay kakambal niya.” “Hi, tita. Ako po pala ang anak ni Daddy William. Ako po si Adler,” pakilala niya sa akin kaya naman nagulat ako. “Hi,” tipid na bati ko sa kanya. “Ako naman po si Raleigh. Kambal po kami ni