EVELYN “What happened?” tanong sa akin ni uncle paglabas ko pa lang sa room ng mommy niya. “Wala naman, nagpasama lang sa akin si Mama.” sagot ko sa kanya. “Umiyak ka ba?” nag-aalala na tanong niya sa akin. “Napuwing lang ako, love. Sige na balik ka na doon.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Are you sure? Are you really okay?” “Masyado kang nag-aalala sa akin.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Of course,” sagot niya sa akin. “Mahal kita,” mahina pero malambing na bulong ko sa kanya. “Mahal na mahal rin kita, love.” sabi niya at niyakap niya ako pero nang makita ko si Allexha ay tinulak ko siya palayo sa akin. “Why?” nagtataka na tanong niya sa akin. Ginamit ko ang mga mata ko para ituro ang ex niya. Kaagad naman niyang kinuha kaya medyo natawa ako dahil kaagad na kumunot ang noo