CHAPTER 28: Let's Get Married

2717 Words

Eunah Hindi rin nagtagal ay bumalik si Sir Damiel na may dala nang ointment. "Ikaw na ang maglagay niyan." Ipinatong niya ito sa ibabaw ng mesa bago muling lumapit sa lutuan. Nakabusangot na naman siya. "Gamot 'to, Daddy?!" Dinampot naman ito ni Eunice. "Magaling na sa kiss sugat ni Mama, Daddy! Kiss mo ulit 'yan. Kiss mo ulit 'yan, Daddy!" Napalingon naman sa kanya ang ama niya bago muling tumingin sa akin. "Ahm..." Kaagad kong nilapitan ang anak namin at kinuha sa kanya ang ointment. "O-Okay na 'to, anak. Hindi na masakit. Lalagyan na lang ni Mama ng ointment para mawala na ang pamumula." "Magaling na po 'yan, Mama?" "Opo." Naupo na rin ako sa silya at binuksan ang ointment. Pinahiran ko nito ang mga lapnos ko sa balat. Mahapdi pa talaga siya pero hindi na kailangan pa ng halik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD