Eunah "Sa tingin ko ... hindi na ako karapat-dapat pa ngayon sa pagmamahal mo," mahinang turan ko sa kanya. "Hindi na ako bagay sa iyo ngayon, Walter." Babawiin ko na sana mula sa kanya ang kamay ko, ngunit humigpit lamang ang pagkakahawak niya dito. Kasalukuyan na kaming nakaupo dito sa isang bench at pinanonood ang aking anak na ngayon ay nakahanap na ng mga bagong kalaro. "May dahilan kung bakit pinagtagpo tayong muli" sagot naman niya. "Sinusubok lang ng tadhana ang pagmamahal ko para sa iyo... At tanggap ko anuman ang nangyari... Mahal pa rin kita, at kaya kong kalimutan ang lahat." Muli akong napahikbi sa sinabi niya. "Paano mo magagawa 'yon? May anak na ako, Walter, at kamukhang-kamukha pa niya ang kanyang ama. Ayokong ipasa sa iyo ang responsibilidad na dapat ay ang ama niya a