I am destined to be with the dark king? And why?
Magtatanong sana ulit ako nang biglang dumilim ang paligid ang lumakas ang hangin.
Taranta akong napatingin kay grandpa.
“What’s that?!”
Ngumiti siya. “The Goddess of Prophecy, Brigantia is here.”
Napakunot ang noo ko at napatingin kay Seven para magtanong sana. Nang biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng silid kung nasaan kami ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na isang magandang babae na may mahabang buhok.
Nakita ko ang pagtayo ni Grandpa at binati ang babae.
“Nagagalak akong makita ka ulit, Brigit.” Nakangiting sabi ni Grandpa.
Seryosong tumango ang babae at napabaling sa akin.
“Is she the daughter of Celestia?” tanong nito.
Napatango si grandpa at sinulyapan ako bago muling bumaling sa babae at seryoso itong tinignan.
“What are you doing here, Brigit? The last time you visit my kingdom is when we had a war against Ravenia.”
“Because there will be another war, Herumos.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Grandpa.
Another war? Against what? Against the Ravenia again?
“When? Are you sure about that, Brigantia?” seryosong tanong ni Grandpa.
Napasulyap ako kay Seven nang lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
“Let’s go, Princess. We should get out here and give them privacy.” Mahinang sabi niya.
Mabilis kong inalis ang kamay niya sa aking braso at umiling.
“No. I need to know about the war.”
Umismid si Seven at walang nagawa kundi payagan ako.
Muli akong nakinig sa pag-uusap nila grandpa at ng babae.
“The princess is the only one who can kill the dark king.”
Nanlaki ang mga mata ko nang mabanggit ako ng Goddess of Prophecy.
Alalang napasulyap sa akin si Grandpa at mabilis na umiling.
“No! I don’t want my granddaughter to be involve in this war.”
“Its in the prophecy, Herumos, and you cant change it.” Sabi nito at ngumisi.
Bumaling sa akin ang babae at nginitian ako.
“Find the Silver sword of the late king Sharur. You will get your answers if you find that sword.” Sabi ni Brigantia at naglaho nalang ng parang bula.
Ilang minuto akong napatulala at napatingin sa aking grandpa na nakaupo na ngayon sa kanyang trono habang nahimik na nakatingin sa malayo.
Bahagya akong lumapit kay grandpa at nagtanong.
“What is the Silver Sword of late King Sharur, Grandpa?”
Napatingin siya sa akin. “It’s the powerful sword of the first king of the world of Adalan. He defeated the dark magic just using of his sword. But when he defeated his enemies, he also died. But he died a hero the world of Adalan became peaceful. Not until the son of the dark king appeared and continues his fathers doing.”
“Then, lets find that sword!”
“Aislinn…” rinig kong sabi ni Seven.
“No.”
“But, Grandpa!”
“I said no, Aislinn Calista!” sigaw ni Grandpa.
“And why? Sinabi na kanina ni Brigantia diba na ako lang ang makakatalo sa dark king? You should help me to do that!”
“No. I don’t want you to be involve in this problem, apo.”
Napailing ako. “I don’t understand. You want me to know this world and act like a princess then why you don’t want me to help you and this kingdom and the whole Adalan?!”
“Because I don’t want to lose you! Ikaw nalang ang natitira sa akin, Apo. Ayokong pati ikaw mawala sa akin.”
Hindi ko mapigilang maging emosyonal nang makita ko ang pagpatak ng luha ni Grandpa. Mabilis niya din itong pinahid at huminga ng malalim.
“Go back to your room and get some sleep. Ako na ang bahala sa problemang ito.”
Lumapit sa akin si Seven at sinamahan na ako pabalik sa aking kwarto.
Bago ako pumasok ay nagsalita siya na nagpatigil sa akin.
“Saan ka galing?”
“H-Huh?”
“Alam kong umalis ka sa palasyo kanina, Princess. Saan ka nagpunta?” malamig niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin at napalunok sa aking laway.
“Basta. Gusto ko lang mapag-isa kanina. Hindi naman ako pumunta sa malayo, sa tabi-tabi lang.”
Tumango siya. “Okay. Sleep well.” Sabi niya at umalis na.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay napahawak agad ako sa aking dibdib sa kaba.
Dapat sa susunod ay maging maingat na ako sa aking pagtakas. Para hindi na ako mabuking kagaya ng nangyari kanina sa amin ni Seven. Buti nalang hindi niya alam na sa Forbidden Forest ako pumunta.
Buong umaga akong pinasyal ni Ilaria sa palasyo at pinakilala sa mga nagtatrabaho dito sa palasyo. Free time ko sa hapon kaya maingat ulit akong tumakas at bumalik sa forbidden forest para dalawin si Callum.
Napangiti ako nang makita ko ito sa entrance ng forbidden forest. Ngumiti siya ng makita ako at sabay na kaming naglakad papunta sa bahay niya.
“Are you okay?” napatingin ako sa kanya.
“Okay lang naman…”
Nandito kami sa labas ng bahay niya. May maliit na upuan dito sa labas at maraming mga halaman.
“You’re not okay.” Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin.
Napatingala ako at huminga ng malalim bago siya tinignan.
“May problema kasi sa palasyo.”
Tumango siya habang nakatingin parin sa akin.
“Its okay if you cant say the details about the problem. I’m just here listening to you.” Nakangiti niyang sabi.
“Do you have an idea about the silver sword of late king Sharur?” tanong ko kay Callum.
Napakunot ang noo niya at tumango.
“Yeah. Tinuruan kami niyan noon sa paaralan. Why are you asking about that?”
“The Goddess of Prophecy visited our kingdom yesterday. She said I should find the sword to answer all my questions.” Sabi ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.
“Nakipagkita si Brigantia sa inyo?” hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango ako.
“Kilala mo siya?”
Napakurap siya at napatango.
“Nabanggit ng professor namin noon.”
Napanguso ako at napakagat sa aking labi.
“Taga saan ka nga pala, Callum? Hindi ko natanong kahapon. Are you an Avalonian?”
Napaiwas siya ng tingin at matagal sinagot ang aking tanong.
“I’m from Ravenia.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“W-What?”
Nakita ko ang pagkataranta niya.
“I came from Ravenia but I left. I don’t want to be a villain. Gusto kong mamuhay ng tahimik. Hindi ko gusto ang ginagawa nila, ang pagsakop ng iba’t ibang villages at pumatay ng mga inosenteng nilalang.” Mahinang sabi niya at napayuko.
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
Napatingin siya sa aking mga mata.
“You’re not a bad guy, Callum. Hindi ka katulad ng ibang Ravenian na walang ibang ginawa kundi pumatay ng mga inosenteng nilalang.” Nakangiti kong sabi at hinawakan ang kanyang pisngi.
Namungay ang kanyang mga mata at nakita ang pagtitig nito sa aking mga labi. Napalunok ako sa aking laway at napatingin rin sa kanyang mapulang labi.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at ako na ang humalik sa kanya.
Mabilis niya rin akong hinalikan pabalik at hinigit ang aking beywang at mas nilapit pa ako sa kanya.
Tumigil siya sa paghalik sa akin at sinandal ang noo sa aking noo.
“Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” mahina niyang tanong.
Mahina akong umiling habang nakatingin parin sa kanya.
“Gusto mo sa loob ng bahay ko natin ito ipagpatuloy?” mapang-akit niyang sabi.
Napakagat ako sa aking labi at napangisi.
“I like that.”
Ngumisi siya at hinalikan ako pabalik.