Di niya maiwasang di masaktan lalo at labis siyang nagseselos sa kung sinumang Chandra na tumawag dito. Kung siya si Sweetheart may baby naman ang lalaki. Baka may honey pa, di niya lang alam. "Pa sweet sweet pa, may baby naman palang iba!" Himutok ko. Nilock ko nalang ang pinto ng aking silid, at pinilit na matulog sa kabila ng sakit na nadarama ngayon. Nang magising siya kinabukasan ay nasa kusina ang lahat maging ang lalaking mapanakit, di niya namalayan na nakabalik na ito. At wala siyang balak na kiboin ito. Kaya di niya ito kinibo at sinulyapan man lang. Masama ang loob niya dito lalo at di naman ganun kadaling kalimutan ang ginawa nito sa kanya. "Morning sweetheart," bati nito sa kanya. Pero di siamya sumagot, kumuha lang siya ng tinapay at kape. Umupo siya sa upoang malayo sa la