Bahagya pa siyang napaigtad ng maramdaman ang pagyakap ni Red sa kanya. Nauna siyang pumasok sa kanyang silid, nakaligo na din siya. Di rin halatang excited siyang mabinyagan ang bago nilang kama. Nakapamintana siya ngayon at nakapatay na ang ilaw nila. Nakasarado ang kalahating bahagi ng bintana, pero nakikita niya ang tanawin sa labas lalo na ang kabayanan. "A penny of your thoughts? Iniisip mo parin ba kung saan ko itinago ang sulat? Here binabalik ko na. Gusto ko sanang i keep pero baka di mo ako patabihin na matulog ngayong gabi." Nakangising sabi pa nito sa kanya. Naramdaman niya ang paglagay nito ng papel sa kanyang palad. Inis na hinampas niya ito. "Binalik mo nga pero binasa mo muna!" Inis kung singhal dito. Tatawa tawa naman siya nitong iniharap dito, niyakap at hinalikan sa