Tumikhim muna ako, bago ko muling ibinuka ang aking bibig. "Mr. Galven. Ganito kasi iyan. . . hindi pa kasi ako handa sa mga ganyang bagay. Puwede bang huwag muna ngayon?" alanganing paki-usap ko sa lalaki. At medyo pinalungkot ko ang mukha ko. "No! Ang gusto ko ay ngayon na. At walang puwedeng humadlang sa akin, kahit ikaw pa iyon, Icel!" "P-Puwede naman haplusin mo muna ng kamay mo kapag tumindig na siya. Puwede ring himas-himas na lang muna," nakangiwing sabi ko rito. Jusko po! Ano ba iyong mga pinagsasabi ko? "What? Himas-himas?!" "Ah. . . Eh. . .wa-wala. Ang sabi ko. ay. . . himas-himasin mo muna ang iyong kakambal baka kasi natutulog pa," abnormal na sabi ko. Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Leo, dahil sa mga kabaliwang pinagsinabi ko. Hanggang sa tuluyan na akong ma-corn