YUMI is anxiously waiting. Katatapos lang niyang magluto sa mga oras na iyon. Naroon siya sa townhouse niya at kasalukuyang naghihintay. She’s getting really impatient at the moment. Gusto na niyang hilahin ang bawat segundong tila biglang kaybagal na dumadaan.
At long last, after almost a month of waiting. Mikee finally called her this morning. Biglang natunaw ang kanyang tampo sa nobyo nang marinig muli ang boses nito. Nasa restaurant siya noong tumawag ito at sinabing magkita sila doon sa townhouse niya. Kaya naman nagpaalam siya sa kaibigan na si Mylene at umalis ng maaga. Pagkatapos ay dumaan sa supermarket at bumili ng ingredients. At pagdating doon ay agad nagluto. Ayon sa nobyo ay darating ito ng alas-siyete ng gabi, pero mag-aalas nuwebe na ng gabi ay wala pa ito. Malamig na ang pagkain na kanina pa niya hinanda, inaantok na rin siya. Si Diane na kanyang caregiver ay panay ang tanong kung kumusta siya. She’s been her personal nurse for the past seven years. Sa paglipas ng panahon ay na-develop ang relasyon nila bilang magkaibigan. Mabait ito at talagang alaga siya. Kasama ni Yumi sa lahat ng oras, kahit saan. Pagpasok nito sa umaga ay regular nitong chine-check ang kanyang blood pressure. Ito rin ang naghahanda ng kanyang mga gamot. Puwede naman wala siyang private nurse, pero para sa ikapapanatag ng pamilya niya, pumayag na rin siya. Sa kondisyon ni Yumi, maaari siyang atakehin sa puso ano man oras. Natatakot ang pamilya niya nab aka bigla siyang atakehin kapag nag-iisa siya o kaya naman ay nagda-drive. That’s how her family are scared of her health condition. Pero may mga pagkakataon na iniiwan siyang mag-isa ni Diane, kung personal ang lakad niya, gaya ngayon. Magkikita sila ng boyfriend niya. Samantala, ang Kuya Aya naman niya ay panay na rin ang text kung anong oras siya uuwi.
Nasa ganoon pag-iisip siya nang marinig na may kumatok mula sa labas. Halos mapalundag siya sa kinauupuan at mabilis na lumapit sa pinto. Halos maiyak sa tuwa si Yumi nang pagbukas ay tumambad sa kanya ang nobyo. Pagpasok nito sa loob ay agad nitong ni-lock iyon ang pinto at niyakap siya ng mahigpit.
“I missed you,” malambing na sagot niya.
“I missed you too.”
Nang maghiwalay sila nito ay agad niyang hinila ang mukha nito palapit at hinalikan ito sa labi. Hindi naman siya binigo ni Mikee at gumanti ito ng halik sa kanya. Nang sandaling iyon ay napawi ang pangungulila niya sa nobyo ng isang buwan. Napunan ng halik at yakap nito ang mga araw na hindi sila nag-uusap at magkasama.
“Bakit ang tagal mo? Ang akala ko seven nandito ka na? Lumamig na tulog ‘yong pagkain.”
Ngumiti sa kanya si Mikee at hinaplos ng daliri ang pisngi niya.
“Sorry, sa Cavite pa ako galing. Birthday kasi noong isang business associate ko, nahirapan ako magpaalam saka kasama ko kanina si Mommy, hindi ko alam paano ako makakalusot. Nakaalis lang ako noong makauwi kami sa bahay dahil nakatulog agad siya.”
“It’s okay, ang importante nandito ka na. Nagugutom ka na ba? Sandali ima-microwave ko lang ‘yong pagkain.”
“Okay.”
Nagmadali siyang pumunta sa kusina at ininit ang pagkain. Habang si Mikee naman ay hinubad ang suot na jacket bago sumunod sa kanya sa kusina. Napangiti si Yumi at kinilig nang yumakap ito sa kanya mula sa likod.
“Kumusta ka na? How’s your check-up? May improvement ba sa lagay ng puso mo?” tanong pa nito.
“Nah, ganoon pa rin. But I feel a lot better now. Basta wala lang excessive physical activities, then, I’ll be fine.”
“Huwag mo akong masyadong isipin, ha? Alam ko malaki na ang atraso ko sa’yo, hayaan mo isang araw ay makakabawi rin ako. Let’s go out of town, iyong tayong dalawa lang. Nakatago kasi ‘yong phone na ginagamit ko pang-contact sa’yo, mahirap na, baka makita pa ni Mommy ang pangalan mo, mabuking tayo.”
Nakaramdam si Yumi ng disgusto sa huling sinabi nito.
“Eh ano naman? Eh ano kung may makakita sa pangalan ko?” masama ang loob na tanong niya dito sa kanyang isipan.
“I only have three hours, kailangan ko rin bumalik sa bahay dahil tumakas lang ako. Baka hanapin ako ni mommy in case magising ‘yon,” dugtong pa nito.
Bumuntong-hininga si Yumi. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Daig pa niya ang may kasamang menor de edad. Para silang mga teenagers na tinatago ang relasyon sa magulang, takot na mabuking, kailangan pa tumakas at magtago para lang sila magkita. Asang-asa siya na kahit paano ay matagal silang magkakasama.
“Ang bilis naman, kailan ulit tayo magkikita n’yan?” nagtatampong tanong niya.
Dahan-dahan pinaling ni Mikee ang mukha niya at ngumiti.
“Alam mo naman ang sitwasyon ko kay Mommy, di ba?”
Muli na naman siyang huminga ng malalim.
“Mikee, hanggang kailan mo ba ako itatago? Ano? Ganito na lang tayo? Patakas magkikita? Hanggang kailan ka matatakot sa Mommy mo? Iparamdam mo man lang sa akin kahit na paano na gumagawa ka ng effort para panindigan ako sa Mommy mo.”
Nakita ni Yumi kung paano natigilan ang nobyo sa kanyang sinabi. Hindi ito kumibo at sa halip ay umiwas ng tingin. Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito at pumihit paharap.
“Kilala mo ako, hindi ako demanding na tao. Marunong akong tanggapin ang mga bagay na hinahain lang sa harap ko. Simple lang ang hinihiling ko sa’yo, na kung talagang mahal mo ako, ipakita mo sa akin na kaya mong ipaglaban ang relasyon na ‘to. Because you know what I’m thinking to be honest? Pakiramdam ko ano man oras ay mawawala ka na sa akin? Why? We barely see each other. I barely know what’s happening in your life. Ni hindi ko nga alam na nasa Australia ka na pala at nakatanggap ka ng award. Because ordinary boyfriend will at least let his girlfriend know the good news,” puno ng sama ng loob na bulalas ni Yumi habang umiiyak.
“Alam mo, sigurado ako, kapag nalaman ng Mommy mo na tayo pa rin
hanggang ngayon at pinapili ka niya. Sigurado akong hindi ako ang pipiliin mo. Dahil hangga’t hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paa at magkaroon ng sariling desposisyon sa buhay, habang buhay ka nang ganyan.”
Hinintay niyang sumagot ang nobyo pero nanatili itong tahimik.
“Yumi, I… I’m sorry. A-About sa award, na-naging busy kasi ako, na-nakalimutan ko nang sabihin sa’yo. Sa-saka alam mo naman na… ako lang ang karamay ni Mommy.”
Hinawakan niya ito sa pisngi at inangat ang mukha nito para magtagpo ang kanilang paningin.
“Do you still love me?” may tampong tanong niya.
“Oo naman. I love you, wala naman nagbabago doon.”
“So, tell me honestly, Mikee. Do you have plans in marrying me?” lakas-loob niyang tanong.
Natigilan si Mikee at hindi nakakibo. Muli itong umiwas ng tingin.
“Yumi, I… hin-hindi ko pa naiisip ‘yan. Ah, alam mo naman busy ako sa negosyo. S-Saka ma-mahirapan akong magpaalam kay Mommy.”
Yumi sighed in frustration. Pero mayamaya ay niyakap siya ng mahigpit ni Mikee.
“Mahal na mahal kita, Mayumi. Kahit ganito ako, sigurado ako na mahal kita.”
Hayun na naman ang kanyang puso, muling humina at bumigay matapos ang ilang salita ni Mikee. Nang muli nilang tinignan ang isa’t isa, hindi tumanggi ang dalaga ng halikan siya sa labi. Agad niyang niyakap ang dalawang braso sa leeg nito at tumugon muli sa halik sa nobyo.
“GOOD morning,” bati sa kanila ng bagong Doctor na magiging private physician niya simula sa araw na iyon, ang kapalit ni Doctor Paez.
“I’m Doctor Carlo Francisco De Luna, I’ll be your attending physician starting today.”
Ngumiti si Yumi sa lalaki at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
“Nice to meet you, Doc. I’m Mayumi Santillan, you can call me Yumi. And this is my brother, Aya. And my nurse, Diane.”
“Nice to meet you, Doc,” sagot naman ni Aya at nakipagkamay din kay Carlo.
“Hello po, Doc,” bati naman ni Diane.
“Have a seat,” sabi pa nito.
Naupo silang magkapatid sa harap ng mesa nito. Saglit pa silang naghintay dahil may binasa pa ito sa kanyang medical records.
“Ah, Doc, may nabanggit po ba si Doctor Paez sa inyo tungkol sa heart donor ni Yumi?”
Bumuntong-hininga ang doctor. “Ah yeah, he mentioned that. At base sa last check ko, wala pa rin heart donor na nagma-match para kay Yumi.”
“Doc, kailan kaya sa tingin ninyo magkakaroon ng heart donor? We’ve been waiting for years. Habang tumatagal ang paghihintay ko, pakiramdam ko paigsi ng paigsi ang buhay ko. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko.”
Ngumiti sa kanya si Doctor De Luna. “I know and I understand. Pero sa ngayon, wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay. Habang naghihintay, just make sure to take extra care of yourself. Sa ngayon, ipagpapatuloy lang natin ang regular check-ups mo para mamonitor natin ang puso mo.”
Malungkot na pilit ngumiti si Yumi. Simula nang malaman niya na may sakit siya sa puso, sa kabila ng lahat ng iba’t ibang klaseng paraan ng panggagamot sa kanya, walang umubra sa mga iyon. That’s why Doctor Paez came to his last resort, a heart transplant. And she’s been waiting for a donor that will match her for the past three years. Hanggang ngayon ay wala pa rin heart donor na dumarating. Minsan, nauubusan na ng pag-asa si Yumi. Hangga’t hindi napapalitan ang kanyang puso, pakiramdam niya ay nakalibing sa hukay ang isa niyang paa, na ano man oras ay maaari siyang hilahin.
“Hanggang kailan ako maghihintay, doc?” tanong niya.
“Good things come to those who wait, Yumi. Magtiwala lang tayo.”
Huminga siya ng malalim at tumango.
“So, shall we proceed to the test?”
“Okay po.”
Habang ine-examine siya ng bagong doctor. Napansin ni Yumi ang guwapong mukha nito. Nakita na niya kanina na guwapo itong si Doctor Carlo De Luna, pero hindi akalain ni Yumi na mas guwapo pa ito lalo sa malapitan. His hazel brown eyes are mesmerizing, his eyelashes are unbelievably long, at medyo makapal din ang dalawang kilay nito. May katangusan din ang ilong nito at mapula na natural ang mga labi. Bagsak ang buhok nitong kulay itim at cleam cut ang gupit niyon. Kanina nang tumayo ito, tantiya niya ay nasa five-eleven ang height nito. Mas mataas ng konti kay Mikee. He has a slightly fair skin, pero mas maputi pa rin siya.
Isa pang napansin niya ay bagay dito ang suot nitong scrub suit at ang kulay puti na long lab coat nito. May nakasabit din stethoscope sa leeg nito. Ever since, Yumi thought that doctors are always cool. And yes, Carlo De Luna is one hell of a handsome doctor. Lihim siyang natawa sa sarili dahil mukhang may crush pa yata siya sa bago niyang physician. Tiyak na magseselos si Mikee kapag kinunwento niya dito ang totoo.
Dahil kanina pa siya abala sa pagtitig sa guwapong mukha ng Doctor na ito, hindi niya namalayan na may sinasabi pala ito. Kung hindi pa nito sinalubong ang tingin niya ay hindi pa siya matatauhan. Pakiramdam ni Yumi ay tumalon ng konti ang kanyang puso nang ngumiti ito at umabot iyon sa magandang mga mata nito. Bigla tuloy siyang nagpalpitate.
“Miss Santillan, ang sabi ko hinga ng malalim,” sabi pa nito habang nakalapat na ang stethoscope sa dibdib niya.
Agad siyang bumawi ng tingin at saka tumikhim saka sinunod ang sinabi nito. Mayamaya ay kumunot ang noo nito.
“Do you feel any discomfort? Nakakahinga ka ba ng maayos?” tanong pa nito.
“P-Po? Y-Yes doc, okay naman ako.”
Matapos i-check ang puso at ang pulse rate naman niya ang tinignan nito.
“Your palpitating,” sabi nito.
Umiwas siya ng tingin. Siyempre, hindi sasabihin ni Yumi na kaya siya nagkakaganoon ay dahil dito.
“B-baka pagod lang po ako,” sagot niya.
Tumango-tango ito. Pagkatapos ay pinabalik na rin siya sa kinauupuan niya.
“Take a rest first on the sofa, before we proceed to the other tests,” sabi pa nito.
“Okay po,” sagot niya.
Matapos ang lahat ng tests niya ay naghintay na sila doon sa cafeteria. Nauna nang umalis si Aya kanina matapos kausapin ang Doctor niya dahil kailangan pa nitong bumalik sa opisina. Kaya sila na lang ni Diane ang naroon para hintayin ang resulta ng check-up niya.
“Kaloka ka kanina, titig na titig ka kay Doc,” natatawang puna nito sa kanya.
Tumawa lang siya. “Eh ang pogi eh.”
“Crush mo?”
“Crush? Hmm… hindi naman, naguwapuhan lang ako.”
“Naku, baka mamaya magselos si Mikee.”
Nagkibit-balikat siya. “Well, as if naman may panahon magselos ‘yon, sa akin nga wala siyang time, magselos pa kaya.”
“Sabagay. Eh kung si Doc na lang jowain mo? Mukhang wala pang asawa eh, wala pang suot na singsing sa kaliwang kamay eh. At least siya, maaalagaan ka, busy man siya, pero hindi to the point na halos hindi na kayo nagkikita.”
“Grabe ka, parang ganoon kadali. Mahal ko si Mikee, okay?”
Tumawa lang ito. “Hindi joke lang.”
“Nangako naman si Mikee sa akin eh, pagkatapos nitong project nila at promotion nila. Kakausapin na niya manager niya tungkol sa amin.”
Napailing si Diane. “Alam mo, sorry ha, pero I’ll be honest with you, since hindi na lang naman nurse at pasyente relasyon natin. Magkaibigan na rin tayo. Pero hindi na ako naniniwala sa sinasabi ng boyfriend mo. Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan sa kanya? Ilang beses na rin niyang sinabi na kakausapin ang manager niya, kesyo tatapusin lang ‘yong movie o serye niya tapos ipapakilala ka na niya. Guess what? After three years, ganyan pa rin kayo. Secret jowa pa rin ang labas mo.”
Natawa lang siya. Palagi nitong sinasabi iyon sa kanya. Si Diane at Mylene ang naiinis kay Mikee para sa kanya. Siguro ay talagang mahal niya si Mikee dahil kahit na paulit-ulit na itong sumisira sa pangako, palagi niya pa rin naiintindihan. Sabi nga sa kanya ng dalawang kaibigan ay martir na daw siya masyado.
“Ganoon talaga, it’s the price I have to pay for dating a famous celebrity.”
Hinawakan siya ni Diane sa kamay.
“I’m saying this because I want to prepare you and your heart for the possible things to happen. Ang ibig kong sabihin, ayokong umasa ka. Expect that this kind of relationship will not work out. Ayokong mabigla ka kapag dumating ang araw na sabihin niya na gusto na niyang makipaghiwalay. Mas mahalaga ka sa amin.”
“Thank you, Diane. I will remember that. But really, I’m okay, we’re okay,” nakangiting sagot niya. We’re okay. Hindi maintindihan ni Yumi kung bakit ang dating ng salitang iyon ay para bang kinukumbinsi na lang niya ang sarili na, oo maayos ang relasyon nila, walang problema. Mikee and her are okay. They will be fine. Muli siyang napalingon kay Diane nang tapikin siya nito ng marahan sa braso.
“Yumi, you deserve someone better. Iyong lalaking kaya kang alagaan at bigyan ng oras. Iyong lalaking kaya ka ipagmalaki sa lahat. Iyong lalaking mamahalin ng husto. You deserve that kind of man. You deserve that kind of attention. You deserve that kind of love.”
Pinilit niyang ngumiti at tumango. “Thank you.”