Chapter 1

2966 Words
SEVEN YEARS AGO. It was a fun-filled day. Lahat silang magkakapatid ay naroon lahat sa bahay. Their eldest sister, Amihan, came back from Netherlands. Kumpleto silang pito ngayon weekend. Hindi nag-schedule ng lakad ng barkada nila ang nakakatandang kambal niyang mga Kuya. Gayundin silang Quadruplets. At kapag ganoon, palagi silang nagkakayayaan na mag-bonding. For today, they have decided to have a swimming party! And of course, siya, si Mayumi Santillan, ang pinaka-bunso at chef sa pitong magkakapatid. Sa kanya naaatasan ang pagkain. Yumi prepared her siblings’ favorite foods. Siniguro niyang masarap ang mga iyon bago siya naki-join sa party ng mga ito. They are bunch of men and women in the mid-twenties, partying and going crazy like kids on their pool. Nariyan tatalon ang Kuya Aya niya. Pagkatapos ay kinarga siya ng kanyang Kuya Migs, ang kakambal ni Aya, at sinama siya nito sa pagtalon sa swimming pool. O kaya naman ay magtutulakan ang tatlo pa niyang kakambal na si Laya, Lia at Ikah sa pool. Habang ang Ate Amihan ay tumatawang pinapanood sila habang nakaupo sa lounge chair. Napuno ng malakas na tawanan at sigawan ang buong pool area nila. “Mga anak, umahon na muna kayo’t kumain. Lumalamig na itong mga pagkain na niluto ni Yumi,” tawag sa kanila ni Manang Yoli, ang Mayordoma at isa sa nag-alaga sa kanilang magkakapatid. Agad silang sumunod at nagsiahon mula sa tubig. Habang nagpupunas ng katawan at buhok. Napansin ni Yumi na tila nagkukulay asul ang dulo ng kanyang mga daliri. Ang totoo, ilang araw na niyang napapansin iyon, pero binabalewala lang niya. Ang akala niya ay may nahawakan lang siyang kung ano na kumulay sa kanyang kamay, pero bakit parang hindi iyon natatanggal? Sumalampak ng upo si Yumi sa isang bakanteng silya. Sumandal siya doon at pumikit nang maramdaman na parang napagod siya. Napapansin na niya iyon sa sarili nitong mga nakaraan araw, madali siyang mapagod, bukod doon ay mas mabilis sa normal ang t***k ng kanyang puso. Is she having too much coffee these days? “Yumi, are you okay?” narinig niyang tanong ng kanyang Kuya Migs. Agad siyang dumilat at mabilis na tumango sabay ngiti. “Oo, ang dali ko lang mapagod nitong mga nakaraan araw,” katwiran niya. “Kumain ka na tapos magbanlaw ka na para makapagpahinga ka,” utos ng Kuya Aya niya. “Okay,” sagot ni Yumi. Habang kumakain, napansin niya na nakatitig sa kanya ang panganay nilang kapatid. “Ate, bakit ka nakatitig sa akin?” puna niya kay Amihan. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya at kunot-noo na tumayo at lumapit sa kanya. Pagkatapos at inangat nito ang mukha niya. “Mayumi, bakit nagbu-bluish ang labi mo?” tanong nito na may himig nang pag-aalala sa sa boses. “Huh?” nagtatakang usal niya, sabay lingon sa mga kapatid na huminto sa pagkain at tumingin sa kanya. Kinuha ni Amihan ang kanyang kamay at tinitigan ang mga daliri niya. Mayamaya ay hinaplos siya nito sa pisngi. “You are getting pale, bilisan mong kumain at magbanlaw ka at magbihis. Let’s go to the hospital,” sabi pa nito. Napangiti siya. “Ate, I’m okay. Masyado kang nag-aalala, mawawala din ‘to,” balewalang sagot niya. “Hindi. Pupunta tayo sa ospital, kapag si Daddy pa nakakita niyan mas mag-aalala ‘yon. Mabuti na ‘yong malaman natin kung anong nangyayari, hindi normal ‘yan.” “Sumunod ka na lang, Yumi,” sabad ni Laya. “Sige na nga.” Habang kumakain, hanggang sa pagligo at pagbibihis, napansin ni Yumi ang unti-unting pagbilis ng kanyang heart rate. Hanggang sa hindi na siya makahinga ng tuluyan. She grabbed her chest as she fell on the floor. Nabalot ng takot si Yumi nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay mamamatay na siya ano man oras. Kahit hirap na hirap, pilit siyang gumapang palabas ng kuwarto para humingi ng tulong sa mga kapatid. Sinubukan niyang sumigaw pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Pinilit niyang tumayo at umagapay sa dibdib. “A… Ate…” habol ang paghinga na tawag niya sa kapatid. Nasa dulo na siya ng hallway doon sa second floor malapit sa hagdan nang mapatingala si Manang Yoli. Doon siya muling bumagsak. “Naku maryosep, Mayumi!” sigaw ng may edad na babae. Ang sumunod niyang narinig ay ang maraming yabag ng mga paa palapit sa kanya. Napatingin siya sa Kuya Aya niya nang iangat nito ang ulo niya at tinapik sa pisngi. “Mayumi! Mayumi!” “Ku…Kuya…” hirap na usal niya. “Yumi, anong nangyayari sa’yo?” umiiyak na tanong ni Lia. “Dalhin na natin siya sa ospital!” emosyonal na sabi naman ni Ikah. Agad siyang pinangko ni Himig habang si Aya ay halos talunin ang hagdan makarating lang agad sa baba. Pagkatapos ay agad siyang sinakay sa kotse at sinugod sa ospital. THAT was seven years ago, her first heart attack. She was only twenty-five years old back then. Yumi can still remember the moment she woke up in the hospital. Ayon sa kanyang Doctor, muntik na daw siyang hindi umabot ng buhay sa ospital, mabuti na lang daw at nadala agad. Ang pagbu-blue ng kanyang daliri at labi, ang pagtaas sa normal ng kanyang heart rate ay dalawa lamang sa mga senyales na inaatake na pala siya sa puso. They found out that she’s has a heart disease called coronary artery disease, this was caused by plaque build up in the walls of the arteries, its supply the blood to the heart and the other parts in our body. Kalaunan, nalaman nila na namana iyon ni Yumi mula sa side ng daddy niya. Ang sabi ng mga doctor, walang lunas sa sakit niya. Naging masakit at mahirap tanggapin para sa dalaga noong una ang kalagayan, pero sa paglipas ng mga taon, unti-unti na niyang natanggap ang lahat, hanggang sa tuluyan siyang nasanay. Marami nang nagbago sa buhay ni Yumi simula nang araw na iyon. She’s now thirty-two years old. Nabago ng sakit niya ang lahat sa buhay niya. Nang mga panahon na una siyang inatake, halos ilang buwan pa lang kabubukas ng restaurant nila na Sweet Tooth & Co., na tinayo nilang dalawa ng best friend niyang si Mylene. Yumi tried to be active physically, but with limitations. Dati bago niya malaman na may sakit siya sa puso, bilang Chef ay personal niyang pinamamahalaan ang kitchen. Siya ang main Chef at nakakaya niyang makipagsabayan sa pagod. Pero mula nang magkasakit siya ay hindi na siya ang pinaghawak ng kitchen. Mylene hired a professional Chef instead, ang kaibigan na rin ang nag-handle ng buong operation sa restaurant. Ang naging trabaho na lamang niya ay ang clerical works. She finds it boring sometimes, namimiss niya ang thrill at action sa kusina. Pero wala naman din siyang choice dahil sa lagay ng kanyang kalusugan, isa sa labis na pinagbabawal sa kanya ay ang mapagod ng husto. Ngunit sa kabila niyon, pinayuhan si Yumi ng doctor na regular din siya ang kanyang exercise, pero may specific at limitado siyang routine na hindi makakasama sa kondisyon niya at isa o dalawang beses lang iyon sa isang linggo. Ayon sa kanyang doctor, hindi rin naman maganda sa puso niya na wala siya kahit konti na physical activity dahil mas lalong manghihina ang kanyang puso. Bantay sarado din ang mga pagkain niya. Inaalagaan kasi ang kanyang blood pressure at cholesterol, dahil maaaring maging dahilan iyon para atakehin siya sa puso. Sa loob ng pitong taon na iyon, Yumi and her family tried so many tests, procedures, therapies, and surgeries just to cure her heart disease, not to mention her continuous medications. But everything they tried so far are all a failure. Isa na lang ang pag-asa nila para madugtungan pa ang kanyang buhay, heart transplant. Sa kabila ng kalagayan, hindi hinayaan ni Yumi na kontrolin ng sakit niya ang kanyang buhay. She found ways for her to enjoy life, kahit na limitado ang kanyang gawain. She still goes to gym and exercise, pero ang routine niya ay espesyal para sa gaya niyang may sakit sa puso. And on her free days, she makes ceramic dolls us. Natutunan niya iyon sa isang college friend nila ni Mylene na gumagawa ng ceramic arts. Yumi make her dolls mainly from clay and other materials. Nahirapan siya noong una, pero ngayon ay gamay na niya iyon. She sells those dolls and made a profit out of it. Ngayon may sarili na siyang website kung saan niya binebenta ang mga ceramic clay dolls at pinapa-deliver na lang niya iyon sa pamamagitan ng same day door-to-dorr courier. Kaya kahit nasa bahay lang madalas ay hindi siya nababagot. “Yumi, lunch is ready.” Napalingon siya sa kanyang Kuya Aya na sumilip doon sa kanyang art studio na nasa garden at gilid lang ng bahay nila. Ngumiti siya sa kapatid. “Sige, susunod na ako, Kuya.” “Huwag kang magtatagal ah, iinom ka pa ng gamot.” “Yes, Kuya.” Tinapos ni Yumi ang paglalagay ng kulay sa buhok ng disney princess na ginagawa niya sa mga sandaling iyon. Isa iyon sa order ng isa sa suki niyang kliyente. Matapos iyon ay saka siya tumayo at hinubad ang apron saka lumabas ng kanyang studio. Mula doon ay dumiretso siya sa loob at saka naupo sa harap ng mesa. “Anak, don’t forget your appointment with your new doctor next week, huh?” paalala ng Daddy niya na naabutan niyang nakaupo na rin sa harap ng dining table. “Talaga bang wala na si Doctor Paez?” tanong pa niya na ang tinutukoy ay ang family doctor nila na tumitingin sa kanya simula pa noong una. “Wala na, retired na siya at nagmigrate na sa Canada kasama ng buong pamilya niya. But don’t worry, he assured me that your new doctor is great, saka mas bata ito kaya sigurong mas magiging komportable ka,” sagot ng kanyang Kuya. “Okay. Let’s see.” Habang kumakain, napansin ni Yumi na kumunot ang noo ng kanyang ama habang nagbabasa ng diyaryo. Pagkatapos ay hinarap iyon sa kanya. “By the way, regards to Mikee, kapag nakauwi siya galing sa Australia, sabihin mo pala Congrats,” sabi pa ng kapatid. Kumunot ang noo ni Yumi. “Para saan? Saka Australia? What do you mean?” nagtatakang tanong niya. “Hindi mo pa alam? Nabasa ko sa diyaryo kahapon, nanalo siyang Entrepreneur of the Year sa Golden Hands Awards na ginanap sa Australia.” Ang tinutukoy ni Hiraya ay isang international award giving body para sa mga Filipino-Chinese entrepreneur sa buong mundo. Lalong naguluhan si Yumi sa sinabi ng kapatid. Agad siyang nakaramdam ng bigat sa dibdib at sumulpot ang kataungan sa kanyang isipan. Bakit hindi niya alam ang tungkol doon? Bakit hindi man lang pinaalam sa kanya ni Mikee na aalis ito? Pilit man pigilan ay hindi maiwasan ng dalaga ang makaramdam ng tampo. Ano na ba ang ginagawa nito? Bakit parang wala na siyang nalalaman tungkol kay Mikee. “Hindi pa,” sagot niya. “Hindi pa? Pero alam mong nasa Australia siya?” nagtatakang tanong ni Aya. “Hindi rin,” pag-amin ni Yumi. Marahas na bumuntong-hininga ang kapatid. She heard disbelief and frustration behind that sigh. Pilit niyang tinago ang pagkadismayang nararamdaman at nagpaskil ng pekeng ngiti. Nagkibit-balikat siya mayamaya lang. “Well, Kuya, we’re not yet married you know. Hindi niya obligasyon na ipagpaalam sa akin lahat ng lakad niya,” pagtatakip niya dito. “Mayumi, iba ang pinapaalam sa nagpapaalam. Yes, you’re right, wala siyang obligasyon pero bilang boyfriend, automatic na dapat ipapaalam mo sa girlfriend mo na aalis ka ng bansa, especially kung ang pupuntahan mo ay isang special event. Didn’t you want to share your happiness and celebrate with someone you love?” Hindi nakakibo si Yumi. Hindi na niya magawang pagtakpan ang nobyo dahil totoo naman lahat ng sinabi nito. Hindi tuloy maiwasan na makaramdam siya na binabalewala na siya ng nobyo. Ang Mikee na pinag-uusapan nila ay ang kanyang longtime boyfriend at tatlong taon na ang kanilang relasyon. Isang Filipino-Chinese businessman na may hawak ng malalaking mall sa bansa. She can still remember the day and place where they met, three years ago. Nagkakilala sila sa isang birthday party ng negosyante nito sa isang movie na ginanap mismo doon sa restaurant nila. Naroon siya para mag-assist sa mga magagaan na gawin gaya ng kausapin ang event organizer sakaling may pangangailangan ito. Mikee approached her that night and compliment the food. Humingi ito ng calling card niya para daw sa birthday nito ay doon din nito gusto mag-celebrate. It started with only just one text. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na at hindi na lang tungkol sa trabaho ang usapan nila at nauwi sa personal. They agree to meet again and go on dates. Hanggang sa umakyat ito ng ligaw sa bahay nila. Kalaunan ay sinagot niya at tatlong taon na nga ang nakakalipas, matatag pa rin ang kanilang relasyon. Matatag? O iyon lang ang pilit niyang pinaniniwalaan? Ngunit hindi gaya sa ibang mag-boyfriend. Mikee’s relationship with her is a secret. Noon, ilang buwan lang mula ng sinagot niya ito ay pinakilala siya ng nobyo sa ina nito. Yumi can still remember what she felt that night, she was both excited and nervous to meet his mom. Dahil ang kuwento nito ay mabait daw ang ina. Ngunit pagdating saan bahay nila Mikee at ipakilala siya bilang girlfriend. Sinampal ng ginang ang anak sa mismong harapan niya at harap-harapan siyang binastos ng ina nito. Ni hindi man lang pinatagal nito ng ilang minuto mula ng dumating sila. Harap-harapan sinabi ng nanay nito na hindi siya bagay sa anak nito at ang papayagan lang niyang maging asawa ni Mikee ay Chinese din. Pagkatapos ay inutusan nitong hiwalayan siya. Nang gabing iyon, sa kabila ng pambabastos sa kanya ng nanay nito. Inakala ni Yumi na ipagtatanggol man lang siya ni Mikee. Pero wala itong ginawa kung hindi ang manahimik at manginig sa takot habang hinahamak ng nanay nito ang buo niyang pagkatao. What’s worst? Umuwi si Yumi nang gabing iyon na mag-isa matapos siyang ipagtabuyan palabas ng nanay nito. Ni hindi man lang siya sinamahan ni Mikee sa labas. Labis na nasaktan si Yumi nang gabing iyon. She felt humiliated. She’s so angry at that time. Sa galit ay nakipag-break siya kay Mikee habang umiiyak na nakasakay sa taxi. Dahil sa labis na sama ng loob ay inatake sa puso si Yumi habang nasa taxi, mabuti na lang at nadala siya agad ng driver sa ospital. Nang mabalitaan ni Mikee ang nangyari sa kanya, agad itong pumunta sa ospital. Nang magkamalay siya ay humingi ito ng tawad sa ginawa nito at inasal ng ina sa harapan niya. Dahil mahal na mahal niya ang nobyo, pinatawad niya ito at muli silang nagkabalikan. Pero nagkasundo sila na palalabasin nila sa ina nito na hiwalay na sila. Doon nagsimula ang pagkikita nila ng palihim. Kapag may libre itong oras mula sa trabaho ay pinupuntahan siya nito sa kanyang condominium unit. Pinagbawalan din siya ni Mikee na tumawag dito dahil baka daw mahuli ng mommy nito na nag-uusap sila. She has to wait for his call and when is his free time before they can talk to each other. Kaya kapag hindi ito tumatawag ng isang linggo, minsan ay umaabot sa buwan. Hindi rin sila nagkakausap. Mikee is a mama’s boy. Sa totoo lang, mahirap kalabanin ang ina nito. Hindi dahil sa malaki itong negosyante at mayaman, dahil kung koneksiyon at yaman din lang mayroon sila noon, kung hindi dahil mismong si Mikee ay ayaw siyang ipaglaban. He’s scared of her. Minsan, tinatanong siya ng mga kaibigan nila. Hanggang kailan siya papayag na itago na lang? Hanggang kailan siya magkakasya na makiamot sa libreng oras nito? Hanggang kailan niya matitiis na maghintay ng matagal sa tawag nito? At kung sakali man na panindigan siya ni Mikee at magpakasal sila, kakayanin n’ya bang pakisamahan ang nanay nito? Ayon na rin mismo sa nobyo, hindi nito alam kung paano mag-desisyon sa buhay. Lahat ng ginagawa nito simula pagkabata hanggang sa edad nitong thirty-two years old, lahat ay dinikta ng ina nito. Wala itong boses at lakas ng loob na manindigan sa sarili. Minsan din, nagtataka na rin si Yumi sa sarili dahil nagagawa niyang tiisin ang klase ng relasyon na mayroon sila. Noong kailan lang, tinanong siya ni Mylene, kaya ba niya talagang makisama sa isang lalaking hindi siya kayang ipaglaban? Deep inside, Yumi knew, sooner or later, mauuwi din sa paghihiwalayan ang relasyon nila. Pero natatakot siyang harapin ang araw na iyon dahil mahal niya si Mikee. Napalingon siya nang muling bumuntong-hininga ang nakakatandang kapatid. “Hanggang kailan ka magtitiis na ginaganyan ka, Mayumi?” inis na tanong ni Aya. “Kuya, please…” “Ako na ang nagsasabi sa’yo kapag pinilit mo pa ‘yang relasyon n’yo at umabot kayo sa punto na nagpakasal kayo. Ikaw ang magdurusa dahil walang bayag ‘yan lalaking ‘yan, ni hindi ka magawang ipagtanggol o panindigan sa nanay n’ya!” sermon ng kapatid. Tumawa lang siya at tinapik ito sa braso. “You’re too emotional, Kuya. I just don’t expect too much from him. Pumayag din ako sa ganitong set-up kaya wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang mayroon kami ngayon. Besides, sanay na naman ako at may tiwala ako sa kanya.” kuwento pa niya. “Anak, ang point ng Kuya mo, ayaw ka namin mapunta sa lalaking hindi ka kayang alagaan. Natatakot lang kami na dumating ang araw na bigla ka niyang iwan, masasaktan ka, baka hindi kayanin ng puso mo. You know very well that you cannot handle emotional stress,” sabi naman ng Daddy nila. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng Kuya at Daddy niya. “I’ll be fine, don’t worry.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD