Halos magtatatlong linggo na mula nang makalabas sa ospital si Zion at wala nang ginawa ang kuya ko kundi ang magsunud-sunuran dito na parang aso. Hindi ko sya masisisi. Sa nangyari kay Zion, maging ako ay gusto ring gawin ang ginagawa ng kapatid ko para masigurado ang kaligtasan ni Kuya Zion. Sa ngayon kasi ay doon muna sa suite nila Jayden tumitira si Zion dahil may kasama itong nurse nung umuwi para mas maalagaan pa ito. Walang nagawa si kuya kundi ang pumayag dahil para sa kabutihan din iyon ni Zion. Kaya naman ang kuya ko, maaga pa lang ay nakatanghod na sa labas ng suite nila para ihatid si Zion sa classroom nito. Muling susunduin during lunchbreak at pagkatapos ay maghihintay na naman hanggang matapos ang panghapon na klase ni Zion, magbobonding saglit then ihahatid na ito sa suite