Chapter 2

2027 Words
[Ella's POV] Kinabukasan ay sabay-sabay na kaming nag almusal. "Mama, paabot nga po ng toyo, salamat." Pagka abot nito ay bigla ito'ng nagsalita. "Siya nga pala anak gusto ko sumama ka sa pinsan mo sa Laguna. May scholarship na inaalok sa'kin, pumayag na ang pinsan mong si Chris na mag-aral sa Laguna. Sa kumbento kayo ng mga Madre titira anak. Maganda roon, makakapag-aral ka sa kolehiyo." Nag-isip muna ako sabay hinga ng malalim. Ayaw ko kase na malayo sa aking pamilya. Parang mas gusto ko pang mag trabaho kaysa sa mag-aral ng apat na taon dahil naisip ko na sobrang tagal ng apat na taon. "Pag-iisipan ko po, 'Ma. Sobrang tagal ng apat na taon parang gusto ko muna sumama sa kanila Tita papuntang Maynila," pagpapaliwanag ko sa kanya. "Sayang naman anak, makakapag-aral ka sa kolehiyo. Alam mo naman na 'yan lang ang maipapamana namin sa inyo ng Papa mo ang makatapos kayo sa pag- aaral." hindi na nagpumilit pa si Mama. Pagkaraan ng dalawang buwan. Alas kuwatro ng madaling araw pa lamang ay may narinig na akong ingay mula sa labas. Agad akong bumangon upang silipin kung sino ang mga ito. Maging si Mama at Papa ay gising na rin at binuksan ang ilaw sa labas. Sumama ako sa mga ito palabas at nakita namin na bukas na ang ilaw sa balkonahe nila Lola at may apat na nakaupo na may mga dalang bagahe. Agad ko naman namukhaan ang mga ito. Ang tatlong kapatid ni Mama na sina Tito Rey, Tita Janine, Tita Mary at asawa nitong si Tito Paul. Agad naman kaming lumapit sa mga ito. "Hello, kumusta bakit di kayo nagsabing uuwi kayo ngayong kapistahan? Akala namin ay hindi kayo makakarating!" sambit ni Mama sa mga ito. "Supresahin sana namin kayo." sabi ni Tito Rey sa aking ina. "Ella ipagtimpla mo nga ng kape ang mga tita at tito mo at magluto ka na rin ng pansit para sa almusal nila." "Sige po, 'Ma ako na po ang bahala, mauna na muna ako sa kusina." pagpapaalam ko sa mga ito. Pagkalipas ng isang oras... "Ella, anak. Tapos ka na bang magluto?" tawag sa akin ng aking ina. "Opo 'Ma. Aayusin ko lamang po ang hapag kainan. Tara po para makakain na po kayo Tita, Tito.'Ma,'Pa sabay na rin po kayo sina Lolo at Lola tinawag ko na po. Kain na po tayo habang mainit pa ang pansit." sabi ko rito. Habang kumakain ay naisipan ko na tanongin ang Tita ko. "Tita Janine, maaari po ba akong sumama sainyo pabalik ng Maynila?" tanong ko rito pagkatapos ko humigop ng kape. "Ikaw bahala, itanong mo muna sa Mama mo kung papayag sila. Total naman kailangan ko rin ng makakasama sa bahay at para may katuwang ako sa pagtitinda." sagot nito sa akin. "Wala ho problema, Tita, dahil nagpaalam na po ako kay Mama na sasama ho ako sa inyo pagbalik niyo sa Maynila." nakangiti ko'ng sabi rito. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan. Sila naman ay nagkukuwentuhan sa sala. Naririnig ko pa ang kanilang mga tawanan. Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay nagtungo na rin ako sa sala. Maya-maya pa ay nagpaalam na sina Tita upang matulog dahil puyat pa ang mga ito at pagod sa biyahe. Ako naman ay bumalik na rin sa higaan ngunit hindi na ako makatulog marahil ay sa sobrang dami ng aking nakain at sa ininom na kape. Sila Mama at Papa naman ay nakatulog na ulit. Mulat na mulat ang mata ko at tumatakbo sa isipan ko ang mga bagay na puwede ko'ng gawin sa Maynila. Sobrang excited na ako makabalik ng Maynila dahil grade 1 pa lang ako nang isama ako ng Lola ko roon. Alas otso ng umaga ay gumising na sina tita. Inutusan niya ako'ng bumili ng pansit at shampoo. "Ella, ibili mo muna ako ng shampoo at nang makaligo na ako." utos nito sa akin dahil nakita nya ako'ng nakaupo sa labas ng bahay. "Sige po tita." agad naman akong umalis upang bumili ng shampoo. Pagbalik ko ay sinabi sa akin ni Tita Janine na isasama niya raw ako sa bayan upang mag grocery. Bisperas na kasi ng kapistahan sa barangay namin. Pagkatapos ko maligo ay nagdatingan naman ang mga kapatid ng Lola ko kasama ang kanilang pamilya. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tumulong sa mga gawain sa bisperas ng kapistahan. "Ella, aalis na tayo upang makabalik tayo ng maaga." tawag nito sa akin. Ako naman ay mabilis na tumakbo at humabol dito dahil sa bilis nitong maglakad. Tatlumpong minuto kami nag-antay ng jeep. Dahil bihira lang ang mga dumadaang jeep rito. Pagdating namin sa bayan ay inilabas na ni tita ang kanyang listahan ng mga bibilhin. Pagkatapos namin mag grocery ay pumara na ako ng tricycle sa labas upang ikarga ang mga pinamili namin. Simula sa bayan hanggang sa bahay ay isangdaan lamang ang bayad dito. Alas dose na ng tanghali kami nakarating sa bahay. Kumakain na sila at mangilan-ngilan na rin ang mga bisita na tumutulong sa pagkatay ng baboy. Ang mga kababaihan naman tumutulong sa paggawa ng suman,malagkit at iba pa. "Hello, Janine!" bati ni lola Merly. Siya ang asawa ng panganay na kapatid ng lola ko na si lolo Emilio. "Magandang tanghali sainyo!" bati ni tita Janine sa mga naroroon. Ako naman ay panay ngiti lamang at nagmano sa mga ito. "Ella, kumain ka na jan." biglang lapit sa akin ni mama at may dala na itong plato na may laman na kanin at ulam. Kumain na rin ako at sumabay na ako sa mga ito. Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako upang tumulong sa mga gawain. Nakita kong naghuhugas ng pinggan si mama kaya naman tinulungan ko na ito. Pagsapit ng hapon ay luto na ang dinuguan mangilan-ilan na rin ang mga nagsisidatingan. Luto na ang dinuguan at ang ulo at paa ng baboy na kung tawagin sa amin ay "paksiw". Ito ay nilagang ulo at paa ng baboy na nilagyan ng dahon ng Lubas o yong dahon na pampa-asim. Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay nakahanda na ang pagkain sa Mesa. At Sabay-sabay ng kumain ang lahat. Pagkatapos kumain ay abala na uli ang lahat sa mga gawain. Ang Tito Rey ay abala sa pag-aayos ng videoke. Sina papa at mga kaibigan niya ay nagtitimpla ng karneng baboy upang ibabad ito para malasa ang karne. Madaling araw na kami nakatulog nina mama at nila tita dahil gumawa pa kami ng doughnut at dessert. Kinabukasan ay maaga kaming gumising upang mag simba. Sina papa at tito naman ay naiwan dahil abala sa pagluluto. Pagkatapos ng misa ay umuwi na kami sa bahay. Alas dies ng umaga ay nasa bahay na kami. May mga nadatnan na rin kaming bisita roon. Sabay-sabay na kaming kumain kasama ang ibang bisita. Pagkatapos kumain ay nagbihis muna ako at upang maghugas ng mga plato.Tinawag ko si Mara upang tulungan ako sa paghugas ng mga plato. "Mara, pagkatapos mo nga pala riyan ay ayusin mo na derecho sa ibabaw ng mesa upang patuluin ang mga plato at kubyertos upang maibalik na sa aparador. Ingatan mo lamang at baka mabasag ang mga 'yan." utos ko rito. "Oo ate, ako na ang bahala rito." Natapos ang buong maghapon na masaya. Kinagabihan ay nagkantahan na kami sa videoke habang sila papa at tito ay umiinom kasama ang ibang lalaking bisita namin. Alas dose na natapos ang kantahan maging sila papa ay tapos na rin uminom ng alak. Natulog na kami pagkatapos noon. Kinabukasan ay sabay-sabay na kami nag almusal. Maagang gumising si papa upang initin ang ulam at kanin. "Ella, Mara, gising na mga anak!" tawag sa amin ng aming ina. Bumangon ako at umupo saglit sa kama. Nagtali ako ng aking buhok at nag toothbrush. Maya-maya pa ay lumabas na ako. "Oh.. anak, kakain na tayo. Halika na tawagin mo na ang mga kapatid mo at nang makapag-almusal na tayo." "Sige ho 'Ma." sabay talikod at pupungay-pungay pa ang mata. Pagkatapos ko tawagin ang mga kapatid ko ay sabay-sabay na kaming pumunta sa mesa. "Wow, lechon paksiw! Ang sarap naman ng almusal natin. Paborito ko ito! " ani Mara. "Siya nga pala anak sa makalawa na ang alis nila tito at tita mo. Sasabay ka pa ba sa kanila? Ayaw mo ba talaga'ng mag-aral muna?" tanong sa akin ni Mama. "'Ma, nasabi ko naman po sa inyo na sasama muna ako sa Maynila. Bukas na bukas ay aayusin ko na po ang mga gamit ko," sagot ko rito. "Kayo ha? H'wag n'yong bibigyan ng sakit ng ulo si Mama. Tumulong kayo sa mga gawaing bahay," bilin ko sa mga kapatid ko. Pagkatapos namin kumain ay inutusan ko ang kapatid kong si Mara na mag hugas ng mga plato. At ako naman ay pumunta sa bahay nila lola kung saan naroroon sina tita. "O, Ella, sasama ka ba sa bayan? Mamimili kasi kami ng mga pasalubong para sa mga kapit-bahay at kaibigan namin doon," ani tita Janine. "Sige ho, sasama po ako maliligo muna ako saglit." sagot ko naman rito. Pagtalikod ko ay dumerecho ako sa kulungan ng mga baboy naroroon kasi si mama para paliguan ang mga ito. Si papa naman ay abala sa pagpapakain ng mga kambing. "'Ma, 'Pa, sasama po ako sa bayan. Pupunta po sila tita may bibilhin lamang kami. Maliligo na ho ako." paalam ko sa mga ito. "Ohh, s'ya sige. Mag-iingat kayo," sagot naman ni Papa. Pagkatapos ko maligo ay nag-bihis na ako. Sinuot ko ang maong na shorts na pinutol ko lamang na pantalon lagpas tuhod ang pagkakaputol ko rito. At ang pang itaas ko naman ay ang t-shirt na puti na bigay sa akin ni Tita Janine. "Hala, Ella yan ba talaga ang isusuot mo? Para kang lalaki sa porma mo! Hahaha" tanong sa akin ni tito sabay tawa. Ako naman ay patawa-tawa lang din. Bukod kase sa wala kaming gaanong damit ay mas gusto ko rin naman talaga na malalaki at medyo mahaba ang kasuotan ko. "Tara na Ella, aalis na tayo." tawag sa akin ng Tita Janine ko. Nagmano muna ako sa kanila lola at lolo bago kami umalis. Pagdating namin sa kalsada ay agad namang may dumaang tricycle at doon na kami sumakay. Pagdating namin sa bayan ay nilibot muna namin ang isang bagong tayong department store roon. Pagtapos ay dumeretso na kami sa puwesto ng mga pagkain at pasalubong na gawang bicol. Abala sa pamimili si tita ako naman ay nagmamasid lamang at nagtitingin kung may magugustuhan. Pagkatapos bayaran ni tita ang kaniyang mga pinamili ay umalis na kami roon. Alas tres y medya na ng hapon ng biglang magyaya si tita na mag meryenda sa Jollibee. "Kain muna tayo Ella, nauuhaw na rin kase ako. Mag coke float tayo. Siguro di mo pa yan natitikman no?" pang-aasar nito. "Hindi pa nga po, Tita Janine. Hehe. " sagot ko rito. Maya-maya pa ay dumating na ang order ni tita. "Hmmmm.. Ang sarap naman pala talaga nito tita." sabi ko rito. "H'wag kang mag-alala pagdating mo sa Maynila ay pagsasawaan mo rin ang mga 'yan lalo kung may trabaho ka na." "Salamat po, Tita. Excited na nga po ako e," sagot ko rito. Pagkatapos namin mag meryenda ay pumunta kami sa wet market upang bumili ng isda. Hanggang sa nakasalubong namin ang kamag-anak namin at nakipag kuwentuhan si tita sa kanila. Maya-maya pa ay inimbitahan kami ng mga ito na sumabay na lang kami sa kanilang sasakyan upang hindi na kami mahirapan mag-antay ng masasakyan. Agad naman'g pumayag si tita at sumabay na kami sa paglalakad papunta sa parking lot sa likod ng simbahan. Nagpaalam ako sa mga ito na magsisindi muna ako sandali ng kandila. Pumayag naman ang mga ito. Habang nasa biyahe ay nagkukuwentuhan sila ako naman ay tahimik na nakikinig sa likod ng upuan. Pagkaraan ng tatlumpu'ng minuto ay nakarating na kami sa bahay. Nagpasalamat kami ni tita sa mga ito sa paghatid sa amin. Agad naman silang umalis at kumaway pa ako sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD