Chapter 3

2309 Words
[Ella's POV] Alas otso ng umaga.. Nakabihis na si Ella at naka-ayos na rin ang mga gamit niya papunta sa Maynila. "Ella, ito na nga pala 'yong baon mo nakasilid na rin sa paper bag. May mga pinadala akong saging at niyog diyan sa karton nakalagay." si Mama na hatak-hatak ang stroller bag ko. "Sige ho, Mama, salamat," sagot ko naman rito. "O, halika na at baka maiwan pa kayo ng bus. Maya-maya pa ay dadaan na iyon." Bitbit ko ang paper bag, si Mama naman ay hatak-hatak ang stroller bag ko samantalang si Papa naman ay pasan-pasan ang karton na may laman'g saging at niyog. "Tita, tito! Halina po kayo at baka maiwan tayo ng bus!" tawag ko sa mga ito. Pagkalipas ng sampung minuto ay natanaw ko na ang bus na paparating. Nagmano ako sa mama at papa ko bilang pagpapaalam sa mga ito. "Aalis na po kami Mama, Papa. Mag-iingat po kayo rito." Maging sila tita at tito ay nagpaalam na rin. Ako naman ay nauna ng umakyat sa bus at hinanap ang numero ng aking upuan. Umupo na ako roon at si tita Janine naman ang katabi ko sa upuan. Sumilip ako sa bintana habang umaandar ang bus at kinawayan ko sila papa at mama. Masama man sa loob ko na umalis ay tiniis ko na lamang at inaliw ko ang aking sarili upang hindi ako maiyak. Sampung oras ang biyahe namin simula Bicol hanggang Maynila. Pagdating namin sa Alabang ay gandang-ganda ako sa mga ilaw ng malalaking gusali. Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa terminal ng bus sa Pasay. Agad naman kaming bumaba nina tita at tito. Pumara ng taxi si tito Paul at ikinarga ang mga gamit namin. Pagkalipas ng sampung minuto ay nakarating din kami sa boarding house ni tita Mary. May dalawang palapag din ang bahay na iyon at malawak sa loob nito. "Ella, halika na at dito muna tayo matulog ngayong gabi. Bukas na bukas din ay uuwi tayo ng Caloocan." "Sige po, Tita Janine," nagpahinga muna kami sandali at nagbihis na ako ng damit. Kinabukasan maaga kaming gumising upang maligo. Sabay-sabay na kaming nag-almusal nila tito at tita. "Mamaya na lang kayo ng hapon umuwi, Ate," pakiusap ni tita Mary. Nagpasya rin si tita Janine na hapon na lang din kami umalis. "Ella 'yong karton at stroller bag mo ay si Philip na lang ang kukuha bukas. Masyado kasing mabigat yan at bawal yan sa tren." Si Philip ay ang live in partner ni Tita Janine. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay nagpaalam na kaming uuwi. "Halika na, Ella, para makasakay tayo agad ng jeep,"ani nito. Ako naman ay sumunod rito. Sumakay kami ng jeep papuntang Baclaran LRT. Pagkababa namin ay agad kaming umakyat sa LRT Station. Maraming tao roon at pumila na rin kami ni tita Janine. Iniabot nito sa akin ang isang beep card. "Ella, gamitin mo ito upang makapasok ka. Tingnan mo lamang ang katabi mo kung paano ito gamitin."ani nito. "Sige ho, tita, alam ko na ho kung paano gagamitin ito." sagot ko rito. Nakita ko kasi na itatapat lamang ito sa machine kaya agad kong nakuha. Pagkapasok namin sa loob ay marami ang taong nakapalibot. Inakay ako ni tita Janine sa may bandang gitna. Pagdating ng tren ay nag-unahan ang mga tao sa pagpasok rito. Si tita Janine naman ay hawak-hawak ang kamay ko at hinila ako papasok at nakipag-unahan sa upuan. Mabuti na lamang at nakaupo naman kami ngunit nasa bandang gitna na iyon at malayo sa pintuan. First time ko na makasakay ng LRT kaya naman hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing magbubukas ang pintuan at nag-uunahan ang mga tao sa paglabas rito. Tuloy ang takbo ng tren ako naman ay tahimik at nakikiramdam lamang pakiramdam ko kase ay para itong babalentong sa bilis ng takbo nito. "Ella, mamaya nga pala ay tumayo na lamang tayo malapit sa may pintuan upang makalabas tayo agad," ani nito. "Sige ho, tita," sagot ko rito. "Approaching 5th Avenue Station" Agad tumayo si tita at hinawakan ako at sumabay sa mga taong palabas at humawak ito sa hand ring malapit sa pintuan. "Humawak ka ng mabuti, Ella, sa sunod na stasyon na tayo bababa." Maya-maya pa ay... "Approaching Monumento Station" Pagbukas ng pinto ay inalalayan ako ni tita sa pagbaba ng tren. Sumakay kami ng jeep papuntang Letre. Bumaba naman kami sa unahan ng Malabon City Square. Naroroon ang bahay nila tita Janine malapit lang sa may kalsada. Ala siete ng gabi kami nakarating doon. Malaki ang bahay nila at may tatlong palapag ito. Ayon kay tita ay nakasanla ang unang palapag nito. Pagpasok namin sa gate ay may dalawang pintuan. Ang sa kaliwa ay para sa umuupa at ang kanan ay pintuan kung saan naroroon ang hagdanan paakyat sa itaas. Pagbukas ni tita ng pintuan ay madilim ito kaya naman binuksan niya ang kanyang cellphone upang magsilbing liwanag. Ako naman ay sumusunod lamang sa hakbang niya. Pagdating namin sa ikalawang palapag ay binuksan ni tita ang ilaw rito pati na ang sa hagdanan. May tatlong kwarto rito at tinuro sa akin ni tita ang magiging kwarto ko. Wala man lang tao roon kaya parang nakakatakot mag-isa roon lalo na kung ikaw ay matatakutin. "Halika, Ella, doon muna tayo sa taas." Sumunod naman ako rito. Pagdating namin sa hagdanan paakyat sa taas ay may narinig kaming kalabog mula sa ibaba. Nagkatinginan kami ni tita Janine at nagpatuloy na kami papunta sa ikatlong palapag ng bahay. "Hay... salamat nakarating din tayo," sabi ko. Umupo ako sa sofa at si tita ay sumilip sa isang kuwarto at tila may kausap ngunit hindi ko na ito pinansin dahil ang pagkaka alam ko ay kaming dalawa lamang ang tao roon. Maya-maya pa ay may narinig akong tumatakbo at sumisigaw paakyat. Ate Janine! Ate! Humangos ang dalagita at nilapitan ito ni tita. "Ano 'yon, Isay? Bakit humahangos ka?" tanong ni tita rito. "Ate, bakit niyo naman po kinalampag ang dingding, naglaglagan ang mga frame namin at nabasag ang mga ito," ani nito. "Hindi namin kinalampag ang dingding, nasa itaas na kami ng marinig namin iyon," pagpapaliwang ni tita rito. Ang tinutukoy nito ay ang flywood na naghahati sa kwarto nila at sa hagdanan papunta sa second floor. "Ganoon ba? Kung gayon ay sino ang gumawa noon?" tanong nito. At nagpaalam na ito na bababa. Kami naman ay nagkatinginan ni tita. "Halika na, Ella, samahan na kita sa baba upang makapagbihis ka na. Narito ang banyo kung sakaling gagamit ka ay umakyat ka na lamang." "Oho, tita." agad akong sumunod sa kanya at bitbit ko ang bag ko. Pagpasok namin sa kwarto ay napahanga ako dahil may aircon ito at may build-in cabinet. Puro glass ang mga ito kaya makikita mo ang mga nakapaloob roon. Mga mamahaling polo at pantalon. Mayroon din nakadikit na litrato sa salamin nito. "Ito si Philip noong 15 years old pa lamang siya. At ang kotse na yan ay regalo sa kanya ng papa niya." kwento nito. Noong araw ay si Papa Ben ang pinaka-mayaman sa Barangay na ito. Lagi siyang nagpapa-party at inuman rito. Ayon sa mga kapit-bahay ay mapagbigay ito. Linggo-linggo ay nagpapalitson ito at nagpapainom. Hanggang sa nasobrahan na ito ng alak at na high-blood kaya paralisado ang kalahating katawan nito. Mayroon silang driver at sariling nurse noon. Ngunit nabuntis niya ito kaya ito umalis. Nung magkasakit si papa Ben ay pinapirma siya ng kasulatan ng kanyang unang asawa at ang nakasaad dito ay isinasalin nito ang lahat ng dalawang bahay at tatlong sasakyan sa pangalan ng asawa nito. Pagkatapos noon ay nagpakalayo-layo na ang mga ito kasama ang dalawang anak. Si Philip ay anak ng pangalawang asawa ni papa Ben. Ngunit naghiwalay din sila ng papa nito. May tatlong kapatid si Philip sa mama nito. Huli na nang malaman nila na nagkaroon pa pala ng isa pang pamilya si papa Ben at may tatlong anak din ito. Sa galit ng mama ni Philip ay nakipaghiwalay ito. Ang bahay na ito ay isa lamang sa bodega noon ng mga tela ni papa Ben. Pinaayos na lamang ito ni Philip upang may matuluyan. Ang sasakyan ngayon ni Philip ay siya na lamang ang natira sa kanila ng papa niya. Ang mga kapatid niya ay sumama sa mama nito sa kanilang pag-alis." Si Janine habang nakatayo sa harap ng cabinet. Pagkatapos mag kuwento ni tita ay nagpaalam na ito. Ako naman ay inikot-ikot muna ng tingin ang buong kwarto. Isinara ko ang blinds sa bintana ngunit nilagyan ko ito ng awang. Agad naman akong humiga ngunit hindi ako dalawin ng antok. Hindi ako sanay na matulog sa ibang bahay. Nagising ako at tumingin sa orasan. Ala una na ng madaling araw. Nakaidlip na pala ako. Bigla ako nakaramdam ng pagka-ihi ngunit natatakot akong lumabas at umakyat paitaas. Pilit akong nakikiramdam sa labas ng may parang dumaan sa bintana na parang ulo. Agad ko naman tiningnan sa pintuan kung may paa ko anino na dadaan ngunit wala. Natakot ako at nakiramdam. Hanggang sa nawala na lamang ang pagka-ihi ko. Pagkalipas ng ilang oras ay nakatulog na rin ako. 7:30 in the morning.. Umakyat ako sa 3rd floor upang tingnan si tita. Umupo ako sa sala sa tapat ng kwarto nila. "Ohh.. Ella, gising ka na pala. Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni tito Philip sa akin. "Hindi nga ho eh. Naninibago lang siguro ako," sagot ko rito. "Siya nga pala, h'wag na h'wag kang papasok sa kuwarto na 'yan. Sabay turo sa kuwarto na katabi ng sofa. "Sige ho, tita" sagot ko na may halong pagtataka. "Mamayang hapon nga pala ay aalis kami ng Tito Philip mo. Kukunin na rin namin deretso ang gamit mo sa Pasay," ani tita Janine. "Bili ka yelo at RC sa baba Ella, utos ni tito Philip. Agad naman ako sumunod rito. Pagbalik ko ay nakahanda na ang almusal. Sabay-sabay na kaming kumain. Maya-maya pa ay sumilip si tita sa kwarto na tinuro niya kung saan bawal ako pumasok. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Pagkatapos ay nagpaalam akong bumaba at manood ng tv. Sila tita naman ay umupo sa sofa at nag cellphone. Bumaba na ako at nanood. Pagkatapos ng palabas ay hinanap ko ang walis tambo upang linisin ang kwarto dahil may alikabok na sa ilalim nito. Lumabas ako sa terrace at nilibot ko ang second floor. Malawak rin to at tiles ang sahig ngunit madilim ang dingding nito dahil wala pang pintura. Buhat sa terrace ay natatanaw ko rin ang mga kapit-bahay na kasing-taas ng bahay nila tita Janine. Nagpasya ako na umupo muna at magpahangin. Sobrang sarap ng simoy ng hangin roon. Sa bandang dulo ay mayroong lababo. May butas rin papunta sa ibaba na dinadaluyan ng tubig ulan. Nagwalis muna ako at inayos ang mga nakakalat doon. Alas onse ng umaga ay umakyat muli ako sa kuwarto nila tita Janine. Tulog ang mga ito kaya naman nagsaing muna ako. Nagising si tita Janine at bumangon na rin ito. "Tanghali na pala, sandali lamang at magpapahinga lang ako at pagkatapos ay magluluto na ako ng ulam," ani tita Janine. Maya-maya pa ay bumangon na rin si Tito Philip. Nagluto si tita ng ginisang monggo. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming nag-tanghalian. Pagkatapos namin kumain ay may dala si tita'ng isang tray ng pagkain papasok sa kwarto na kung saan ay bawal ako pumasok. Nagtataka na talaga ako kung anong meron sa loob noon. Binuksan ko ang tv at nanood kami ng palabas. Sina tita at tito ay bumalik sa kwarto at nag si-cellphone ang mga ito. Ako naman ay nakatalikod sa kanila at tahimik na nanonood. Pagkalipas ng isang oras. Psssst!.. Psssttttt!.. Lumingon ako sa hagdanan dahil doon nanggaling ang sutsot. Ngunit walang tao roon. Hinayaan ko na lamang at bumalik ako sa panonood. Alas dos ng hapon nang bumaba ako sa kwarto ko upang doon na lamang ako manood dahil gusto ko ulit mahiga. Alas kwatro ng hapon ng magpaalam sina tita na aalis muna. "Aalis muna kami, Ella, mag-te-text na lamang kami kung anong oras kami makakauwi. Nagluto na rin ako ng ulam. Magsaing ka na lamang. Tatlong takal ang isaing mo," bilin nito sa akin. "Sige ho tita." tumango-tango pa ako. Alas sais y media ng tumawag ito. "Hello, Ella, mamaya pa kami uuwi. Siya nga pala. Pakainin mo si papa. Maglagay ka ng kanin at ulam sa tray at dalhin mo sa kwarto niya. Iwanan mo lamang ito ng tubig," sabi nito at ibinaba na ang telepono. Ngayon ay alam ko na kung anong meron sa kwarto na iyon. Agad akong nagsalin ng kanin at ulam. Inilagay ko iyon sa tray at dinala sa kwarto na iyon. Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumambad sa akin ang isang matandang lalaki na naka sando at bumungad sa akin ang kanyang ari dahil nakababa ang diaper nito. Medyo mapanghi rin sa loob ng kwarto. Tumingin sa akin ang matanda at binati ako. "Hello, sino ka? Bakit ikaw ang nagdala ng pagkain ko nasaan si Janine?" tanong ng matanda. Hindi agad ako nakasagot dahil nagulat ako sa nakita ko. First time ko kasi na makakita ng ari ng lalaki. Naglaro tuloy sa isipan ko ang hitsura nito. "Ahhh.. ehhh.. umalis ho sila. Mamaya pa raw ho babalik," sagot ko rito at inilapag ko na ang pagkain nang masiguro ako na makakakain na ito ay agad akong lumabas dahil naiilang ako na magtagal pa sa loob. Umupo ako sa sofa, maya-maya pa ay kumatok ito sa bakal. Agad akong pumasok sa kwarto tapos na pala itong kumain kaya naman kinuha ko na ang tray na lumabas na ako. Kumain na rin ako at pagkatapos niyon ay bumaba na ako sa kwarto. Nanood muna ako ng tv. Alas nuwebe ng gabi ay antok na antok na ako kaya nagpasya ako na matulog na lamang dahil puyat ako noong nakaraang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD