Joy's POV Ngiti ko ang bumalandarya sa labi habang bumabangon. I felt inspired today. Alas syete pa lang gising na ang diwa ko. And to be honest hindi ako nakatulog kagabi, kaiisip kay Ramcess. Para akong timang dahil mukha akong sabog habang nag-iimagine ng kung ano-ano tungkol sa aming dalawa. This is my first time imagining things like this. Sa isang araw lang nang pagmamagandang loob niya sa akin. Agad niyang nakuha ang loob ko. Kaya ngayon, nagtatalon ako sa kama dahil makikita ko na naman siya ngayong araw sa pasukan. Bago ako naligo, pinuntahan ko si Lauren sa kanyang silid para gisingin siya. Alam kong magugulat iyon kapag nalamang ako itong mas naunang nagising kay sa kanya. This is my first time waking her up early this morning so that we can go to school. Kadalasan kasi, s