Joyce Devon Montevillia POV Tunog ng pintuan ang narinig ko. Sobrang dilim ng bodega. Dinilat ko ang mga mata. Kahit malabo ang mga pananaw ko sa kalayuan, at halos hindi ko na maibuka dahil namamaga pa rin ito. Naaninag ko pa rin ang isang anino na palapit sa akin. Kahit pagod na pagod na ang katawan ko sa pagkakadena habang nakatayo. Agad na buhayan ang dugo ko. Muling sumiklab ang takot, poot, pagkamuhi. Pero mas nanaig sa akin ngayon ang panginginig sa susunod na mangyayari sa akin. Nakaramdam na naman ako ng takot sa oras na iyon, dahil akala ko si Ramcess ang pumasok. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Edgardo. May hawak siyang flashlight, may dala siyang tray ng pagkain. Kahit papaano napanatag ako. Lalo na't nakita kong seryoso niyang nilapag sa harapan ko ang tray. Aga