"Please maawa ka sa amin, Mr. Morgan. Hindi na namin uulitin," saad ni Aryana. Sobrang dumi ng kanilang mga suot dahil sa binuhos ni Ramcess sa kanila. Maraming basura at pinturang naghalo-halo sa kanilang suot. Ramdam ko ang panlalagkit nilang lima habang nakaluhod ngayon sa harapan namin. Nasa tabi ko si Ram habang nasa likod naman ang tatlong lalaking kasama niya palagi. Hindi sana ako sasama rito sa loob ng secret room ng faculty. Ang kaso laking gulat ko nang mag-lunch break agaran niya akong pinuntahan sa class room, upang isama rito. Nagulat nga ako sa pagdating niya. Kasama niya pa ang tatlong lalaking kaibigan niya. Bigla akong nahiya sa mga tinginan ng mga studyante kanina habang kaladkad niya ako. Nakita ko pa si Lauren na papalapit sana sa akin ngunit hindi na natuloy dahi